Chapter 23

6.8K 155 28
                                    

Gustong bumalik ni DJ sa pag-aaral pero di daw kaya. Sana lang makabalik na siya sa pag-aaral, nuh? Anywaysss, sorry sa sobrang bagal kong mag-UD. Nahihirapan akong mag-isip ng pwedeng isulat. Siguro ay mga ten chapters na lang at tapos na 'to.

Chapter 23


Kathryn's Point Of View

Sinundan ko si Sophia sa kwarto namin. Nakatalukbong siya ng kumot at pilit siyang kinakausap ni Daniel.

"Sophia! Talk to me!" maotoridad na utos ni Daniel.

Lumapit ako sa kanila. Tinapik ko si Daniel para sabihing ako na ang bahala. Umupo ako sa kabilang side ni Sophia. Naririnig ko mga munting hikbi.

"Baby, Mommy 'to." malambing kong sabi.

"No!" nagkatinginan kami ni Daniel. Halatang nagpipigil na lang siya ng galit. Marahan kong ipinaling ang ulo ko para sabihing lumabas muna siya. Ngumiti ako ng tipid para sabihing 'ok lang ako'. Kaagad naman siyang lumabas.

"Please, I'll explain. Hindi gusto ni Mommy na masaktan ka. Aware ka sa panahon ngayon diba? Palagi tayong nanonood ng news, at alam mo din na madaming nawawalang bata. Gusto ko lang protektahan ka, Sof." sabi ko.

Bigla niyang inalis ang kumot sa katawan niya. Namumugto ang mata at halos mamula ang buong muka niya.

"Hindi 'yan totoo. Ayaw mo ng may friend ako, ayaw mo akong maging happy!" mangiyak-ngiyak niyang sabi.

Tinangka kong hawakan siya pero kaagad siyang umiwas. Hindi ko mapigilang masaktan sa ginawa niya.

"Sophia hindi, mahal kita at masaya din ako kapag masaya ka. Hindi totoo na ayaw kitang magkameron ng kaibigan. 'Yung Tito Alexander, hindi natin kilala. Stranger pa din siya, Baby." paliwanag ko pa.

Umiling siya.

"Hindi siya bad! Why do you keep on scolding me?! Hindi naman kita nanay eh! You're just acting like one!" sigaw niya sa akin.

Parang may kung anong bumagsak sa akin. Hindi na ako nakagalaw. Unti-unting namasa ang mga mata ko hanggang sa tumulo ang mga iyon sa pisngi ko. Kaagad akong tumalikod para punasan iyon. Humarap akong muli sa kanya at pilit na ngumiti.

"S-sorry. Kung ayaw mong pag-sabihan kita bilang Na-nanay mo. Fine." tumayo ako at hinila pababa ang damit ko. "Isipin mo na lang, I'm just your friend." may kung anong nakabara sa lalamunan ko at nahihirapan akong huminga.

Lumabas ako ng pinto pero naalala ko na hindi na nag-papalit ng damit si Sof. Basa pa iyon eh. "Maligo at magpalit ka ng damit. Inuutusan kita because I'm your friend. Hehe. Magkakasakit ka eh." kaagad kong sinara ang pinto pagkalabas ko.

Nanginginig ang mga balikat ko, itinakip ko ang mga palad ko sa aking muka upang pigilang lumakas ang pag-iyak ko. May kung anong sumaksak sa puso ko sa mga sinabi ni Sophia. Masyado nga ata akong pakialamera. Nagulat na lang ako nang makulong ako sa dalawang bisig. Alam kong si Daniel iyon, 'yumakap akong pabalik sa kanya.

"Pasensya na Mahal, hindi maganda ang pag-papalaki ko kay Sophia." nagulat ako sa sinabi niya.

"DJ, hindi." agad kong tanggi sa sinabi niya.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin.

"Love, sinagot-sagot ka ni Sophia. Hindi niya 'yon gagawin kung nagabayan ko siya ng maayos. Sorry, bi." itiningala niya ang muka ko at pinunasan iyon gamit ang laylayan ng damit niya. "Hindi totoong hindi ikaw ang Nanay ni Sophia. Dahil noong oras na tinanggap mo kami-- siya sa buhay at bahay na mo. Parte ka na ng buhay niya. Nag-tampo lang ang bata sa'yo, Mi."

A Mother & A Wife (SM-Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon