Chapter 6

8.6K 197 62
                                    

Short Update..
[!] Bitin po sobra!!

Chapter 6

Kathryn's Point Of View

Ilang linggo na ang nakakaraan 'noong ginawang pag-amin ni Aiken. Nakaka-windang naman talaga. Tama ang hinala ko!! Huhuhu. Ewan. Awkward. Iku-kwento sa inyo sa tamang panahon.

"Mommy!" tawag sa akin ni Jordan mula sa salas. Gumagawa siya ng assignments niya.

Nag-request ng cookies kaya ngayon iginagawa ko. Minsan ko na lang talaga 'to nagagawa para sa kanya. Nakaka-miss din kaya dito sa kusina ko. Dito nag-simula ang business ko eh.

Isinalang ko muna sa oven at s-in-et nag timer saka ko pinuntahan sa salas.

"Why?" tanong ko.

Iniabot niya sa akin ang reminder notebook niya.

"Please bring your family picture on Monday for our fourth activity." basa ko.

Family picture? Wala naman silang family picture bago namatay si Ella eh.

"Hindi na daw po muna kasama 'yung mga Lolo and Lola." sabi niya.

Ayy nako naman. Pahamak ang activity nito. Tsk.

"Ahm, baby. Mamaya na lang aaikasuhin ni Mommy 'yan ok?" tumango siya saka nag-buklat ng ibang notebook.

Bumalik ako sa kusina. Iniisip ko pa din kung saan ako kukuha ng picture. Ibibigay ko na lang 'yung litrato ni Jordan at Daniel kasama sina Tita K at mga kapatid niya. Kaso hindi nga daw pala pwede.

Inilabas ko na 'yung cookies sa oven at pinalamig muna. Umakyat ako sa kwarto para kunin ang mga litrato. Habang nag-hahalungkat ako, napansin ko 'yung kahon na ipinadala sa akin ni Daniel three years ako. Limang taon na, hindi pa rin nag-papakita. Hay nako, bahala siya.

--
"Anak oh. Itago mo na, baka makalimutan mo bukas." iniabot ko sa kanya 'yung litrato.

Kumunot ang noo niya saka ibinalik sa akin.

"Bakit po wala ka? Bakit kami lang ni Daddy? You should be there and Nanay din. Mommy, baby pa po ako niyan. Wala po bang latest?" inis niyang sabi sa akin.

"Baby, 'yung latest wala ang Daddy. Tayo lang nila Nanay." sagot ko.

Naiisip ko pa lang na ipapakita ni Jordan sa mga ka-klase niya na wala ang Daddy niya sa picture. Naaawa na ako.

"It's better. Ipapakilala ko din po kasi kayo sa class. Hindi ko naman po kilala si Daddy, sa picture at kwento mo lang po." ngumiti na lang ako sa kanya at pilit na pinipigilang tumulo ang luha ko.

Sorry, baby. Kung hindi ko masabi sayong may ibang pamilya na 'yung Daddy mo. May iba na siyang anak ngayon.

"Ah. Sige. Kukuhanin ko lang 'yung cookies mo." tatayo na sana ako pero napaupo ulit ako sa naging tanong niya.

"Hindi na din siya babalik, diba Mommy?"

Pinilit kong tumawa para isipin niyang joke lang 'yung sinabi niya.

"Ha? Baby nagta-trabaho lang siya." sagot ko.

"Bakit hindi siya tumatawag? Bakit hindi siya nagpapadala ng package?" tanong niya na parang iiyak na. "Bakit may picture siya ng baby kasama 'yung babae? Bakit Adison 'yung baby? Bakit Daddy din ang tawag sa kanya?" tumulo ang luha sa mata niya kaya agad ko siyang niyakap. "I saw the pictures. It was three years ago!" niyakap ko siya ng mas mahigpit dahil lalong lumakas ang iyak niya. Naiyak na din ako. Naawa ako sa kanya. "Narinig ko din po dati 'yung usapan niyo ni Lolo, you're asking if he has an update or contact kay Daddy. You cried pa nga when he said that he totally lost his connection to Dad." dugtong pa niya.

"Tito, nasaan na po ba ang anak niyo? May contact o balita man lang po ba kayo kay Daniel?" iyak ko sa kanya.

Naawa na ako sa anak ko, ang hirap mag-sinungaling sa kanya kasi madaming tanong.

Hinaplos ko ang buhok ni Jordan habang mahimbing na natutulog.

"Matagal na niyang na-ayos ang problema sa Italy. Tinawagan namin 'yung hotel na tinuluyan niya ang sabi, umalis daw minsan si Daniel pero hindi na bumalik. Pinapaimbistigahan ko na siya, kaso mailap daw talaga at walang bakas kung saan siya nag-punta." sabi ni Tito.

Sunod-sunod namang tumulo ang luha ko at tahimik na umiyak habang yakap ko si Jordan. Baby, hindi na talaga ko na talaga kung saan hahanapin ang tatay mo.

"Sorry. Sorry, baby." pinunsan ko ang pisngi niya.

"'Wag mo din po akong iiwan ha?" tumango ako.

"Hindi ka iiwan ni Mommy. I love you." sabi ko sa kanya.

"Kahit hindi po ikaw ang totoong Mommy ko, ikaw pa din ang Best Mommy Ever!!" niyakap niya ako at hinalikan ako sa noo. Just like his... Dad. "I love you too po."

--

Balik na naman ako sa pagiging-busy. Kailangan ko pang mag-isip ng design para sa cake ni Magui, sixteen na kasi siya sa isang araw. Ang sabi ko kay Tita hindi kami makakapunta pero isu-surprise ko lang talaga sila. Simula kasi 'nung itinayo ang KSJ at Wish Granted hindi na kami makapunta ni Jordan kina Tita.

'Yung KSJ kasi is bakeshop lang talaga siya pero nagse-serve din kami ng meals at akin talaga siya. 'Yung Wish Granted, catering service naman ay aming dalawa ni Aiken. Balak ko na ngang bitawan para makapag-fulltime ako sa bakeshop. Kapag siguro natapos na ang kontrata ni Aiken.

"Ma'am Kath!!" biglang sigaw ni Malou habang tatakbo sa akin.

"Oh? Ano ka ba naman Malou!" sabi ko sa kanya. Nakakagulat naman kasi.

"Nag-padala po ng e-mail ang show ni Ms. Kris Aquino! Ife-feature daw po tayo next week!!" masayang sabi niya.

Kris Aquino?! Show niya talaga?

"Oh My.." speechless.

"Opo! Ibig sabihin lang 'nun Ma'am mas magaling ka talaga sa Karen kaladkarin na 'yan. Huwaa!!" sabi niya.

"Huy! 'Wag ka namang ganyan! Baka naman friendly lang 'yung tao." depensa ko sa kanya.

Si Karen kasi ang mahigpit na kalaban ko sa negosyo. Siya kasi ang unang nag-tayo ng shop sa lugar na 'to. Sinasabi niya na inagaw ko daw ang costumers niya. Nakakabasa din naman ako ng comments sa accounts namin at pinagco-compare kaming dalawa. Lalo pa siyang nagalit nang mapunta sa akin ang dating manager niya, si Malou.

"Ayy nako Ma'am, kilala ko 'yang si Karen. Basta mas magaling ka sa kanya! Kailangan po talaga nating mag-handa. May plano na po ba kayo?" excited na tanong niya.

"Malou, kalma. Magpa-plano pa lang. Secret na lang din muna sa iba. Isu-surprise natin sila." sabi ko sa kanya na ikina-palakpak niya.

"Ito na ang simula ng pasikat natin!! Isama mo ako sa T.V Ma'am ha? Para naman ma-expose ang beauty ko. Wahahaha." sabi niya saka lumabas ng pinto.

Napailing na lang ako. Ang kalog talaga ng babaitang 'yan.

Kailangan ko pala talagang mag-handa ngayon. Mago-overtime na naman ako. Sana naman hindi mag-tampo sa akin si Jordan nito. Chill lang Kathryn. Kaya mo 'yan. Reward mo na 'to sa lahat ng hirap na dinanas mo. Deserve mo 'yun.





Daniel's Point Of View

"Ano pong ginagawa natin dito? Bakit po nandito tayo sa Philippines? Dad." lumuhod ako para maging kapantay niya.

"May pupuntahan tayo, Sofia. Come, buhatin na kita tapos mag-sleep ka na." sabi ko sa kanya. Kinarga ko na siya saka kami tuluyang lumabas ng airport.

Konting tiis na lang. Babalik na ako. Babalikan ko kayo..

~'~'~'
(/~\)

-ALYSSA

A Mother & A Wife (SM-Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon