Chapter 15

9.6K 197 7
                                    

Shoooooort!

Chapter 15

Kathryn's Point Of View

Grabe! Ano pa kayang pinag-sasabi ko kay Daniel? Pambihirang mga bata 'to ang lakas mang-asar! Kanina pa nila ako inaasar na love daw ako ng Daddy nila. Si Sophia kanina pa kinikilig sa ama niya.

"Ayy nako. Ewan ko sa inyong mga bata kayo. Kailangan nang umaalis ni Mommy." sabi ko at pinunasan ang labi ko ng tissue.

Pumasok si Daniel sa kusina, galing ata siyang kwarto. Naka shorts at white shirt suot din niya ang cap niya.

"Ihahatid na kita. Masakit pa 'yang ulo mo, mapano ka pa habang nagda-drive. Let's go." sabi niya sa akin.

"Daddy, pasama kami!" sabi ni Jordan sa ama.

Tumango naman si Daniel bilang sagot. Nag-unahan ang dalawa sa pag-labas. Unahan sa shotgun seat, gustong-gusto nila 'dun. Hindi naman payagan ni Daniel dahil naghihilian lang ang dalawa eh.

Umuna na sila sa grahe ako naman ay pumunta pa sa salas para kunin ang bag ko.

Ang sakit ng ulo ko. Kahit uminom ako ng gamot hindi din mawawala kasi may alak ang ininom ko. Parang may pumipisil ng ulo ko. Tapos pakiramdam ko may lagnat ako.

Pagdating ko sa labas ay nakaabang si Daniel. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Nang ginawa iyon ni Daniel ay biglang tumili si Sophia.

"Sabi ko po sa'yo eh! Love ka talaga ni Daddy!" biglang sabi ni Sophia at sumiksik pa sa Kuya dahil biglang nahiya. My baby's so adorable!

Ngumisi lang si Daniel at sumakay na sa sasakyan.

---

"Anong oras ng uwi mo? Sunduin kita." tanong ni Daniel nang makaparada ng sasakyan.

Tinanggal ko ang seat belt ko.

"'Di ko sure. Baka ma-late ako kasi may appointment ako mamayang gabi. 'Wag na, magta-taxi na lang ako." sabi ko.

"Eh kung gagabihin ka mas lalong dapat nga kitang sunduin. I-text mo na lang ako." sabi niya.

Tumango na lang ako sa kanya. Dumungaw 'yung dalawa para mag-goodbye kiss sa akin. Hindi na sila bumaba, wala naman daw silang gustong kainin o iuwi sa bahay.

Pumasok na ako sa loob at may ilang costumers na kumakain. Sa second floor naman 'yung party area. Pumunta muna ako sa taas para i-check 'yung set up.

Pagdating ko sa taas naka-ayos na 'yung buong place. Napa-ngiti ako kasi sobrang cute, baby pink and white 'yung buong theme ng baby shower 'nung mag-asawa. Hindi ko nga sila na-meet kasi si Aiken 'yung naka-usap nila. That time kasi nagka-problema kami ni Daniel. Medyo matagal akong hindi naka pasok.

"Kath! Good Morning!" bati sa akin ni Malou.

Ngumiti ako sa kanya.

"Good Morning din. Akala ko 9 'yung simula?" tanong ko.

"Na-move lang ng isang oras. Ayy Kath, si Aiken nag-design nitong hall. Ganda diba?" sabi niya na parang tuwang-tuwa din sa kinalabasan ng lugar.

Nandito na din pala si Aiken! Palagi naman siyang wala dahil may taping. Hindi siya basta-basta nakaka-alis kasi nagkasakit si Tito at humalili lang si Aiken.

"Oo nga eh." simpleng sagot ko.

Nagulat ako nang bigla niyang kuhanin ang bag at laptop ko sa akin.

"Tara na, Kath. Hatid na kita sa office mo. Alam kong masakit ang ulo mo." sabi niya at inihatid ako sa office ko.

Paano niya nalaman? Uggh! Whatever.

A Mother & A Wife (SM-Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon