Epilogue

8.9K 159 8
                                    

Epilogue

Kathryn's Point View

"Mahal kita." iyon ang huli kong sinabi kay Daniel.

Masakit sa akin dahil wala man lang siyang sinabi sa akin. Umalis na lang siya basta. Mabuti na din iyon para hindi na ako umasa pa sa kung ano mang sasabihin niya.

Nagkulong lang ako magdamag sa kwarto ko, hindi ko alam kung saan natulog ang mga bata. Hindi din sila pumasok matapos umalis ni Daniel.

Nakatulala lang ako habang dinadama ang sikat ng araw na tumatama sa muka ko. Umaga na pala, hindi ako nakatulog sa kakaisip sa nangyari. Tapos nang lahat, wala na siya. Hindi ako ang pinili niya.

Pero wala akong magagawa, hindi mababalik ng mga luha ko ang nawala. Hindi mababawasan ng pagmumukmok ko ang sakit kung mananatili akong nakahiga.

Mistulang may nakapatong na mabigat sa balikat ko sa sobrang bagal kong kumilos. Nadaanan ko ang salamin at hindi ko alam kung matatakot ako sa itsura ko ngayon. Lukot-lukot ang damit ko, sabog ang tuwid kong buhok, maga ang mata ko at halata ang mga natuyong luha sa pisngi.

Great. Ang ganda mo Kath.

Tumaliwas ako at pumunta sa banyo. Binuksan ko ang shower at hinayaang bumagsak ang tubig sa akin. Gusto kong umiyak pero walang luhang lumabas. Naubos? Pero 'yung pagmamahal ko hindi pa.

Lumabas ako ng shower matapos kong maligo. Kinuha ko ang puting tube dress na una kong nakita pagkabukas ko ng cabinet. Hindi ko alam kung saan 'to galing, baka nabili ko. Nalimutan ko lang. Nalimot? Sana si Daniel din, malimutan ko na.

Nahagip ng mata ko ang puting sandalyas na may ilang diyamanteng disenyo sa palibot nito. Kahit wala akong ideya kung bagay ito sa suot ko ay hinayaan ko na. Ayokong nang mag-isip, nakakapagod.

Humarap ako sa salamin, naglagay ako ng kaunting make up upang matakpan ang namamaga kong mata. Namumutla din ako dahil sa puyat. Hinayaan ko na lamang na nakabagsak ang mahaba kong buhok.

Lumabas ako ng pintuan nang walang dalang kahit ano bukod sa susi ng sasakyan ko.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita kong puno ng bulaklak ang staircase. Sumilip ako sa baba ganoon din. Halos mapuno ang buong sulok ng bahay. Nahagip ng mata ko ang lalaking nakaupo sa dulo ng hagdanan at may hawak ng isang pumpon ng bulaklak. Kahit nakatalikod kabisado ko siya. Anong ginagawa niya dito?

Humakbang ako pababa ng hagdan. Naglikha iyon ng manipis na ingay. Biglang siyang napatingin sa akin kaya kaagad siyang nabalikwas at tumayo. Nanlumo ako sa itsura niya, mas malala kumpara noong nagising ako kanina. Dahil hanggang siya ngayon ay umiiyak pa din. May pasa at sugat siya sa gilid ng kanyang labi.

Halos hinahabol na lang niya ang kaniyang paghinga. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad pababa at nilapitan siya.

"Kath. G-good mor-ning." hirap siyang magsalita pero pinilit niya pa din.

Tinignan ko lang siya na parang kinikilatis. Parang lalo siyang naiyak sa ginawa ko.

"Mahal, di ko kayang lumayo sa'yo. Ayoko, please."

Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Mahal na mahal din kita. Sorry kung gago ako, alam kong hindi sapat ang sorry sa ilang beses kong pananakita sa'yo." huminga siya ng malalim, napapahagulhol siya na pilit niyang pinipigalan.

"Baby. Parang awa mo na, tanggapin mo ako ulit. Hindi na ako makikialam kayna Stephanie, dito na lang ako. Sa inyo na lang ako. Kath.."

Nakagat ko ang pangibabang labi ko. Hindi dapat ganito, nasasaktan lang kami pareho.

"Love, please. Magbabago ako promise, I can change for you."

Umiling ako sa kanya.

"Daniel, parang awa mo na din. Tama na, itigil mo na. Wala nang mababago. Nasasaktan ka na, ako din nasasaktan na. 'Wag na lang nating ipagpilitan." sagot ko habang hindi nakatingin sa kanya.

Narinig ko ang ipit na pagiyak at ang paglalim ng paghinga niya. Tinignan ko siya at nagulat akong halos mag-violet na ang kulay ng muka niya.

"Anong nangyayari sa'yo?! Umupo ka muna. Tumigil ka muna sa pag-iyak, kumalma ka nga." sabi ko at pinaupo siya sa may hagdan. Hinaplos ko ang likod niya. Hindi pa din siya tumitigil sa pagiyak at natatakot na ako. Baka kung anong mangyari sa kanya.

Bigla siyang kumapit sa akin at naghabol siya sa paghinga niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Naalala kong may inhaler akong itinago sa drawer malapit sa may hagdanan. Kaagad akong lumapit at hinalughog iyon.

"DJ, tumahan ka nga muna. Pinapahirapan mo ang sarili mo eh!" galit na tugon ko sa kanya.

Nang makita ko ay kaagad ko iyon ipinagamit sa kanya. Matapos ang ilang sandali ay bumalik na din sa normal ang paghinga niya.

"Daniel John! Hanggang dito ba naman poproblemahin kita? Tumigil ka na, baka kung ano pang mangyari mas masama sa'yo." sabi ko sa kanya.

"Kath. Sorry na." hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Hinalikan niya ang likod niyon.

Kaagad kong binawi ang kamay ko.

"Umuwi ka na, Daniel. Magpahinga ka na." pagsusumamo niya sa akin.

Umiling siya sa akin.

"Love.." napansin kong bumibigat na naman ang paghinga niya. Daniel, ang tigas ng ulo mo!

"Baby, isa pang chance. Mahal, please. Mahal na mahal kita. Please, last na last 'to. Kapag nasaktan kita ulit ako na mismo ang lalayo. Kath." nakatingin lang ulit ako sa kanya habang humihingi pa siya ng last chance.

Dapat ba?

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Pinunasan ko ang pawis niya sa noo pababa sa magkabilang pisngi niya.

"Last na talaga, huling chance mo 'to." sagot ko sa kanya.

Nagulat ako nang dambahin niya ako ng yakap at mas lalong lumakas ang pagiyak niya. Niyakap ko lang din siya pabalik.

"I love you so much, Mahal ko. I love you." sabi niya at paulit-ulit niyang hinalikan ang noo ko.

"Ayy teka. 'Yung bulaklak mo pala, Mahal." sabi niya at inaabot iyon sa akin.

Kailangan kong subukan ulit. Wala naman sigurong masama. Kung masasaktan, di mangyari. Sana lang hindi ko pagsisihan.

"Love." tawag niya sa akin.

"Hmm?"

Nakita kong may kinukuha siya sa kanyang bulsa. Bigla na lang siyang lumuhod sa harapan ko.

"Pakasal na tayo? Ayoko nang pakawalan ka. Madami na tayo pinagdaanan, pinaglayo na tayo at ngayon muntikan pa tayong maghiwalay ng tuluyan." tinignan niya ako diretso sa mata. "Ms. Kathryn San Jose, marry me." hindi iyon tanong, isa iyong utos.

Akala ko noon hanggang yaya lang ako ni Jordan. Pero lumaon ay nahulog kami sa isa't isa. Naging kami pero pinaglaruan kami ng tadhana at nakawalay ng limang taon. Ako ang tumayong nanay ni Jordan nung mga panahong iyon. Mahirap dahil wala kang masandalan, wala kang makapitan. Minsan na akong naging malungkot at ngayon gusto kong sumaya. Kasama siya.

Naranasan ko nang maging INA, paano kaya kung pagiging-ASAWA?

"Yes, Mr. Daniel John Adison. I. Will. Marry. You."

I'm Kathryn, Jordan's SUBSTITUTE MOM and Daniel's soon to be WIFE.

The End

'~'~'~
-ALYSSA

A Mother & A Wife (SM-Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon