Chapter 1

12.8K 210 19
                                    

Pag-tiisan niyo muna 'yung cover. Hindi kasi marunong gumawa. ✌^^✌ Nagpapagawa pa lang ako pero hindi pa na-sisimulan.

Chapter 1

Kathryn's Point Of View

"Nay, wala pa po bang tawag o message galing kay Daniel?" tanong ko habang kumakain ng almusal.

Halos dalawang taon na simula 'nung umalis si Daniel. Noong mga nasa tatlong buwan na siyang nandoon ay bigla na lang siyang hindi nag-paramdam. Ewan ko, wala naman kaming pinag-awayan. Sobrang saya niya pa nga 'nung huli kaming mag-usap eh.

Napa buntong hininga si Nanay Sol.

"Anak, wala. Pero may tumawag kanina kino-confirm ka, mag-papadala daw ng package si Daniel." masayang sabi ni Nanay.

Nabuhayan ako sa sinabi ni Nanay. Siguro nga ay sobrang busy niya kaya ganoon. Hindi niya pa din kami nakakalimutan.

"Salamat sa Diyos! Kailan daw po ang dating 'Nay?" tanong ko.

"Papunta na daw. Siguro mamaya ay nandiyan na." sakto namnag may bumusina. Agad kaming tumakbo ni Nanay sa may gate.

"Para po kay Ms. Kathryn San Jose." sinabi kong ako 'yun.

Akala ko malaking box pero halos kasing laki lang ng shoe box. Pero hindi naman pasalubong ang habol ko. Malaman ko lang na naaalala kami ni Daniel ay ok na.

"Ayy. Bakit album lang?" dismayadong tanong ni Nanay.

Pumasok kami, tinabihan ako ni Nanay sa sofa.

Nagtataka nga din ako kung bakit photo album ang ipinadala ni Daniel.

"Baka pictures lang niya 'nung nakaraang taon, Nay." sagot ko.

Bubuklatin ko na sana, napansin ko ang maliit na pangalan sa tabi.

Stephanie Perez ❤

Nangunot ang noo ko. Bakit nakapangalan 'to sa kanya?

Binuklat ko ang cover. Happy Memories with DJ x Baby. 'Yun ang naka-lagay.

F-in-lip ko na ulit sa next page. Bawat picture ay may kasamang note.

Picture ng ultasound. "Hi! Baby, malapit na tayong mag-kita. Daddy and I loves you so much!! :*"

"Kanino namang anak 'yan? Sa'yo ba talaga 'yan anak?" tanong ni Nanay. Hindi na ako sumagot at inilipat sa sunod na pahina.

Stolen shot ni Daniel na may malaking ngiti at may hawak na feeding bottles. "There you are! Nasa Baby Section. Excited na ang daddy."

Daddy? May anak na si Daniel?

Tumingala ako para pigilin ang luha ko. Naramdaman ko din na tumayo si Nanay at iniwan akong mag-isa doon.

Ano ba 'tong pinadala ni Daniel?! Bakit ganito?!

Tinuloy-tuloy ko lang ang pagbubuklat at pagbasa ng note.

Litrato ni Stephanie habang sa likod ay si Daniel na nag-luluto, "Cravings!!"

Hindi ko na napigilan ang luha ko sa sunod na litratong nakita ko. Ito na din ang huli.

Nasa bisig ni Daniel 'yung baby habang sa tabi niya si Stephanie, "At last! Welcome to the family. I love you so much ny angel, Baby Alyssa Sophia P. Adison."

Inilagay ko ang kamay ko sa bibig ko para hindi lumakas ang hikbi ko.

Anong ginawa ko sayong masama Daniel at niloko mo ako ng ganito?!

A Mother & A Wife (SM-Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon