Chapter 2

10.2K 202 8
                                    

Chapter 2

Kathryn's Point Of View

Naka-tambay ako ngayon sa tent ni Vice. Lunch break namin ngayon. Nakikipag kulitan si Vice kay Aiken. Araw-araw naman 'tong nakikisilong dito. Palibhasa tatay niya ang direktor kaya pwede siyang umalis at gumala sa set.

"Bar tayo? Kath tara!" yaya ni Vice.

Halos sumama na ang lahat sagot ko na lang ang iniintay.

"Aym, hindi ako pwede eh. Nag-promise na ako kay Jordan na magdi- date kami mamaya. Sorry." sagot ko.

"Ayy! Sayang, hindi mo naman junakis 'yun diba? Bakit ikaw ang nag-aalaga eh anak naman 'yun ng jowa mo na may asawa na ngayon! --Aray!" natigilan ako sa sinabi ni Kira. Baklang kaibigan ni Vice.

Binato siya ni Vice ng sapatos. Nanlaki naman ang mata niya nang maisip niya kung anong mga salita ang nabitawan niya.

"Sorry." nahihiyang sabi niya.

"Sa susunod kasi ingatan mo 'yang mga sinasabi mo, Kira." seryosong sabi ni Aiken.

Ngumiti na lang ako para malaman nilang hindi ako naapektuhan.

"Don't worry, wala lang naman 'yun. Ok lang." tumahimik naman ang lahat.

Mabuti na lang at nag-tawag na ulit si direk.

Ngayon ko lang nalaman na alam pala ng ibang tao dito ang pinag-dadaanan ko. Siguro na kwento ni Vice, siya lang naman ang pinagsabihan ko. Ayos lang naman sa akin. Kung pag-chismisan man ako, wala na akong pakialam. Hindi naman ako ang may kasalanan eh. Ako ang sinaktan.

Sinaktan ng isang walang kwentang tao.

---
"Ate, alis na ako ha?" paalam ko kay Vice.

"Ingat. May sasakyan ka ba? O may susundo?" tanong niya.

"Wala, magta-taxi lang ako pauwi. Sige po, aalis na ako. Ingat ka din!" sabi ko.

Binitbit ko ang bag kong dala at lumabas na ng tent ni Vice. Sakto naman na papasok sana si Aiken.

"Uuwi ka na?" tanong niya. Tumango ako.

"Oo eh, sige aalis na ako." tumalikod na ako.

"Pwede ba akong sumama sa date niyo?" napa balik ako ng tingin kay Aiken.

"May trabaho ka pa, baka magalit na si direk kakasunod mo sa akin." sabi ko.

Totoo naman kasi. Ayoko namang dumating sa punto na sawayin o mapagalitan na kami ni Aiken dahil lagi kaming magkasama sa set. Mabait naman kasi si direk pero iba din kasi talagang magalit.

"Hindi 'yan! Nakapag-paalam na ako kanina, ayos lang sa kanya. Pumayag ka na. Para safe ka ding maka-uwi. Tara na." kinuha niya ang bag ko at hinila ako papunta sa kotse niya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto saka siya sumakay. Tinuro ko na lang ang direksyon ng bahay, mabuti na lang at hindi kami masyadong naipit sa traffic.

Sa totoo lang gusto ko nang mag-pahinga, pero ayaw ko namang mag-tampo si Jordan sa akin. Iniwan na nga kami ng walang hiyang tatay niya, hindi ko naman hahayaan na isipin niyang iniwan ko na din siya.

Pagkadating namin sa bahay ay agad kaming bumaba. Naririnig ko na ang pag-iyak ni Jordan kaya naman tinakbo ko na papasok.

"Hindi naman dadating si Mommy eh!!" pag-bukas ko ng pinto ay napatingin si Nanay sa akin.

Nakasiksik siya sa gilid ng sofa. Nilapitan ako ni Nanay.

"Nako kanina pa 'yan ganyan." nag-mano muna ako sa kanya.

A Mother & A Wife (SM-Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon