Chapter 25

8.4K 165 26
                                    

Chapter 25

Kathryn's Point Of View

Sabado ngayon at naisipan kong mag-stay na lang sa bahay. Halos dalawang buwan na din ang nakakaraan simula nang tumira sa amin si Stephanie. Maayos naman ang turing namin sa isa't isa. Siya ang unang humingin ng pasensya sa nangyaring sagutan noong nag-away ang mga bata.

Patuloy pa din ang pagpapagamot niya na ngayon ay lumalala. Ang stage 2 cancer niya ay naging stage 3 na. Pansin ko nga ang parang pagiging stress niya nitong nakaraan. Minsan ko nang sinubukang buksan ang topic pero kaagad niya itong iniwasan. Ngayon nga ay sobrang sakitin na niya at labas-pasok na din siya sa ospital. Ang nakakalungkot pa nito ay halos wala na din siyang buhok dahil sa patuloy niyang pagche-chemo.

"Kath." rinig kong tawag sa akin ni Steph kaya kaagad akong lumapit sa kanya. Nandito ako sa kwarto ni Daniel na kwarto na niya ngayon. Sa iisang kwarto pa din kami natutulog kasama ang mga bata.

May personal nurse siyang nag-aalaga sa kanya. Provided 'yon ni Alexis.

"Bakit? May problema ba? May masakit?" tanong ko sa kanya. Umiling siya at ngumiti sa akin.

"Sobra na akong nanghihina pero gusto ko pang mabuhay para kay Sophia. Siya na lang ang meron ako. Kaso ang hirap, hirap na hirap na ako. At matagal na din akong kino-contact ni Jack." nagulat ako sa huling sinabi niya.

No way.

"Bakit ngayon mo lang sinabi? Binabalikan ka ba niya? Anong ginawa niya sa inyo?" gulat na tanong ko sa kanya.

Umiling siya.

"Wala siyang ginawang masama, wala. Nakipagkita siya noon pero kasama ko si Alexis." hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. "Gusto niyang makipagbalikan sa akin, Kath." naiiyak na sabi niya sa akin. "Natatakot ako ako. Ayokong sumugal na naman pero gusto niyang makasama kami, gusto niyang mabuo 'yung pamilyang nasira niya. Pero si Daniel," napatingin ako kaagad sa kanya nang sabihin niya ang pangalan ni DJ. "Hindi niya kami payagan, ayaw niyang sumama kami kay Jack." tuluyan na siyang naiyak. Sa tingin ko nahihirapan na din sa sitwasyon.

Matapos noon ay hindi na ako nakasagot sa kanya. Sinabi kong magpahinga na lang muna siya at pagusapan na lang namin sa susunod.

Bakit pakiramdam ko wala akong alam sa nangyayari sa bahay na 'to. Ang tagal na palang lihim na nagkikita na si Jack at Steph. Malalaman ko na lang ganito na pala. Napapansin ko na din ang pagiging balisa ni Daniel. Iyon pala ang dahilan, akala ko ay stress lang siya sa trabaho pero mali.

Sa loob ng dalawang buwan, hindi ko na nararamdaman 'yung pagmamahal ni Daniel. Siguro sa mga nagdaang panahon na 'yon ay limang beses lang niya akong naihatid sa trabaho. Hindi na din kami nag-date ng kaming dalawa lang. Palaging kasama ang lahat o di kaya'y kaming tatlo nila Stephanie. Hinahanap ko 'yung oras ni Daniel pero hindi ko maidemand sa kanya dahil wala namang ako sa posisyon.

Siguro ay clueless pa din kayo sa naging usapan namin ni Alexis noong una kaming nagkita. Kung ano ang totoong nangyari sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" kabado ako habang nakatayo siya sa harapan ko. Ilang taon man ang nakaraan noong huli ko siyang nakita, natatandaan ko pa din siya.

A Mother & A Wife (SM-Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon