Chapter 20

7.8K 159 1
                                    

Chapter 20

Kathryn's Point Of View

Kanina pa nakaalis si Alexis Jack. Hindi ako mapakali sa mga narinig ko galing sa kanya. Paroo't parito ako sa loob ng opisina ko habang sapo ang aking dibdib. Nagdadasal ako sa isip ko.

Napansin kong umiilaw ang telepono ko, kaagad ko iyong nilapitan at nakita kong si Nanay ang tumatawag.

"Hello, 'Nay. May nangyari po ba? Kamusta po 'yung mga bata?" alalang tanong ko kaagad nang sagutin ko ang tawag.

"Anak kalma, nag-yayaya ang mga anak mo sa playground. Ok lang ba?"

"'WAG!" biglang sigaw ko. "Ahh sorry po, 'wag niyo na muna pong ilabas ang mga bata. Parang narinig kong uulan po mamaya. Opo." napa sapo na lang ako sa noo ko dahil sa ginawa ko. Sinabi kong uulan kahit wala naman talaga.

"Ganoon ba? Sige."

"At 'nay, palagi niyo pong ilo-lock ang mga pinto at bintana. 'Wag niyo pong papalabasin ang mga bata kung maaari po ay 'wag muna." bilin ko.

Alam kong napapakunot noo na si Nanay sa mga pinagsasabi ko. Hindi ko ito madalas sinasabi sa kanya sa telepono.

"Ok, anak."

Ibinaba kong sa tabi ng lamesa ko ang cellphone ko matapos kong makipag-usap kay Nanay.

Nag-aalala ako sa mga bata. Lalo na't nalaman kong hindi sila safe, nakakabaliw ang nararamdaman ko ngayon. Bumalik ako sa pagkakaupo sa swivel chair. Inabot ko ang sketchpad at lapis ko. Kailangan kong ma-distract. Nag-isip ako ng mga bagong design ng mga cakes. Nagkakaideya ako kaso hindi siya lumalapat ng tama sa papel. Iba ang lumalabas sa isip at sa papel niya. Sa inis ko ay napasandal ako ng marahas sa upuan. Hindi ako makakapag-trabaho kapag ganito.

Tumayo akong muli at inabot ang bag ko. Lumabas ako ng opsina, nakita kong papasok sana si Malou.

"Gutom ka na? Dalhan kita lunch?" aya niya.

"Hindi, sa bahay na lang. Masama ang pakirandam ko, uuwi na lang muna ako. Tawagan mo na lang ako kapag may problema." mahinang sabi ko sa kanya upang maging kapani-paniwalang masama ang pakiramdam ko.

"Sure. Ingat ka sa pagmamaneho."

Pagkadating ko sa bahay ay nagpalit ako ng pangbahay at kaagad kong tinungo ang mga bata sa kwarto. Hindi ko sila pinayagang mag-playground kaya pinatulog na lang ni Nanay. Himbing na himbing silang natutulog. Nakadapa si Jordan habang si Sophia ay nakasiksik sa likod ng Kuya niya. Dahandahan akong humiga sa espasyo sa tabi ni Sophia. Napatigil ako nang pumitlag si Sophia at tumingin sa akin.

"Mommy.." umusod si Sophia at yumakap sa akin.

"Shhh. Sleep ka pa." pinaglaruan ko ang hibla ng buhok niya. Mayamaya ay bumigat na ang paghinga niya tanda na nakatulog siyang muli.

Inayos ko ang kumot ng dalawa saka ako umayos ng higa. Itutulog ko na lang din muna 'to. Nagising na lang ako na wala na sa tabi ko ang mga bata. Nakita ko namang naka-upo si Daniel sa tabi ko habang may tini-tipa sa laptop niya. Napa tingin siya sa akin at kaagad na tinanggal ang salaming suot. Napansin ko ang digital clock sa tabi niya, mag-aalastres pa lang ng hapon.

"Ang aga mo." sabi ko sa kanya. Bumangon ako at sumandal sa headboard.

"Nag-alala ako sa'yo. Pinuntahan kita sa KSJ pero umuwi ka na daw dahil masama ang pakiramdam mo. Ok ka na?" tanong niya.

"'m fine." walang gana kong sagot sa kanya. Bigla kong naisip 'yung ipapag-paalam ko, humarap ako kay Daniel. "Ahm, DJ. Plano ko sanang mag-hire ng security guard at driver. Ok lang ba?" tanong ko sa kanya.

A Mother & A Wife (SM-Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon