SC: Fiancé

9K 174 15
                                    

Kathryn's Point Of View

"Malou, paki-follow up ng request ni Mrs. De Castro sa orders niyang cake. Please, salamat." sabi ko at kaagad na inasikaso ang iba pang orders.

Last month ginanap ang Star Magic Ball at simula noon ay nagsunod-sunod na ang kliyente ko. Baka nga tatlong buwan mula ngayon ay maisipan namian na mag-expand na.

Smooth lang naman lahat ng nangyayari. Anim na buwan na matapos mag-propose ni Daniel. Dapat ay after two months magpapakasal na kami pero hindi pumayag sina Lola. Baka daw kasi may mga bagay na dapat pa kaming ayusin. Kaya pa may pasa at sugat siya sa labi ay dumiretso siya sa Neuva Ecija para humingi ng tawad kayna Mama. Nasapak daw siya ni Papa, halos lumuhod nga daw si Daniel mapatawad lang siya. Hindi naman talaga galit sina Papa, uminit lang ang ulo dahil alas dose daw dumating doon si Daniel at iyon pa ang ibinungad sa kanila. Umusap na nga daw ng maghahatid kay Daniel pabalik dahil baka daw maaksidente pauwi. Halos hindi daw talaga tumigil ng pag-iyak noon si DJ. Tapos in-organize pa niya ang paglalagay ng madaming bulaklak sa bahay. Ang pagkakaalam ko ay halos triple ang binayad niya doon. Idagdag pa ang wala siyang tulog. Kaya nga kinagabihan nagka-trangkaso ng tatlong araw.

Palagi na din siyang nakadikit sa akin, ngayon hindi na siya nag-oovertime sa opisina. Kasabay ko siya sa breakfast madalas katulong ko siya sa paghahanda. Kapag lunch break pumupunta siya sa KSJ para mag-lunch.

Hindi kami natutulog hanggat hindi siya nagso-sorry sa nangyari. Ramdam ko naman na nagsisisi siya.

Tungkol kay Stephanie, nakaalis na sila ni Jack. Limang buwan na sila sa US para sa pagpapagamot ni Steph. Si Sophia, iniwan muna sa amin. Nag-aaral pa kasi dito ang bata at kapag talagang maayos na si Steph ay kukuhanin na si Sof. Dapat ay kay Alexis titira si Sof kaso nga lang ay madalas umaalis dahil may mga tinatrabaho sa ibang lugar.

Nabalik na din naman ang dati naming closeness ni Sof. Ako kasi ang nagtuturo ng mga assignments at activities niya. Nakakatuwa nga kasi simula first grading siya ang top one.

Si Jordan, grade two na. Kagaya ni Sof palagi ding nasa top 1. Pero madalas sabihin sa akin ng teacher niya napakalikot daw kapag walang klase pero pag nasa loob na ng room. Hindi daw nangangausap ng katabi. Pero dahil nga bata may mga pagkakataon na kumukulit. Palagi ko kasing ina-advance ang mga lessons niya.

Tungkol sa kasal, ayos na lahat matagal na. Ayos na ang gown at tux pati sa mga abay. Last week lang din natapos ang mga iyon. Balak nga naming magpakasal na next month dahil mahaba na din masyado ang anim na buwan naming paghihintay.

"Hello, sa maganda kong mapapangasawa." muntikan na akong mapasigaw sa biglang pagsulpot ni Daniel. Hinalikan niya ako sa noo at pumwesto sa may likod ko at ipinatong ang

"Dami mong trabaho ngayon, Mahal. Pahinga ka naman." sabi niya habang nakapatong ang baba niya sa balikat ko. Nakalatag din kasi ang mga projects ko sa lamesa.

"Hehe, I'm fine. Natutulungan pa din naman ako ni Malou kahit buntis siya." sagot ko.

And yes, preggy si Malou. Halos seven months na din. Namo-mroblema nga ako kapag nanganak siya. Baka kasal ko din.

"Paano kaya kung ikinasal tayo dati pa, baka may laman din 'yan." sabi niya habang nakanguso sa tiyan ko.

Matagal na din niyang sinasabi na gusto na niyang magka-baby kami. Minsan kaming dumaan sa mall dahil may project na pinabili si Jordan. Nagbabayad ako noon sa counter tapos bigla siyang nawala. Nakita ko na lang siya sa Baby Section. May hawak siyang pang baby na shirt at gusto pa niyang bilhin. Halos matunaw ang puso ko kasi nakita ko sa mga mata kung gaano niya kagustong magka-baby na.

Hinaplos ko ang buhok niya.

"Dadating din tayo diyan, Mahal." nakangiting sabi ko sa kanya.

Hinawi niya ang ilang papel sa gilid at doon siya umupo habang nakaharap sa akin.

"Balik tayo sa business mo, Baby. Ayaw mo talagang mag-invest dito? Para makapag-tayo ka ng isa pang branch." sabi niya.

Matagal na nang isina-suggest 'yan ni DJ. Kaso ayoko muna dahil  baka mas lalo na akong malunod sa trabaho. Ang hirap kasi sa akin kapag nahihirapan o nacha-challenge mas lalo akong ginaganahan.

"Hindi na po muna, Daddy. Ikakasal na tayo at 'yun muna ang gusto kong ayusin. Alam mo naman kung paano ako mag-trabaho diba?" tanong ko sa kanya.

Napakamot siya sa noo.

"Sa bagay, basta sa kasal Babe 'wag ka nang mag-alala sa kasal. Everything is all set. Relax ka na lang, kasi after ng kasal." napatigil ako sa pagbabasa nang lumapit siya sa may tainga ko. "Gagawin na natin si bunson." bulong niya na ikinapula ko.

Kinurot ko siya sa binti para hindi ako ma-awkward sa sitwasyon.

"Baby, bakit ka ba nahihiya sa ganoong usapan. Kung dati inaasar lang kita sa family planning. Ngayon seryoso na ako, ilang araw na lang Mrs. Adison ka na. Pero kung ayaw mo pa talagang magka-baby kaagad, mag-hihintay ako." sabi niya sa isang malungkot na boses.

Tumingin ako sa kanya at nilagay ang palad ko sa muka niya at marahang hinaplos.

"Sorry kung iyon ang dating sa'yo. Excited na din naman akong makasal at maging Mrs. Adison. Kaso lang nape-pressure ako, baka kasi hindi ko kaagad maibigay." totoo 'yun. Parang nape-pressure ako sa tuwing sinabi niya ang pangarap niya sa mga anak niya at magiging anak niya pa.

Pinatayo niya ako at nilagay ang dalawang kamay sa bewang ko.

"Babe, ano ka ba? Ikaw na nga ang nagsabi na kapag may challenge lalo kang ginaganahan. Edi, pagtrabahuhan natin." sabi niya at nagtaas-baba ang kilay niya.

Tinawanan ko na lang siya, siguro dapat masanay na talaga ako sa kapilyuhan nito. Siya ang makakasama habang buhay. Sana lang hindi niya kasing kulit ang magiging anak or should I say mga magiging anak? Hahaha.

"Ewan ko sa'yo, pero sige. Pagtrahuhan natin." patol ko sa kanya at ginaya ang ginawa niya pagtaas baba sa kilay niya.

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko kaya mas lalo akong natawa. Akala niya ah.

"Pilya mo, Mahal. Pakiss ng isa." akmang ilalapat niya ang labi niya sa labi ko pero hinarangan ko ang labi niya.

"Hep hep hep. I-reserve mo na lang 'yan sa kasal." mataray na sabi ko sa kanya.

"Sus, ikaw nga unang nangha-"

"Shut up!"

"Totoo naman ah."

"Shhh! Labas ka na nga." sabi ko at tinanggal ang braso niya sa bewang ko. Akmang uupo ako sa swivel chair nang hinila niya ako pabalik.

"Pikon mo ah. Pakiss na nga."

"Ehhh!! Lumayas ka na bago pa kita masapok."

"Kiss muna."

"Layas na!" inabot ko 'yung album at talagang ibabato ko na nang makatakbo siya palabas ng pinto.

"Hahaha. Don't ya worry, Melavs. Sa honeymoon lagot ka sa akin! I love you!"

Rinig kong sigaw niya mula sa labas.

Natawa na lang ako.

Lalo akong naiinlove sa kanya, sana talaga kayanin namin ang kung ano mang mangyari in the future.

'~'~'~
Maikli lang, hehehe. Nami-miss ko na kayo. :-)

-ALYSSA

A Mother & A Wife (SM-Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon