Chapter 56

5K 116 10
                                    

Jenny


Hang-over, yan ang nararanasan ko ngayon. Ang ulo ko parang binibiyak tas ang tanging naalala ko ay pag-uusap namin ni Gerald.


"Are you awake?" tinignan ko si Ethan na nasa pintuan hawak-hawak ang isang basong tubig at isang gamot. Ibinigay niya sa akin ang tubig at gamot, para siguro mawala ang sakit ng ulo ko. Siguro.


"Ilang baso ba ang ininom ko?" tanong ko kay Ethan, na nakaupo sa gilid ng higaan.


"One or two?" nalasing ako sa isang baso?! Diba sabi ni Gerald na grape juice yun?


"Do you drink--" tanong ni Ethan sa akin


"Hindi, first time." I declared. Isang ngiti ang bumuo sa kanyang mukha, hindi yung kadalasang ngiti na makikita mo sa kanya kaya napataas ang kilat ko.


"Then I should let you drink often." lumaki ang mga mata ko.


"Ano ang ginawa ko?!" I wailed kaso hindi ito sumagot at lumabas lang. Agad ko siyang sinundan at napansin na iba na ang mga damit ko kaso bago ako makalabas sa kwarto ay sumakit ulo ko at humiga ulit. Tinignan ko rin ang mukha ko sa salamin kaso wala na ang make-up (aw, sayang hindi ako nakaselfie pang-palit ng profile pic sa fb.)


Diba wala si Manang? Don't tell me si Ethan?!! Tumakbo ako sa labas ng kwarto nung napansin ko na medyo okay-okay na  pakiramdam ko at nakita si Manang na naglilinis.


"Manang, ikaw ba ang nagpalit ng damit ko?!" sigaw ko sa kanya


"Oo, Jenny. Ano ba ang nang...yayari?" Kumaripas ako ng takbo, malapit na nga ako mahulog sa hagdanan kaso nahawakan ko ang railings at pumunta sa kusina. Nakita ko si Ethan na hinihintay matapos ang kanyang kape habang nagbabasa sa kanyang tablet.


Ang hot niya tignan. I blinked my eyes and saw the same old Ethan na kinaiinisan ko.


"Good Morning?" bati niya sa akin, siguro mukha akong bakulaw kaso kailan ba siya may pakialam?


"Good Morning." agad uminit ang mukha ko. Naalala ko kagabi na napansin ko na ang feelings ko kay Ethan. Sa tingin ko nga, matagal ko na siyang mahal kaso di ko lang napapansin dahil masyado siyang nakakainis.


"Coffee?" itinaas niya ang kanyang mug, the same mug na iniinom niya palagi.


"Gu--Gusto ko lang ng kanin." Bakit ko ba gusto ng kanin?!


"Rice? Okay, I'll serve you food." Iniwan niya ang kanyang mug sa ibabaw ng kitchen sink at pinaghandaan ako ng pagkain. Umupo ako sa upuan at rested my head for a while in the dinner table.


Ramdam ko parin ang sakit ng ulo kaso hindi na katulad ng kanina, mukhang effective yung pinainom ni Ethan sa akin. Inilahad ni Ethan ang kanin plus bacon and egg, at kape na may cream. Umupo siya sa harap at uminom ng kape.

Married with a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon