PROLOGUE

16.6K 245 16
                                    

Teaser! ;-)

Masayang uamaga ang sumalubong kay Kathryn dahil ngayon ay lalabas silang mag-ina. Nitong mga nakaraang araw ay nawawalan siya ng oras dito kaya't hindi na mapigilan ni Jordan na mag-tampo sa ina.

"Sweetie, gising ka na. Ipapasyal kita ngayon remember?" malambing na tugon nito sa anak.

Agad namang itong bumangon at dinambahan ng yakap ang ina.

"Really?! Walang work ngayon?" tanong nito sa ina.

"Yes, sir! Wala po. Si Mommy lang po at ikaw today po. Promise po walang work po." asar ng ina dahil puro 'po' ang kanyang sagot. Kapag kasi nakakalimutan ni Jordan na mag-po ay ganoon siya sumagot.

Napa-kamot na lang ng ulo ang bata.

"Mommy naman eh." napipikong tugon nito. Bahagyang napatawa si Kathryn na kinilos ng anak.

"'Wag po kasing kalimutang mag-'po' ha?" hinalikan ni Kathryn ang anak sa pisngi saka dinala sa may balkonahe ng kwarto para maarawan sila.

Ipinatong ng bata ang ulo sa balikat ng ina habang buhat siya nito. Halatang naglalambing.

Madalas kasi ang aalis si Kathryn ng tulog pa ito lalo na tuwing biyernes at sabado tapos uuwi na ito ay tulog na ang bata. Sa ibang mga araw naman ay ihahatid niya ito sa eskwela pero late din namang umuwi.

Kagabi nga ay naabutan niya ang anak na umiiyak at ayaw pang matulog. Sinabi nito sa dalaga na hindi na siya nito mahal, naawa naman si Kathryn sa anak kaya't kinausap niya ang sekretarya na hindi siya papasok ngayong araw para makasama ang anak.

"Ano? Maliligo ka muna? O magbe-breakfast?" tanong nito sa anak.

"Breakfast."

Bumaba na sila sa kusina, saktong kakatapos lang ni Sol magluto ng umagahan nila. Dumausdos pababa ang bata at tumungo sa kasambahay.

"Good Morning, Nanay!!" masiglang bati nito at may kasama pang halik.

"Good Morning, kain na 'toy. Kath." tawag nito at umupo na sila sa hapag.

Matapos nilang kumain ay umakyat na sila para mag-bihis. Kakatapos lamang niyang mag-ayos ng sarili. Bumaba na siya para ihanda ang kotse niya nang may kumatok sa pinto. Lumihis siya ng daan at tinungo ang pintuan.

"Ahm. Sino po sila?" tanong ni Kathryn. Isang lalaki ito at nakatalikod sa kanya.

Unti-unti siyang humarap. Napa-urong si Kathryn nang makilala niya kung sino iyon. Hindi lang ito, may buhat itong batang babae sa kanyang bisig. Parang gusto niyang muling isarado ang pintuan.

"Anong ginagawa mo dito?" malamig na sabi niya.

Nanginginig ang kamay niya, hindi dahil sa takot. Dahil ito sa galit na nararamdaman niya.

"Kath. Please, pakinggan mo muna ako." hahawakan sana ito ng binata ngunit humakbang ito palayo. Bahagyang nasaktan ang binata sa kinilos ni Kathryn.

"Umalis ka na. Ayaw mo nang bumalik diba? Panindigan mo 'yan." lalapit na sana si Kathryn sa pinto para isara iyon.

Nang biglang sumigaw si Jordan mula sa may hagdanan.

"Daddy!!"

Napa-pikit siya ng mariin nang takbuhin nito ang ama ng yakap.

Hindi ipinagkait ni Kathryn na malaman ni Jordan na si Daniel ang kanyang ama. Kapag nagtatanong ito kung nasaan ay sinasabi niyang nasa malayo at nagta-trabaho lang. Dahil sa totoo, hindi niya din alam kung nasaang lupalop nga ba ito naroroon. Pero laking gulat niya na ito nga't nasa harapan na niya.

Agad na lumuhod si Daniel at sinalubong ang yakap sa kanya ng anak.

"Hey. Ang laki mo na." mangiyakngiyak na sabi nito sa anak.

Niyakap na lamang niya itong muli at hinalikan sa pisngi.

"Anak, isama mo muna si Sophia sa garden. Maglaro muna kayo." sabi ng binata sa panganay.

Bahagyang nagtaka ang bata dahil hindi naman nasabi ng ina na may baby girl ang ama niya. Nagtatakang tumingin si Jordan kay Kathryn. Lumuhod si Kathryn at kinausap ang anak.

"Big boy, makinig ka muna kay Daddy mo. Isama mo muna si Sophia, mag-play kayo. Alagaan mo ha? 'Wag mong aawayin. Sige na." kahit na ayaw ng anak ay inakay niya si Sophia papunta sa garden.

Nang wala na ang mga bata ay napuno ng katahimikan sa pagitan nila ni Daniel.

Tumalikod siya sa binata para isarado ang pinto. Nag-iinit ang mata, may mga luhang nagbabadyang tumulo mula doon.

Napahawak siya ng mahigpit sa pinto dahil naramdaman niya ang braso ng binata na yumakap sa kanya.

Itinakip niya ang kamay sa bibig upang pigilan ang pag-hikbi.

"Mahal, sorry." bulong nito sa kanya.

Napa-buntong hininga ito upang pakalmahin ang kanyang sarili.

Hinawakan niya ang braso nito at pabalang na inalis mula sa pagkakayapos sa kanya.

Buong tapang niyang itong hinarap. Nakita niya kung gaano nasasaktan ang mga mata nito.

"Kath--" hindi pa man nito natatapos sa pagbigoas ng pangalan niya ay lumapat na ang kamao niya sa pisngi nito.

Hindi inaasahan ng binata na gagawin iyon ni Kathryn sa kanya.

Hindi siya naka-galaw sa kinatatayuan. Ngayon alam na niya kung kaagano kagalit ang dalaga sa kanya.

"Sa susunod, 'wag mo akong bibiglain. Kasi hindi lang 'yan ang matatanggap mo."

~'~'~
Hala! Halaaaa!! XD Medyo matatagalan ang Chapter 1. Aayusin ko pa ang plot nito eh. Salamuch!

Teaser pa lang 'yan! Hahaha.

-ALYSSA

A Mother & A Wife (SM-Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon