Chapter 24

7.2K 200 57
                                    

Happy 16th!  😊🎂🎉🎊

Ayy nabuhay kayo sa Chapter 23. Hahaha. Pinasaya niyo po ako. Salamat. Pero ewan ko lang this Chapter 24, sana magustuhan niyo.

Chapter 24

Kathryn's Point Of View

Nagulat ako nang biglang hinampas ni Aiken ang lamesa. Nasa opsina kami at oo, ok na kami kanina lang din. Ayaw na niya daw palakihin ang gulo pero ayaw niya daw talaga kay Daniel. Speaking of, sobrang aga kong umalis kanina ng bahay at hindi ko na nagawang ipagluto ang bisita, si Steph. Ewan, wala ako mood paggising.

"Kakabati lang natin tapos problema ang iwe-welcome mo sa akin. Kathryn ha, namumuro ka na. Masasabunutan na kita." hindi ko mapigilang mapa-labi sa sinabi niya.

Sinabi kong pansamantalang titira si Steph sa bahay. Though, wala naman silang nasabi kung pansamantala o pansamantagal. At ayan, nainis na naman siya sa akin. Masyado daw akong utu-uto.

"Ken naman eh. Wala akong magagawa, nasa bahay na siya eh. Anong gusto mo sabihin ko 'Ay Stephanie hindi mo kaagad sinabing dito pala ang diretso mo. Sana nagpasabi ka man lang.' Ganoon?" sarkastikong tanong sa kanya at pinaikutan ng mata.

"Nadali mo! Dapat ganyan ang sinabi mo. Ang akin lang naman bakit parang oo ka lang ng oo diyan sa syota mo? Tapos maka-pagpatira siya sa BAHAY MO akala niya kanya. Ikaw 'tong isa na pa. Shunga ka din eh." litanya ni Ken sa akin. Mabuti na lang at nasa loob kami ng office ko dahil baka nakabulabog na kami sa sobrang dami na niyang mura. Si Duterte siguro ang iboboto nito.

"Aiken makinig ka nga, nasa bahay na siya nang dumating ako. Hindi na nga siya bitawan ni Sof eh. Ayaw ko namang sirain ang kaligayahan ng bata." sagot ko sa kanya.

Tinignan niya ako ng masama.

"Kathryn San Jose, bata na naman. Si Sophia na naman. Eh ngayon nga hindi ka pinapansin ng "anak" mo. Tapos sinabi mo din na halos isang oras kang hindi din pinansin ni Daniel dahil kausap niya si Stephanie. Alam mo binabalaan na kita. Hindi maganda 'yang sitwasyon na magkakasama kayo." sabi niya at simipsip sa kape niya.

Alam ko, hindi talaga maganda. Noong nasa dinner kami kagabi sa pangalawang pagkakataon na-OP na naman ako sa kanila.

"Alam mo specialty ko ang steak, minsan ipagluluto kita." sabi ni Stephanie habang nilalagyan ng ulam ang plato ni Daniel.

Para sabihin ko, hindi 'yun ang hilig niya. Mas gusto niyang ang corn beef.

"Stephanie, 'wag mo nang pagsilbihan 'yang si Daniel at iya'y malaki na." pabirong sabi ni Nanay Sol. Kaagad namang itinigil ni Steph ang ginagawa na parang napahiya. Pagkatapos niyon ay nginisian ako ni Nanay.

Nanahimik na lang ako habang nag-uusap sila. Minsan sumasali si Sophia pero si Jordan parang wala namang pakialam kung anong ginagawa ng nasa paligid niya.

"Mahilig ka sa maanghang? As in 'yung super spicy? Ako kasi hindi ko kayang kumain ng spicy. Sabi nila masarap daw kaso hindi ko kaya." kwento pa ni Stephanie.

"Bakit? Para kaya siyang app---"

"Mommy, I'm bored let's sleep." nagulat ako sa biglang pahayag ni Jordan. Pati si Daniel ay napatigil sa pagkain.

A Mother & A Wife (SM-Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon