Chapter 12

11.5K 239 34
                                    

Chapter 12

Kathryn's Point Of View

Naiwan kami kasama ni Mama at Papa sa kwarto ko. Umuwi na si Kuya dahil hinahanap na si ni Liza. Si Jordan at DJ lumabas para bumili ng pang-lunch namin. Si Sophia himbing na himbing na natutulog sa tabi ko.

Pinaglalaruan ko 'yung malambot niyang buhok. Kaya pala may nakikita ako sa muka niya, si Jack pala ang tatay niya. Nakaka-awa pala siya, hindi niya kasama ngayon si Stephanie na siyang nanay niya. Tapos hindi pala siya tanggap ni Jack bilang anak.

Sisiguraduhin kong hindi niya mararamdaman na hindi buo ang pamilya niya. Tatanggapin ko siya gaya ng pagtanggap ko kay Jordan. Dumating sila sa buhay ko, biyaya sila na dapat ipagpasalamat.

Hinalikan ko sa noo si Sophia saka inayos ang kumot niya.

"Anak." rinig kong tawag sa akin ni Mama.

Tumingin ako sa kaniya at umupo ng ayos.

"Bakit po?" tanong ko.

Umupo si Mama sa bakanteng parte ng kama ko sa may paanan. Si Papa naman ay sa isang monoblock.

"Ok ka na ba talaga?" tanong ni Mama sa akin.

Ngumiti ako sa kanya saka tumango.

"Talaga bang, tinatanggap mo si Daniel kahit na bumalik siya na may kasamang bata sa ibang babae? Pinagtaksilan ka niya, Kath." tanong sa akin ni Papa.

"Hindi naman po niya anak si Sophia eh."

Nagulat silang dalawa sa naging sagot ko. Ang alam ng lahat 'yun ang nangyari. Kaya hindi na bumalik si Daniel dahil bumuo na siya ng pamilya sa ibang bansa. Natural na magalit sina Papa at Kuya pati na si Mama. Muntikan na nga nila akong ilayo kay Jordan. Pero nakiusap ako gusto kong ako ang mag-alaga sa kanya.

Naging laman din ako dati ng nga usapan ng mga tao na nakakakilala sa akin sa Nueva Ecija. Palibhasa hindi naman nila nararanasan kaya hindi nila ako maiintindihan. Iniisip nilang isa itong malaking katangahan. Dalaga pa ako at sa edad ko daw dapat nagpapakasaya pa lang ako. Dapat daw ang pinagtatrabahuhan ko napupunta sa sarili ko. Hindi sa matrikula ng anak ng boyfriend ko. Ano naman sa kanila? Pera ba nila ang ginagamit ko.

Ganoon talaga ang tao sa mundo, kapag hindi naaayon sa kanila ang mga kilos mo may nasasabi agad.

Ikinuwento ko lahat sa kanila kung ano ang nangyari. Pati na rin ang katauhan ni Jack at kung anong kasamaan ang ginawa niya kay Daniel.

Sana nga lang talaga, tigilan na ni Jack ang lahat ng masasamang balak niya. Nadadamay na ang mga inosenteng tao.

"Sana nga anak. Ako na ang kakausap sa Kuya mo. Alam mo naman mahal na mahal ka n'on. Kaya pagpasensyahan mo na." sabi ni Mama.

"Bago kami bumalik ng Mama mo sa atin kakausapin ko muna 'yang si Daniel. At sa puntong ito talagang hindi pa buo ang tiwala ko." sabi ni Papa.

Itinigil muna namin ang pag-uusap dahil nagising na si Sophia.

"Mommy.." ungot niya. Nagising na.

Umupo siya saka ako niyakap ako. Muka siyang nahihirapan kaya pinaupo ko siya sa lap ko, nakasandal siya sa may dibdib ko. Bagong gising ang prinsesa hindi pwedeng kulitin.

Tumingin ako kina Mama at Papa, napa-ngiti ako nang makita ko silang naka ngiti din.

"Papa, magkaka-apo ka na ng babae." sabi ni Mama kay Papa.

Nagkaanak kasi ulit si Kuya, kaso nga lalake. Ang matagal nang hiling ni Papa na babae daw.

"Oo nga eh, may bibilhan na ulit ako ng manika." sabi ni Papa.

A Mother & A Wife (SM-Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon