Chapter 4

8.9K 209 21
                                    

Note: Kapag nakaka-basa ako ng "UD please!" or yung sinasabi na mag-update agad. Natutuwa naman ako kasi alam kong may nag-babasa. Pero mas nakaka-pressure po iyon. Hindi po madaling maging-writer, hindi po madaling umisip ng isusulat. Kung tutuusin mabilis na nga po ang paga-update ko days lang ang pagitan hindi weeks.

Chapter 4

Simula noong nag-trabaho si Kathryn sa kompanya ng tatay ni Daniel. Mas naging madali sa kanya ang maka-bayad sa mga bayaring naiwan sa kanya. Sanay naman siya sa buhay na nag-titiis at simple. Sa tulong ng mga kaibigan at mga taong nag-mamalasakit sa kanya, unti-unti na siyang nakaka-move on sa nakaraan. Sa isang pag-subok na iyon, may natutunan siya sa buhay. Naging mas matatag siya para sa anak. Ngayon nga ay mag-iisang taon na siyang nagta-trabaho sa kompanya.

"Ms. Kath, pinapatawag po kayo ni Sir. Adison." napa lingon si Kathryn sa may gawing pinto.

"Ok. Thanks." agad niya inayos ng mga papeles na tina-trabaho niya at tinungo ang opisina ng presidente.

Pinag-buksan siya ng pinto ng sekretarya nito kaya dumiretso na siya sa loob.

"Gusto mo bang mag-bakasyon muna?" bungad nito sa kanya. Bahagya siyang nag-taka sa sinabi nito.

"Po? May problema po ba ako dito?" sa pagkakatanda naman niya ay wala siyang late o absents.

Natawa naman ito sa kanya at pina-upo sa single seater na sofa.

"Anak, wala. Naisip ko lang, baka kailangan mo nang mag-pahinga muna. Puro ka trabaho eh. Baka kako nami-miss ka na ng apo ko. Deserve mo namang mag-relax. Kung alam ko lang na ganyan ka ka-dedikado sa trabaho edi sana matagal na kitang na-hire." masayang sabi nito sa kanya.

Napa-ngiti si Kathryn, akala naman niya ay kung ano na. Sobrang laking pasalamat niya sa tatay ng ex niya sa malaking tulong nito sa kanya.

"Sir. Salamat po, pero ok lang naman po ako. Hindi pa naman po ako nahihirapan eh." sagot ng dalaga.

"Anong hindi ka pa nahihirapan? Model ka ni Roanna pati 'nung isang beauty product. Tumatanggap ka ng mga orders ng mga cupcakes. Binabalak mo ding mag-cater. Ija, punong-puno ang schedule mo. Aba baka mamaya, mabalitaan kong bilyonarya ka na." biro nito sa dalaga.

"Hahaha, Sir. naman! Kailangan po talagang kumita eh." sagot ng dalaga.

Naging regular na si Kathryn sa pagmo-model kay Roanna dahil mas tumaas daw ng ilang porsyento ang kita niya. Lumalabas kasi si Kathryn sa iba pang mga shows, may iba pa ngang nag-sasabi na pasukin na daw talaga niya ang Showbiz dahil may potensyal siya. Pero lagi lamang siyang tumatanggi. Halos wala na nga siyang oras sa anak, eh baka lalo silang hindi magkitang mag-ina kapag nag-artista ito. Balak na din niyang mag-tayo ng sariling restaurant kapag naka-ipon na siya ng sapat na pang-puhunan. Sa ngayon ay nakabili na siya ng pwesto, unti-unti niyang itinatayo ang restau na gusto niya.

Mabuti na nga lang din at kapag wala siya ay nasa eskwela naman ang anak. Mas maganda na iyon para mabaling ang atensyon ng anak at hindi din siya hanap-hanapin.

"Kung ganoon, ito na lang. Tanggapin mo kung ayaw mong mag-bakasyon." inabutan siya nito ng envelope.

Inabot niya ito at binuksan.

Nakita ang isang property na nakapangalan sa kanya. Tatanggihan sana niya nang makita kung ano ito. 'Yun lang naman ang bahay na tinitirahan niya ngayon.

"Papano niyo po naipalipat sa pangalan ko? Saka kay Daniel po 'yun eh." sabi ng dalaga.

"Kath, I have my connections. Besides, ikaw naman ang nag-babayad eh. Simula ngayon, sa'yo na 'yun. Sige, baka busy ka." sabi nito sa kanya.

A Mother & A Wife (SM-Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon