January at the multimedia
Jenny
"May nag-iba sa iyo." Tinignan ko si Darlene na kumakain ng parfait.
"Ano?" tanong ko sa kanya at kinain ang parfait niya. Tinaas niya ang kanyang kilay at itinuro ako.
"Did you did it?"
"Ano?" she sighed deeply and whispered it to me.
"Paggawa ng mga inaanak ko." I slammed my hands in the table and stood up.
"HINDI NO!!!" pulang-pula ang buong mukha ko at ramdam na ramdam ko ang paglakas ng tibok ng puso ko.
"Chill!!" umupo ako ulit nung napansin ko na pinagtitignan na pala kami ng mga tao.
"So what did you did?"
"Hinalikan niya ako." mahinang ko sabi habang pinupunasan ang labi ko ng tissue.
"How many?" itinaas ko ang kamay ko at nagsenyas ng '2'
"Kaso lasing ako nung una"
"Ehhhh? Kailan?!!! Bakit ngayon mo lang ito sinabi?!! Lasing ka at kiss lang ginawa mo? Rinape mo sana--" sinapak ko siya habang namumula ang mukha ko.
"Kailan ba?" balik niya sa normal na siya.
"Nung birthday mo."
"WHAT?!! KAYA PALA NAWALA KA NUNG-- ahdjaga" tinakpan ko ang bibig niya.
"Nakakahiya ka." may sinabi siya kaso di ko magets kaya tinaggal ko muna ang kamay ko.
"Finally, I thought I was going to die there. Okay, no more teasing." She crossed her arms at nag-isip
"Ethan effect"
"Ha?"
"You being a blushing mess is called Ethan effect. I wonder if Jonas--" Agad nawala ang ngiti sa kanyang mukha nung naala niya si Jonas.
"May problema ba?" she chuckled nervously.
"This days nasa panganib ang buhay ni Jonas ngayon"
"Ha? Ano ibig sabihin mo?"
"Wala, wala. Umuwi kasi siya kagabi na sugatan" she smiled pero kitang-kita mo na nag-aalala siya ni Jonas
"Si Ethan din umuwi kagabi na sugatan."
BINABASA MO ANG
Married with a Gangster
RomanceJenny has her plans straight: finish college, get a job and be rich but looks like he has other plans for her. [unedited][complete]
