Chapter 14

10.7K 236 22
                                    

Last update for this year! Salamat talaga sa inyong lahat. Ingat kayo. I love you guys. :*********

Chapter 14

Kathryn's Point Of View

Kaka-park ko pa lang ng kotse sa grahe ay may narinig na akong na-basag at kasunod noon ang pag-iyak ni Sophia. Nag-madali akong bumaba ng sasakyan. Ano na naman kaya ito? Tsk.

"Sophia! I already told you! 'Wag mong galawin! Ayan, sira na!" sigaw ni Jordan.

Pagkapasok ko ng salas nakita ko ang basag na mug sa sahig.

Agad akong lumapit sa dalawa at pinag-gitnaan.

"Anong nangyari? Jordan, bakit mo sinisigawan si Sophia?" tanong ko.

Umiiyak na tumago si Sophia sa tabi ko. Dumating si Nanay at nakinig lang sa amin.

"Si Sophia po eh! Sinira niya 'yung project ko!" sigaw ni Jordan na nanlilisik ang mata sa kapatid niya.

"Sorry, Kuya. Hindi ko naman po sinasadya." sabi ni Sophia habang umiiyak at sumi-sinok pa.

"Sinadya mo naman eh! Sabi ko 'wag mong hawakan! Buoin mo 'yan!" sigaw ni Jordan at aambahan pa sana ng palo si Sophia.

"Jordan!" warning ko sa kanya.

"Hindi nga!" sigaw pabalik ni Sophia.

Tumakbo siya sa kay Jordan, nagulat na lang ako nang biglang hilahin ni Sof ang buhok ng kuya niya. Umiiyak na din si Jordan.

Inilayo ko kaagad si Sophia at si Nanay Sol naman kay Jordan.

"Kayong dalawa, hindi ko kayo tinuruan ng ganyan ha! Ikaw naman Jordan, bata 'yan bakit mo pa pinatulan? Kasalanan mo din, sana hindi mo nilagay sa maabot para hindi nagalaw. Pwede ka pa namang gumawa ulit ah! Akyat sa taas!" galit na sabi ko sa kanya.

Kumawala siya sa yakap ni Nanay at umiiyak na tumakbo paakyat ng hagdan.

"Gumawa lang ako ng snaks niyong dalawa nag-away na agad kayo ni Kuya mo. Tahan bebe." sabi ni Nanay.

Bumalik na si Nanay sa kusina, umupo muna ako at kinalong si Sophia. Ngayon lang naman nag-away ang dalawang bata. Ayaw ko mang pagalitan si Jordan hindi ko na napigilan.

"Tigil na Baby, project 'yun ni Kuya eh. Saka masama 'yung nanakit ka. Ang mag-kapatid hindi dapat nag-aaway. Diba si Kuya kapag sinasabi mo na 'wag galawin 'yung toys mo sinusunod ka niya. Dapat ikaw din, hindi naman madamot si Jordan sa'yo diba po?" sabi ko habang pinupunasan ang pisngi niya.

"Bad girl na po ako?" humihikbing tanong niya.

"No. No. Hindi ka bad girl. Stop crying na." alo ko sa kanya.

Tumigil na siya sa pag-iyak pero himi-hikbi pa din. Pinunasan ko 'yung likod niya ng panyo ko. Sana hindi sumama ang loob ni Jordan ko. Ito din 'yung unang beses na nag-sakitan sila. Normal lang naman na mag-away ang mga bata 'wag lang mag-sakitan.

Biglang bumukas ang pinto.

"Hello mga Mahal ko!!" sigaw ni Daniel pagka-pasok sa pintuan.

Ngumiti lang ako sa kanya. Napansin niyang umiiyak si Sof kaya lumapit kaagad siya sa amin. Lumuhod siya sa harap namin.

"Hey! Bakit umiyak ang prinsesa ko? Hmm?" tanong niya saka hinalikan sa noo si Sophia. Hindi sumagot ang bata at lalong  yumakap sa akin. Umiiyak ulit. Ayy ang arte ng baby ko.

Tinignan ako ni Daniel na parang nag-tatanong, inginuso ko sa kanya 'yung project ni Jordan na nagkalagay sa dust pan.

"Oww." reaksyon ni Daniel at napa kamot pa siya sa ulo niya.

A Mother & A Wife (SM-Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon