Chapter 13

11.8K 219 15
                                    

I've been busy editing Substitute Mom kaya hindi ako makapag-update. Nagyon ko lang na-review ng ayos at sobrang dami ko pala talagang lame updates, typo and grammatical errors. So, sorry. Salamat sa mga nag-intay! :)

Last December 21 Anniversary ng SM! Happy 1st Anniversary guys! At sobrang ganda ng regalo na umabot na sa 100,000+ reads. Salamat po sa inyo. THANK YOU FOR THE LOVE!!!! :D

Chapter 13

Kathryn's Point Of View

Hindi pa din mawala sa isip ko 'yung nakita ko kanina. Si Stephanie ba talaga 'yun? Tama na nga! Ang mahalaga hindi magulo ang lahat ngayon.

Tinuktukan ko ng mahina ang noo ko. Hay 'no ba 'yan?

"Ok ka lang? May masakit sa'yo?" tanong ni Daniel.

Kakauwi ko lang kanina sa bahay. Naka-alis na din sina Mama at Papa kanina matapos nilang maka-usap si Daniel. Hindi ko alam kung anong nagpag-usapan nila, iniwan nila akong tulog sa kotse habang nag-uusap sila! Bait eh.

"Ok lang ako. Ahm, ano palang gusto niyong dinner?" tanong ko.

Na-miss ko silang ipag-luto eh. Babawi lang.

Pupunta na sana ako sa ref para mag-halikwat ng malu-luto pero hinawakan ni Daniel ang balikat ko para umupo ulit.

"Kakalabas mo pa lang. Mag-pahinga ka muna sa kwarto." sabi ni Daniel.

Ngumuso ako sa kanya.

"Eh, mag-gagayat na lang ako." sabi ko sa kanya.

Umiling siya.

"'Wag na nga, kaya ko na naman. Pa-uwi na din sina Jordan, alam mo naman na hindi ka bibitawan ng dalawang 'yun." natatawang sabi niya habang nag-lalabas ng ingredients mula sa ref.

Narinig ko ang pag-bukas ng gate, sa tantya ko nag-uunahan ang dalawa. Si Jordan hinahabol si Sophia pero alam ko naman nag-pahuli talaga siya kasi alam niyang iiyak 'yun kapag natalo.

"Mamee!!" tawag ng dalawa sa akin.

Si Sophia ay dali-daling umupo sa lap ko, si Jordan naman ay niyakap ako. Tawa lang sila ng tawa.

"Ang likot niyo. Tama na 'yan." seryosong saway ni Daniel sa mga bata.

Nabawasan lang ang ingay pero nag-tatawanan pa din sila. Ang cute lang.

"Tama na ang laro. Tignan niyo ang pawis niyo oh." sabi ko sa kanila. Kinuha ko ang towel sa likod ni Sophia at ipinunas sa kanya. "Si Nanay?" tanong ko at si Jordan naman ang pinunasan ng pawis sa likod.

"Nag-lalakad pa po." sagot ni Jordan.

Lokong mga bata 'to. Iniwan si Nanay mag-isa.

"Kayo, ang kukulit. Kapag kayo nadapa, ewan ko lang." sabi ni Nanay habang papasok ng kusina.

"Nay, mano po." sabi ko at inabot ang kamay niya para mag-mano.

"Ano? Ok ka na?" naka-ngiting tanong niya habang hinahaplos ang buhok ko.

Tumango ako. Si Nanay lahat ang naka-kita lahat ng ka-dramahan ko. 'Yung panahon na luha, sipon at laway ko ay sabay-sabay ata ang tulo sa damit niya habang pinapa-kalma ako. Medyo nahiya tuloy ako.

"Mag-pahinga ka muna, ako na ang mag-babantay sa mga bata." sabi niya.

"Hindi na po. Ayos na talaga ako, Nay." sagot ko sa kanya.

"Hayy, oo na. Mag-lalaba na lang ako, maiwan ko na kayo d'yan." sabi niya at lumihis ng daan papunta sa laundry area.

Patuloy pa din sa pag-luluto si Daniel. Nasa tabi niya si Jordan at nag-tatanong ng kung ano-ano tungkol sa niluluto niya. Feeling ko na-adopt niya sa akin 'yung hilig sa pag-luluto. Naka-lagay kasi sa year book niya 'nung kinder sa dream profession ay chef. Nakaka-tuwa lang.

A Mother & A Wife (SM-Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon