SC: After 10 years... [Last]

12.6K 209 12
                                    


Kathryn's Point Of View

"Mama, ito pong mga vitamins nakasulat na po sa kahon kung ilang beses iinumin. Kabisado na naman 'yan ni Jordan, itanong niyo na lang po kapag nalimutan niyo. Ayaw po ng prinsesa ko ng sobrang tahimik, kapag tulog mag-play kayo ng kanta. Umagahan po niya mashed potato. Tapos......"

Halos mapatakip na ako ng tainga habang nag-bibilin ang asawa ko kay Mama Karla. Nasa kwarto kami ngayon at nag-iimpake dahil aalis kami ni DJ para mag-celebrate ng aming second anniversary. Ngayon lang natuloy dahil nag-buntis ako.

"Dad, hindi mapapabayaan si Sky nila Mama. Chill ka lang, ok?" sabi ko habang isinasara ang maletang dadalhin ko.

"Mahal, pinapaalala ko lang kay Mama." sagot niya.

Ang isang natuklasan ko sa kanya. Napaka nerbyoso niya pagdating sa mga anak niya. Kapag nagkasakit ang isa nagiging-OA siya. Hindi siya matatali hanggat hindi gumagaling.

Binigyan ko siya ng bored look.

"Seryoso ka? Eh kanina pa 'yan eh. Malapit na 'yang masaulo ni Mama. 'Wag ka na lang kayang sumama, ako na lang. Total mukang ayaw mo naman, maiwan ka na lang kasama ni Sky." inis kong sabi sa kanya

Tiwala naman ako kina Mama Karla eh. Lahat naman ng sinabi ni DJ nasabi ko na kay Mama kagabi.

"Hala ka nagtampo na, Danilo. Ikaw kasi! Pupuntahan ko lang si Sky." sabi ni Mama na madaling lumabas ng pinto.

Nagkatinginan kami ni Daniel, pinaikutan ko siya ng mata at umiwas ng tingin. Sumandal ako sa headboard at humalukipkip doon.

Lumapit si Daniel at ibinaba sa sahig ang maleta ko. Umupo siya sa tabi ko, naramdaman kong mga bisig niya paikot sa baywang ko. Hindi ko iyon pinansin.

"Mahal ko, hindi sa ayaw kong umalis. Maiiwan lang kasi ang prinsesa ko. Syempre no, gusto ko namang masolo kita. Ay hindi gustong gustong gusto." sabi niya at hinalikan ako sa pisngi. Tumingin ako sa kanya.

"Sus nasa'yo na nga parati si Sky eh. Sige, ayos lang naman sa akin na mas mahal mo si Sky kesa sa akin." may halong tampong sabi ko.

Natawa siya ng malakas sa sinabi ko at lalong humigpit ang yakap niya.

"Love, hindi 'yun totoo. Hahaha, si Sky siya 'yung perfect daugther na matagal ko nang pinapangarap. At ikaw, 'yung tumupad noon. Hindi totoo na mas lamang si Sky. Sobrang sobra ang pagmamahal ko sa inyo. Hindi ko nga alam normal pa ba 'to." lalong sumikip ang pagkakayakap niya at sumiksik sa leeg ko. "Sweetheart, 'wag kang mag-selos. Hmm?" sabi niya habang padampi-damping humalik sa pisngi ko.

"Ikaw kasi, it's just one week! Nakakainis kasi ikaw pa ang nag-plano pero parang ayaw mo naman. Sabihin mo na habang maaga pa kung ayaw mo para hindi na tayo tumuloy." inis ko pa ding sabi sa kanya.

Naramdaman ko ang pagbuntong hininga niya na tumama sa batok ko. Alam kong nag-papasensya na siya sa akin.

"Babe, 'wag kang ganyan. Kaya nga po gusto kong umalis ng tayong dalawa lang kasi nami-miss na din kita. Oo, magkasama nga tayo sa iisang bahay pero hindi naman tayo nakakapag-bonding. Madalas uuwi ako nakatulog ka na sa pagod. Hindi ko na nga alam kung kailan tayo huling nag-usap ng mga bagay-bagay eh. Kaya kapag may pagkakataon ako ang nag-aalaga kay Sky kasi alam kong nahihirapan ka. Kung pwede ko nga lang ibigay lahat ng oras ko sa inyo, gagawin ko. Sorry kung palaging kulang ang oras ko sa inyo." natahimik ako sa sinabi niya.

Masyado kaming focus sa mga bata. Akala ko palaging wala siyang oras para sa akin pero ako din pala nagkulang din. Madalas ay hindi ko na siya naipagluluto ng umagahan dahil sa puyat ako kay Sky.

A Mother & A Wife (SM-Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon