Chapter 10

12.2K 281 60
                                    

Anong nangyari sa PSY nung Friday?! Pagdating ko galing school pagod kaya nakatulugan ko 'yung TV. Sino si Ligaya?! Nasaan si Yna?! (/-\)

Chapter 10

Daniel's Point Of View

Matapos kong mag-park ng sasakyan ay tumakbo na ako papasok.

"Room po ni Kathryn San Jose?" tanong ko sa information desk.

"Ililipat na lang po sa ang pasyente Room 101, Sir." sagot 'nung babae.

Agad akong sumakay ng elevator.

Bahala na. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, sasabihin ko kapag naka-harap ko na ang pamilya ni Kathryn.

Nang bumukas ang elevator ay lumabas na ako, lumiko ako sa kaliwa. Nakita kong naka-tayo si Diego at 'yung kaibigan ni Kathryn.

Biglang napa tingin sa gawi ko si Diego. Inihanda ko ang sarili ko sa ano mang pwedeng mangyari.

"Ano pa bang pinunta mo dito? Nakuha ko na nga si Jordan diba?" tanong niya. Inilagay niya ang mga kamay niya sa bulsa na para bang pinipigilan niya ang sarili. "Napaka gago mo. Kapatid ko ang nag-alaga sa anak mo ng limang taon, tapos ano? Ganito ka mag-pasalamat?" tiim bagang niyang sabi sa akin. Sinusubukan kong sumingit sa pagsasalita pero hindi niya ako hinahayaan kaya nanatili akong tahimik. "Gustong-gusto kitang upakan. Pero alam kong magagalit lang si Kathryn. Mas mabuti pang umalis ka na lang dahil hindi ka naman kailangan dito." sinagi niya ng malakas ang braso ko 'nung lampasan niya ako.

Bumuntong hininga ako.

Papano ko ba 'to aayusin? Tsk.

"Daniel." rinig kong kong may tumawag sa akin. Paglingon ko ay inambangan niya ako ng suntok.

Hanep.

"Problema mo?!" tanong ko habang hawak ang panga ko.

Siinuntok ako ng kaibigan ni Kath, si Aiken.

"Ikaw. Dapat hindi ka na bumalik, hindi ka na naman kailangan nila Kath eh. Wala ka din namang idinudulot na maganda kay Kathryn." duro niya sa akin.

Hinawi ko ang kamay niya at tumayo.

"'Wag mo akong maduro-duro!! Wala ka namang alam!" sigaw ko sa kanya.

"Wala naman talagang dapat alamin, kasi sa loob ng limang taong wala ka parang sinabi mo din na hindi mo mahal si Kathryn." sagot niya sa akin. "At para sabihin ko sa'yo, wala ka ding alam kay Kathryn."

Napayukom ang kamao ko dahil sa sinabi niya.

"Pwede ba? 'Wag kang makisawsaw sa problema namin." sabi ko sa kanya.

Napaismid naman siya.

"Papaano ako hindi sasawsaw sa gulo? Kung ako ang sinandalan ni Kathryn ako ang kasama niya ng mahigit tatlong taon. Kitang-kita ko ang hirap niya, ang sakit ng dahil sa'yo. Sa tingin mo mananahimik ako?" singhal niya.

May dumating na mga security at hinawakan ang mga braso namin ni Aiken.

"Ang sabihin mo, gusto mo lang pormahan si Kathryn. Pero 'wag mo nang subukan, dahil ako ang kakalaban sa'yo." ismid ko.

"Huh! Talaga! Kung papipiliin man si Kath sa ating dalawa. Sa tingin mo pipiliin ka niya matapos mong kuhanin si Jordan? Don't worry, hindi naman ako natatakot sa'yo. Malakas ang alas ko, ako ang Papa Aiken ni Jordan, bestfriend ni Kathryn, kumpare ni Diego. Ikaw? Ano ka sa buhay ni Kathryn? Wala-- ayy!! Meron nga pala. Anong tawag 'dun? Ex? Ahh. Ex-boyfriend." ngisi niya sa akin.

A Mother & A Wife (SM-Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon