Chapter 22

7.1K 140 7
                                    

Chapter 22

Daniel's Point Of View


Hindi kami nag-tagal sa ospital. Hanggang ngayon ay windang pa din ako sa nangyayari. Si Stephanie na akala ko ay iniwan niya lang basta may dahilan pala. Kinaya niyang ipahamak ang sarili para kay Sophia. Binalak ko sanang ipaampon na lang ang bata. Hindi ko lang nagawa dahil sa tuwing ngumi-ngiti si Sof naaawa ako. Sa tingin ko ay tama lang ang desisyon kong alagaan siya.

Dinala ako ni Kath sa isang restau. Iilan lang din ang mga tao. Hindi ko kilala ang ime-meet namin ni Kath. Ginawa ko na lang libangan ang classical music na pinapatugtog dito.

"Kath!"

Biglang may tumawag kay Kath mula sa likod ko.

"Pasensya kung late ako."

Hindi ako nakagalaw nang makita ko kung sino. Nakikipagkita si Kath sa gagong 'to? Kailan pa. Tinignan ko si Kath at parang wala lang sa kanya. Umupo ito sa harapan namin, nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako.

"Kathryn, umiwi na tayo." malamig kong sabi sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya, hindi siya tumayo kaya nangunot muli ang noo ko.

"May sasabihin kami ni Alexis sa'yo." sabi niya.

Alexis na pala si Jack ngayon. Demonyong 'to walang papalampasin pati pamilya ko idadamay.

"Alexis? Kath si Jack 'yan! Kahit anong pangalan pa ang gamitin niya, kilala ko ang demonyong 'yan. Kaya tara na." matigas kong sabi.

"Makinig ka muna pwede ba? Matagal ko na 'tong alam. Dj, please." pakiusap niya.

Labag sa loob kong umupo sa tabi niya. Napag-alaman kong ang kausap namin ay ang kakambal ni Jack. Noong nag-aaral pa lang kami alam ko nang mag-kambal sila. Varsity silang dalawa sa soccer noong high school, lucky charm pa nga kung ituring sila. Active din sila sa mga charity event at orgs. Pero isang taon lang ang natapos noon ay lumipat si Alexis sa ibang bansa para doon ituloy ang kanyang pagkokolehiyo. Doon nag-simula ang pang-babae ni Jack. Nawalan din siya ng oras sa lahat, sa soccer games, orgs at mga charity event. Makikita mo na lang siya sa bar na nag-iinom habang may kalampungang babae. Ang bali-balita ay nainggit ito ng husto kay Alexis. Nagtapos si Alexis bilang summa cum laude, pinuntahan ito ng buong pamilya kahit sa ibang bansa pa ito ginanap. Samantalang kay Jack ay nanay niya lang ang dumalo. Bilang regalo sa pagtatapos nang may mataas na karangalan ay binigyan ito ng mamahaling sasakyan. Ang kay Jack ay ordinaryong kotse lamang. Lalong lumala ang ugali ni Jack kahit na nagtatrabaho sa kompanya nila sa bansa.

"Nakulong din si Jack dahil nag-sampa ng kaso si Steph at si Lola sa kanya. Lulong siya sa droga at hindi lang isa ang rape case sa kanya. Kahit na sobrang kademonyohan ang ginawa niya, tinulungan ko siyang makalaya pero diretso sa rehab. Tutol si Lola pero tinuloy ko pa din. Ngayon nga ay dalawang buwan na mula nang makalabas siya sa rehab. Kaya konsensya ko ngayon kung balikan niya kayo. Sana lang ay hindi." kwento pa ni Alexis.

Sa inis ko ay hindi ko napigilang mahampas ang lamesa. Hinawakan ni Kath ang kamay ko at marahang pinisil iyon.

"Alam mo palang delikadong tao eh, sana hinayaan mo na lang mabulok sa kulungan! Paano kung madamay 'yung mga anak ko? Tahimik na 'yung buhay namin eh!" sabi ko.

"Alam ko. Kaya nga sinasabi ko para maging maingat kayo. Hindi ko din naman hahayaang may masaktan na naman lalo na ang pamangkin ko." kalmado pa ding sabi ni Alexis.

"Dapat lang. Ayoko na ng gulo." sagot ko.

Kathryn's Point Of View

Matapos naming mag-usap ay nakahinga ako ng maluwag. Matagal-tagal ko ding dinala lahat ng impormasyong iyon ng mag-isa. Hindi ko nga din alam kung bakit ako sobrang apektado. Basta ngayon may karamay na ako.

"Mahal, please. Sa susunod pagkatiwalaan mo naman ako sa mga ganitong bagay. Paano na lang kung may nangyari sa inyong masama? Mababaliw ako dahil wala akong ideya kung ano at bakit nangyari 'yun." sabi ni Daniel.

Niyakap niya ako ng mahigpit kahit nasa gitna kami ng mall.

"Promise." sagot ko. Napansin kong madami nang tumitingin sa amin. Mabuti na lang at binitawan niya ako. Masuyo niya akong hinalikan sa noo.

Tumungo kami sa department store para bumili ng inflatable pool para sa mga bata. Pambawi ko lang sa kanila dahil ang tagal ko nang hindi sila pinapalabas. Sana lang talaga magustuhan nila.

Binili namin 'yung pinakamalaki para maenjoy din ng mga pinsan nila. Bumili din ako ng swimsuit ng mga bata.

"Ok na? Bayaran ko na." sabi ni DJ. Pero may nakita akong magandang swimsuit para sa akin. Nakadisplay iyon sa di kalayuan.

"Wait lang, may gusto akong bilhin." sabi ko habang pasulyap-sulyap ako sa two piece na suot ng mannequin.

Sinundan ni Daniel kung saan ako tumitingin.

"Seryoso ba 'yan Kathryn?" tanong niya. Agad akong tumango habang ngiting-ngiti sa kanya. "Balikan na lang natin 'yan sa sunod na punta natin." nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. Mga palusot nito!

"Ngayon na." hinila ko siya papaunta sa may manequin. "Kuya, meduim po 'nun kulay yelow." sabi ko doon sa lalakeng nakatayo sa tabi ng manequin.

"Brad hindi, salamat na lang." sabi niya sa lalake. "'Wag na nga muna. Kay Ate Roe ka na lang magpa-bili nasa US 'yun ngayon." tapos hinila niya ako pabalik sa counter.

Hindi niya ako pinakawalan dahil ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Nakakainis rnaman 'tong isang 'to. Akala niya hindi ako bibili? Magpapabili talaga ako kay Ate Roe, confident na akong mag-suot ng mga swimsuit dahil kay Liza. Saka achieve na achieve ko ang pagkakameron ng sexy'ng katawan eh. Hahaha.

Pagkauwi namin ay kaagad na in-inflate ang pool. Pinasuot ko din ang binili kong swimsuit nila. Tuwang tuwa ang mga bata habang nag-tatampisaw sa tubig. Bantay na bantay din kami dahil baka magkasakitan sila.

Habang naliligo sila ay ginawan ko muna ang mga bata ng snacks. Gumawa ako ng mango shake at nagbake din ako ng cheese cake. Inilagay ko sa isang tray at dinala sa garden. Nadatnan kong dinadagdagan ni Daniel 'yung tubig sa pool.

"Kids, kain muna." sabi ko.

Inabot ko ang mga robe nila, inalalayan ko si Sof na bumaba dahil halos hanggang bewang na niya 'yung pool. Kahit basa siya kinalong ko pa din siya at ako din ang nag-subo ng pag-kain sa kaniya.

"Ang ganda naman ng bracelet mo. Igawa mo din si Mommy." lambing ko sa kanya.

"My friend gave this to me!" masayang sabi niya.

"Who? Si Kate?" tanong ko.

Umiling siya.

"No, Mommy. Tito Alexander, I met him at the park. He gave me pa po ng chocolates and ice cream." halos mabingit ako sa pangalang binanggit niya.

Napatingin din si Daniel kay Sophia.

"I told you not to talk to strangers." sabi ko sa kanya.

"He's kind naman eh." bumaba siya sa pagkaka-kalong sa akin.

"Kahit na! Paano kung bigla ka niyang kinuha at dinala ka sa ibang lugar? Ha? 'Wag ka na ulit tatanggap ng kahit ano mula sa Alexander na 'yan. Baka mamaya masama pala siyang tao." sabi ko sa kanya.

Nagsimulang mag-tubig ang mata niya.

"No! That's not true. He's my friend." iyak pa niya.

Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.

"Not just because he gave something you'll consider him as a friend. Did you get me?" nagulat ako nang bigla niyang tanggalin ang kamay ko. Pero parang mas nasaktan ako sa sinabi niya.

"I thought you're the coolest mom ever. Hindi pala!" umiiyak siyang tumakbo papasok ng bahay.

"Sophia!" galit na sigaw ni Daniel habang sinusundan si Sof.

Nag-sisimula na siyang manggulo. Ang Tito Alexander na sinabi ni Sophia ay si Jack. He's Alexander Jack Hizon.

'~'~'~
Nahihirapan talaga akong mag-sulat ngayon. Sorry.

-ALYSSA

A Mother & A Wife (SM-Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon