Chapter 11

10.2K 226 23
                                    

Mas gwapo si Angelo ngayon diba? :D

Italized - flashback

Chapter 11

Daniel's Point Of View

"Inako ko siya kasi... Si Jack."

Malapit nang mag-land ang eroplano, pansin ko ang pagkabalisa ni Stephanie sa tabi ko. Panay silip niya sa bintana o kaya naman kislot na nang kislot. Hindi ko na lang pinansin, hanggang sa makababa kami at makarating sa hotel ganoon pa din siya.

"Ano bang nangyayari sa'yo?" tanong ko.

Napa-tanga siya na parang tinatanong kung anong sinabi ko.

"Ewan. Magpahinga ka nga muna. Bukas na bukas may meeting tayo. Kumatok ka na lang kapag may kailangan ka." sabi ko sa kanya.

Magkatapat lang namang kami ng kwarto. Pansamantala lang kami dito, may bahay ako titirahan dito. Hindi kami mag-kasama ha! Nandito daw ang kuya niya, doon daw siya titira.

"Ok naman kami sa trabaho, wala naman akong nakikita masama sa nga galaw niya. Hanggang sa pinasok niya ang kwarto ko habang natutulog ako 'nun."

Antok na antok dahil naka-ilang meeting din ako ngayong araw. Humiga ako sa kama ko matapos kong mag-linis ng katawan.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-tulog ko nang maramdaman kong may humahaplos sa likuran ko. Ipinagsawalang bahala ko dahil na rin sa atok at pagod.

Hindi nag-tagal may naramdaman naman akong humawak ng zipper ng shorts ko kaya agad akong nagising at  tumayo.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino 'yun.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Stephanie?!" galit kong tugon sa kanya.

Nakita ko ang kaba at takot sa kanya.

"S-sorry. Kailangan ko talaga kasing gawin 'to eh." sabi niya sa akin.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang braso niya. Napapa-kislot siya sa sakit.

"Alam mo namang may girlfriend ako diba? Gusto mo ba kaming masira?!" sigaw ko sa kanya.

Umiling siya habang umiiyak.

"Hindi! Hindi! Mag-papaliwanag ako. Nasasaktan na ako. Daniel." pakiusap niya sa akin.

Binitawan ko siya, ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis.

"Sorry.. Desperado na talaga ako eh." iyak niya sa akin.

"Desperado saan?! Sa akin?! Kaya mo kami sinisira?!" tanong ko sa kanya.

Umiling siya.

"Noo! Ginagawa ko 'to para sa baby ko. Buntis ako, Daniel." sabi niya sa akin.

Kung buntis siya bakit niya ako dinadamay sa problema niya? Tinakbuhan ba siya 'nung tarantadong lalaki?!

"Bakit ako nasangkot sa batang dinadala mo? Hindi ko naman anak 'yan?"

Napa upo siya sa kama ko.

"Si Jack. Siya sa ama." hagulhol niya.

Halos mapanganga ako sa narinig ko. Tina-traydor ba ako ni Stephanie?

A Mother & A Wife (SM-Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon