SC: Ate na si Sof

8.5K 190 23
                                    

Random po ang pag-gawa ko ng mga SC. At siguro po mga lima lang ang gagawin ko tapos itutuloy na ang TKA. Enjoy na lang po. :)

Kathryn's Point Of View

Nasa salas kami ng bahay dahil nagfe-facetime kami nila Stephanie. Ang ganda niya ngayon, blooming. Pero parang stressed na ewan. Syempre kakagaling niya lang sa sakit eh.

"Malapit ka nang umuwi, Ma?" tanong ni Sof kay Stephanie.

"Malapit na, Baby. May aayusin lang kami ni Papa mo then mag-sasama tayo sa iisang house." sagot naman ni Steph.

Nakaupo sa tabi ko si Sophia. Nagluluto ang panganay ko ng dinner namin kasama ang Daddy niya. Seven years old pa lang at maasahan na sa gawaing bahay. Madalas niya 'yung gawin kapag nahuhuli kami o ako ng uwi. Hinayaan ko na, kaya na naman daw niya.

"Really? I'm excited na po, but how about Mommy at Daddy?" nag-aalalang tanong ni Sof.

"We'll visit you, or ikaw ang mag-visit! Diba Steph? Anytime, anak." sagot ko sa kanya. Medyo naluluhang pa ako, ayy nako wala pa nga eh. Nagdadrama kaagad.

"Yes, baby. Hindi naman malayo ang bahay natin eh. Hindi mo mamimiss sina Mommy at Daddy mo." sagot ni Steph.

Tumango naman si Sophia tanda na naiintindihan niya.

"Hungry ka na? Kumain ka muna." tanong ni Steph kay Sof. Kaagad namang tumakbo si Sophia sa kusina.

"Teka nga pala, nasaan 'yang asawa mo? May mission ba ngayon?" tanong ko.

"Ayy hindi, pinuyat ko kagabi. Pinaghanap ko ng sampalok, 'yun nga'yung napaglilihian ko ngayon." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Oh M!! Buntis ka? Grabe, congrats!"

Magaling na siya, cancer free na talaga. Nagpakasal sila kaagad ni Jack matapos nilang malaman 'yun. Dapat pupunta si Sof pero nagka-dengue naman ang bata. Simpleng wedding lang, tanging si Alexis at ang ang iba pang kasamahan ni Jack sa simbahan ang naging saksi. Nakita ko nga 'yung singsing niya. Hindi katulad ng sa akin na halos puro diyamante, ang kanya ay simple lang na gold ring. Kung hindi ko nabanggit sa inyo. Si Jack ay nag-bago na. As in super, naglilingkod siya sa simbahan kahit nasa loob pa siya ng rehab. Hiniling daw niya sa Diyos na kung hindi niya mabubuo ang kanyang pamilya, isusuko niya ang sarili sa Diyos. Baka nga daw mag-pari pa siya. Pero dahil natupad ang hiling niya, tumutulong siya sa mga mahihirap at nag-seserve pa din siya sa simabahan. May trabaho si Jack sa kompanya nila, ang kalahati ng sweldo niya ay napupunta sa mga tinutulungan niyang mga tao. Ganoon siya nag-bago, hanga talaga ako sa power ni God.

"Yeah, hahaha. Almost four weeks na. Grabe nga eh, hindi naman ako ganito noong nag-buntis ako kay Sophia. Lahat nakakain ko pero ngayon, halos puro soup lang ang kaya ko." sabi ni Steph, base sa boses niya sobrang nai-stress siya. Napangiwi ako.

"Mahirap bang mag-buntis?" alanganing tanong ko.

"Ayy nako, Oo! Pero iba-iba naman kapag nag-bubuntis. May kahit first time pero parang hiyang na hiyang. Merong palaging masama ang pakiramdam, ganoon. Why? Natatakot ka ba?" tanong ni Steph sa akin.

Dahan-dahan akong tumango. Well, kasal na kami ni Daniel halos isang buwan na din. Hindi nga siya matali noong nag-try kaming magpaalam nang mag-pakasal tapos pinayagan kami. Hayun, inayos namin ulit 'yung kasal. Dapat aalis kami, bakasyon for one week kaso hindi muna ngayon kasi walang magma-manage ng KSJ. May movie pa si Aiken, tapos si Malou kakapanganak lang.

Tapos gusto din ni Daniel na ipa-renovate ang buong bahay. Balak niyang bilhin ang katabing lupa para mapagtayuan ng mas malaking bahay. Ang problema, kailangang gibain para makapagtayo ng bago. Suhestyon ni Daniel na kina Papa muna kami o sa condo.

A Mother & A Wife (SM-Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon