Chapter 18

11.6K 217 12
                                    

Hi!! Binago ko po ang Chapter 18!!! Kasi sobrang lame talaga 'nun. Pero parang lame pa din. Sorna.

Chapter 18

Kathryn's Point Of View

Mga ilang araw na din ang nakakaraan noong ipinasyal namin ni Daniel ang mga bata. Umuwi din kami ng maaga dahil may trabaho pa si Daniel. Na-appreciate ko naman kasi alam kong busy siya nagawan niya pa din ng paraan. Tapos pagdating namin sa bahay, may handaan na pinrepare nila Juls. May ilang bisitang kapitbahay at kakilala. Simpleng salo-salo lang. Konting palaro sa mga batang bisita. Na-explain na namin kay Sophia na next year na mag-party. Buti na lang at pumayag.

Nasa kusina ako ngayon ng KSJ, naisipan kong tumulong muna. Wala akong masyadong ginagawa ngayon eh. Na-miss ko din 'yung uniform ko hahaha.

"Ganda, are you busy?" tanong ni Malou habang papasok ng kusina.

"No, why? May kliyente ba?" tanong ko at itinuloy ang pag-gagayat ng sibuyas.

"Ano, nasa labas si Papa Dedje. Bakit ang gwapo niya ata ngayon?" sabi niya na parang hindi makapaniwala.

"Ha? Bakit?" tanong ko.

"Ewan, ang gwapo niya lang ngayon." sabi niya.

"Talaga ba, Babes? Gwapo?" biglang sulpot ni Ron. Asawa ni Malou. Nanlaki bigla ang mata ni Lou.

"Ahehe. Gwapo ka din, Babes! I love you." kaagad na dipensa ni Malou. Hinayaan ko na silang mag-away/lambingan. Imba 'yang daawang 'yan eh.

Napailing na ako sa dalawang nag-kukulitan na ngayon.

Ibinigay ko muna sa iba 'yung ginagawa ko. Hinubad ko 'yung apron ko at nag-hugas ng kamay saka lumabas. Kapag may time siyang tumakas or wala si Tito dito kaagad siya pumupunta. Sabi ko nga ay 'wag na kasi baka ma-stuck siya sa traffic.

Nakita ko siyang naka-upo sa may sulok na part ng resto. Palagi na din siyang naka-glasses kapag nasa trabaho kasi medyo malabo daw talaga ang mata niya. Kapag nasa bahay hinuhubad muna niya.

Habang nag-lalakad ako papalapit sa kanya, nahagip ng mata ko ang isang grupo ng babae na pinag-titinginan si Daniel. Bagay sa kanya ang nakasalamin, mas nagiging muka siyang professional. Tapos parang ang bango-bango niya which is true. Hindi masakit sa ulo ang pabango niya, sarap niya ngang yakapin eh.

"Hi." bati ko kay Daniel matapos kong umupo sa may harapan niya.

"Uy." tumayo siya at hinalikan ang noo ko, napatingin siya sa damit ko matapos niyang umupo. "Busy ka? Sorry. Aalis na ba ako?" tanong niya. Napatawa naman ako.

"Hindi, ok lang. Naisipan ko lang mag-luto. Ikaw? Tinakasan mo na naman si Tito." sabi ko sa kanya.

"Hindi ah! Alam ni Papa, nag-paalam pa nga ako." dipensa niya habang naka nguso.

Umusog siya papalapit sa tabi ng upuan ko. Para kasi siyang couch tapos paikot sa table. Iniabot niya 'yung bouquet ng white rose. Ginastusan na naman niya 'to!

"DJ, I told you already about giving flowers. Sinabi ko na---" pinigilan niya akong magsalita gamit ang hintu-turo.

"OK! I know, I know." tumigil siya saglit. "Hindi tayo mag-hihirap kung bibigyan kita ng bulaklak araw-araw." sagot niya.

"Ikaw na ang rich." sarkastikong saad ko na ikinatawa niya. Inakbayan niya ako. "Sayang kasi 'yung pera." dugtong ko.

"Mahal, may investment akong kumikita ng halos half M every month. Not just here but also in US and 3 more countries." bulong niya sa akin. "Saka para sa'yo naman kaya hindi magiging sayang." dugtong niya habang taas-baba ang kilay niya.

A Mother & A Wife (SM-Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon