Chapter 21

7.2K 154 5
                                    

Chapter 21

Kathryn's Point Of View

Kinuha ko ang susi ng kotse ko sa ibabaw ng lamesa at kaagad na lumabas ng opisina. Naglakad ako papunta sa kitchen para hanapin si Malou.

"Lou!" tawag ko upang kuhanin ang atensyon niya.

Kaagad naman siyang lumapit sa akin at nag-tatakang tumingin.

"Aalis ka? May ime-meet ka pang mag-asawa mamayang 4." sabi niya.

"Hindi, i-move mo ng six. Mahalaga lang talaga ang pupuntahan ko." sabi ko sa kanya.

"Sige, gaano ba kahalaga 'yan at halos araw-araw mong pinupuntahan?" tanong niya.

Hindi na lang ako sumagot at ngumiti ng pilit. Nag-paalam na ako sa kanya bago umalis. Kaagad akong nag-maneho papuntang ospital para bisitahin si Stephanie. Desidido talaga akong tulungan siyang gumaling para sa kanya lalo na sa anak niya. Sa mga araw na nag-daan, ganito ang naging gawi ko. Humahanap ako ng ilang oras para bisitahin siya.

"Kamusta ka na?" tanong ko kay Stephanie matapos kong ilagay ang dala kong bulaklak. "Oh, ang ganda diba? May gusto ko bang ipalagay sa kwarto mo? Mas maganda 'yung makulay para hindi ka malungkot." sabi ko habang inaayos 'yung kumot niya.

Pinapalitan ko din 'yung beddings niya ng makukulay na disenyo. Kahit hindi niya ako kinakausap, hindi na niya ako sinisigawan katulad noong una. Sabi ng doktor, maganda daw iyon para hindi siya ma-stress.

"Yellow rose 'yung binili ko. Hindi ko kasi alam ang gusto mo, hayaan mo sa susunod 'yung gusto mo na. Ano bang paborito mo? Sa sunod na punta ko dadalhin." masayang tanong ko sa kanya habang inaayos ang rosas sa plorera.

"Blue rose, isang dosena ha?" nagulat ako nang bigla siyang nag-salita.

Hindi ko pinahalata na nabigla ako at patuloy pa din sa pakikipag-usap sa kanya.

"Talaga? Sige sa susunod dala ko na kahit isang dosena pa." nakanhiting sabi ko.

"Salamat, pero dapat maganda 'yung arrangement ha? Hindi ko 'yun tatanggapin kapag pangit." sabi niya, hindi siya nakatingin sa akin.

Hindi ko maiwasang mapa-ngiti, ngayon niya lang ako kinausap bonus pa ang nagbibiro siya.

"Natulala ka? Gulat ka 'nuh?" nakangiting sabi niya. Napatingin ako sa kamay ko nang bigla niya itong pisilin. "Salamat sa pagiging matiyaga mo sa'kin ha? Salamat, sobra. Hindi talaga ako nagkamali na sa inyo ko iniwan ang anak ko." nanginhilid ang nga luha niya. "Kamusta na ba siya? Malaki na? Maganda? Mahiyain? Or bibo?" sunod-sunod niyang tanong.

Umupo ako sa tabi niya at kinuha ang laptop ko. Sinimulan kong ipapanood sa kanya ang mga videos ni Sof na kinuha ko pa kay Daniel ang iba. Hinayaan ko siyang manood mag-isa, naiiyak siya pero nakikita kong masaya ang mga mata niya. Naiintindihan ko siya, ilang taon niya ding hindi nakasama si Sof.

"Ang laki na ng anak ko. Ang ganda-ganda niya." sabi niya matapos punasan ang mata niyang puno ng luha.

"Kapag handa ka nang makilala si Sof, sabihin mo lang. Kaya Steph mag-pagaling ka kasi gustong-gusto ka na ding makita ni Sophia. Tutulungan kita."

Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Sorry pala kung nasigawan kita 'noong una. Hindi ko kasi magawang mag-tiwala sa mga tao matapos  ng nangyari." sabi niya. Tumango ako tanda na naiintindihan ko siya.

Hinayaan ko na siyang halungkatin ang mga pictures namin sa laptop ko. Nang sumapit ang alas cinco ng hapon ay nagpaalam na ako sa kanya para pumunta sa meeting. Iniwan ko na din muna sa kanya ang laptop ko. Lampas na ng alas otso nang nakauwi ako ng bahay. Masyadong mahirap ang mag-asawa, gusto nila 'yung engrande kulang naman sa budget. Tapos inabot pa ako ng traffic sa daan.

A Mother & A Wife (SM-Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon