Chapter 19

7.6K 153 7
                                    

Chapter 19

Kathryn's Point Of View

"Bye po, Lolo! Tita! Ingat poo!!" sigaw ng dalawang bata nang umandar ang sasakyan nila Tito at Ate Roe.

Inimbitahan lang kami ni Tito Rommel na mag-bakasyon. Gusto daw kasing ipasyal ng lolo nila dahil nga miminsan na lang niya madalaw ang mga bata. Matapos kumain nakipag-laro lang sila sa mga bata at umalis din.

"Mag-shower na kayo sa taas. 'Wag kayong maingay, natutulog si Daddy ha?" sabi ko sa dalawa.

Kaagad naman silang sumunod sa akin. Tumungo ako sa kusina para tulungan si Nanay na mag-hugas ng mga pinag-kainan. Pagdating ko ay halos tapos na dahil nag-pupunas na lang siya ng mga kubyertos.

"Ako na po, Nay. Magpahinga na po kayo." sabi ko at akmang kukunin 'yung mga plato.

"Hindi na, anak. Alam kong mas pagod ka sa trabaho. Ikaw na ang mag-pahinga, wala naman akong ibang ginawa nitong mag-hapon eh. Kaya matulog ka doon, alan kong may isang nag-tatampo sa taas." sabi ni Nanay.

Matapos naming kumain kaagad na umakyat si Daniel dahil masakit daw ang ulo niya. Pero alam ko naman na dahil sa bulaklak kaya siya nagkaka-ganoon. Kita at ramdam ko sa mga tingun niya sa akin.

"Iih, Nay. Hindi ko naman po talaga alam kung kanino nanggaling 'yun." paliwanag ko.

Marahang natawa si Nanay Sol.

"Kaya nga makipag-ayos ka na kahit wala kang kasalanan. Magpahinga ka na din." sabi niya.

"Sige po. Matulog na din po kayo kaagad." sabi ko at nag-mano sa kanya.

Lumabas na ako ng kusina at umakyat na papunta sa kwarto namin. Pagpasok ko, nakita ko ang dalawang bata na nakaupo sa sofa at naglalaro sa cellphone ni Daniel. So, gising pa si DJ? Hindi kasi mahihiram 'yan ng mga bata kung hindi. Pero nakita kong nakadapa siya sa kama.

"Mga anak ko, matulog na kayo. Masama ang mag-puyat. Akin na 'yan." tumayo si Jordan at ibinigay sa akin. Napansin ko ang wallpaper ni Daniel, stolen picture pinupunasan ko 'yung pawis sa muka niya. Kuha 'to 'nung nasa EK kami.

"Good night, Mommy. I love you." sabi sa akin ni Jordan at hinalikan ang pisngi ko.

"Good night po." sabi ni Sophia saka humalik din sa pisngi ko.

"I love you too, my babies. Good night."

Inalalayan ko sila paakyat ng kama, hinalikan ko sila sa noo saka inayos ang kumot nilang dalawa pati na din ang kay Daniel. Pumunta ako sa may cabinet ko para kumuha ng pantulog. Kailangan kong mag-shower para mas mahimbing ang tulog.

Pagkatapos ko ay pumunta ako sa harap ng salamin para mag-lagay ng cream sa muka ko. Syempre kailangan maganda ako everyday. Habang naglalagay ako, napatingin ako bigla sa gawi ni Daniel na nasa may kanan ko lang. Nakatingin siya sa akin. Sa mga tingin niyang 'yun ay may kasamang tampo. Kaagad kong tinapos ang paglalagay ng cream. Lumapit ako sa kanya at umupo sa space malapit sa may tiyan niya.

"Ok ka na? Masakit pa ba ang ulo mo?" tanong ko habang pinaglalaruan ang buhok niya.

Umiling lang siya bilang sagot.

"Uminom ka ng gamot mo?" tanong ko pa.

Tumango ulit siya bilang sagot.

"Ahh, sige. Matulog ka na ulit. Good night." ngumiti ako sa kanya ng pilit. Wala ata siyang balak na kausapin ako.

A Mother & A Wife (SM-Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon