Chapter 5

9.3K 182 13
                                    

Wala naman po akong ginagawa sa inyo bakit kayo nagagalit sa akin? T▫T Ito po talaga ang plot nito. Hindi na mababago.

Chapter 5

Tinanggap nga ni Kath 'yung offer ni Jas, mabuti naman daw kasi malalagot daw siya sa ate niya kapag hindi siya napilit nito. Um-absent pa siya ng isang araw para lang mamili ng gagamitin sa divisoria dahil mura ang mga cupcake covers and container doon.

Tatlo pa nga silang nag-tulong-tulong, siya si Julia at Aiken. Walang ang mga bata ni Juls dahil hiniram ng biyenan niya. Halos hindi na nga sila nakapag-pahinga. Busy siya sa pagbe-bake tapos sila ang nagdi-design. Puro na nga paso ang kamay niya pero dedma na lang. Para kay Jordan 'to, sabi niya sa kanyang sarili.

Kinabukasan nag-punta siya sa party dahil inimbita naman siya. Kinakabahan siya dahil halos puro artista at mga direktor ang bisita. Nangangamba din siya na baka hindi masarap ang ginawa niya sa sobrang dami. Baka nawala ang quality nito.

Patapos na ang party, nagbibigay na lamang ng mensahe ang mga magulang ng may kaarawan. Sa pag-sasalita nito, nagulat na lamang siya na nabanggit ang pangalan niya.

"Thank you sa napaka sarap na cupcakes. Ang daming nagtatanong kung saan daw kita nahanap hahaha. Guys, Ms. Kathryn San Jose." tinapik siya ni Jasmine at pinilit na tumayo. Ngumiti lang siya saka umupo ulit.

Ngayon ay nag-normal na ang pag-tibok ng puso nito. Kanina lamang ay parang may nagtatambol sa kanyang dibdib.

Paalis na sana siya nang harangin siya ng mga artista at iba pang direktor. Tinatanong nga mga ito kung saan ang shop niya.

"Home base pa lang po 'yung business ko. Wala pa pong shop." sagot niya.

Nakatanggap siya ng iba't ibang papuri sa mga ito.
Todo din naman ang pasasalamat niya. Sinabi ng mga iyon na dapat mag-tayo na siya ng shop niya dahil deserve daw ng lahat na matikman ang gawa niya. Hahaha.

Halos hindi mawala ang ngiti sa kayang labi. Labis labis ang sayang nararanasan niya, dahil paunti-unting naaabot ang kanyang mga pangarap.

*****
After 3 years....

Kathryn's Point Of View

"Jordan, mag-bihis ka na! Male-late na tayo anak." sabi ko kay Jordan.

Isang taon na ang catering business ko at restaurant. Today, anniversary nga ng KSJ. Hindi kami tumanggap ng kliyente ngayon para kami naman ang mag-celebrate.

Hindi naging madali ang tinahak ko bago makarating dito. Madaming akong ka-kumpitensya. Madaming pag-subok. Siniraan ako ng isa ding shop dahil sa amin pumunta ang kliyente niya. Ni-report niya na may lason daw ang mga pag-kain ko kahit hindi naman totoo. Nang ni-lab test ang pagkain, negative ang resulta. Pasado din ang facilities namin.

Mabuti na lang at umuwi si Aiken noong mga panahong 'yun. Though malayo siya, nasa Zambales siya ng halos isa't kalahating taon siyang nandoon dahil siya ang na-assign ng tatay niya sa isang movie. Akala ko katulad siya ni Daniel na hindi na nag-paramdam. Pero hindi, halos araw-araw kaming magka-text para mangamusta sa isa't isa.

Everytime nga na tumatawag siya parang may iba. Hindi ko alam kung hinala ko lang ba 'yun. Basta mayroon talaga. Sana nga umuwi na siya, nakakamiss din eh.

"Mommy! Tapos na po ako." inayos ko ang tie niya saka hinalikan sa pisngi. Six years old na siya, ang tangkad na. Baka nga bago mag-binata 'to ay malampasan na ako.

"Ang gwapo mo po! Tara na. Late na talaga tayo, baby." matapos kong i-lock ang buong pinto ay dumiretso na kami sa grahe, doon ay nag-hihintay na si Nanay.

A Mother & A Wife (SM-Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon