Chapter 3

9.2K 192 12
                                    

Guys! Basahin niyo din po 'yung "The Kitchen Apprentice" KN din po. Salamats. :)

Chapter 3

Kathryn's Point Of View

Hindi kagaad nakaimik si Aiken, nakita kong napa-simangot si Jordan.

"Ken, kung ayaw mo. Ok lang naman." bulong ko sa kanya.

"Ha? Hindi. Syempre payag ako! Ikaw pa ba?" sabi niya sa anak ko.

Ngumuso si Jordan.

"Ayaw mo po eh, tagal sagot mo." naka ngusong sagot niya.

Napa tawa naman si Aiken.

"Gusto ko kaya! Ano nga ulit ang gusto mong itawag sa akin?" tanong niya kay Jordan.

"Papa Aiken." sagot ni Jorran.

"Ano po? Hindi ko narinig eh." sabi ni Aiken at nag-kunwaring hindi niya narinig.

"PAPA AIKEN!" sigaw ni Jordan, napa tawa din silang dalawa.

"Hahaha. Ang cute mo. Kiss mo si Papa Aiken." kumuyapit si Jordan sa leeg ni Aiken at hinalikan niya ito ng tatlong beses.

Pinagmamasdan ko sila habang abala sila sa paglalaro sa tablet ni Ken. Hagikhik ng hagikhik si Jordan.

Naisip ko, ano kaya kung nandito si Daniel? Ano kayang buhay ang nararanasan namin ngayon?

Ang sarap isipin na masaya at kompleto kami. Naawa na ako sa anak ko eh, ipinapakilala ko na lang ang ama niya sa pamamagitan ng mga litrato. Hindi ko naman talaga dapat ginagawa 'yun ngayon kung nandito siya. Dapat may ama siya at hindi na niya kailangang maghanap ng tatay sa katauhan ng iba.

"Kung titigan mo ako at ibang tao naman 'yang nasa isip mo. 'Wag na, masakit." umayos ako ng upo nang mapuna niya ako. Nginitian ko na lang siya.

"Tara na, tulog na 'to eh." tumayo na kami at lumabas na ng shop.
***
Kinabukasan ay maaga akong gumising para maghanap ng trabaho. Malapit nang matapos 'yung taping. Kailangan ko pang kumita dahil papasok na si Jordan sa school this school year.

Tinanggap ko na din 'yung alok ni Ate Roanna na maging freelance model. Kaysa naman wala.

"Good Morning, Nay." bati ko at umupo na sa silya para mag-umagahan.

"Ang aga mo. May trabaho ka ba ngayon?" tanongg ni Nanay at sinabayan ako sa pag-kain.

"Maghahanap pa lang po, Nay." sagot ko.

Hinawakan ni Nanay ang kamay ko na nakapatong sa lamesa.

"Nagkaka-problema ka na ba sa pera, anak?" tanong niya.

Ngumiti ako ng pilit sa kanya. Si Nanay Sol na lang ang pamilyang kakapitan ko dito. Kaya hanggat sa maari, ayaw kong magtago sa kanya.

"Medyo po, hindi pa po kasi buo ang bayad sa bahay. Nag-bigay na din po ng notice ang subdivision. Hindi na daw po nakakabayad ng mahigit limang buwan. Fifty thousand po ang kailangan kong bayaran. Kapag hindi ko po naibigay sa susunod na linggo. Mapapalayas na ho tayo." naiiyak kong sabi sa kanya.

Ayos lang naman sa akin eh. Pero hindi ko hahayaang mahirapan si Jordan. Mabuti pang ako ang makaranas 'wag lang siya.

"Anak, may naiipon pa naman ako. Pwede kong ipahiram sa'yo--" hindi ko na pinatapos si Nanay na mag-salita. Ipinatong ko din ang kamay ko sa kamay ni Nanay.

"Nay, inyo ho 'yun. Ako na po ang gagawa ng paraan. Kaya ko po 'to." lumapit sa akin si Nanay at niyakap ako.

"Magpakatatag ka, kaya mo 'to. Nandito lang ako parati sa tabi mo. Basta kapag kailangan mo ng tulong, 'wag kang mahihiyang lumapit sa akin." niyakap kong pabalik si Nanay at nanatili kami sandali sa ganoong pusisyon.

"Ako na ang bahala kay Jordan, good luck sa paghahanap mo ng trabaho." tumayo na ako at nag-mano. "Kaawaan ka ng Diyos. Ingat ka."

Lumabas na ako ng bahay ay sumakay na ng taxi. Sa mga hotel muna ako nagbabalak mag-apply. Pero kahit saan, basta marangal.

Pinuntahan ko ang mga hotel na naka sulat sa planner na ginawa ko. Pero halos iisa lang ang sinasabi nila.

"Sorry Miss, pero hindi po kami hiring ngayon eh"

"Wala pong bakante sa posisyon na ina-apply-an niyo."

"Sorry. Kailangan po ng experience."

"Tawagin ka na lang namin para sa final interview."

Sorry ganito. Sorry ganyan. Pero hindi ako susuko. Ganito talaga ang nag-hahanap ng trabaho. Try and try and try and try.

Lumipas na ang mag-hapon pero wala pa rin talaga. Sa pag-ibig nga bigo ako, pati ba naman sa trabaho. Char-char lang. ✌

Umuwi akong pagod na pagod. Kung makahanap man ako ng trabaho, hindi ko din naman agad mababayaran ang bahay.

Nakita kong may sasakyang naka-parada sa harap ng bahay. Agad akong pumasok dahil baka may bisita.

"Mommy!!" salubong sa akin ni Jordan. Yumukod ako saka siya binuhat. "Wala ka whole day. I miss you." sabi at hinalikan ako sa labi.

Naglakad kami papunta sa loob at nakita kong naka-upo si Tito Rommel habang kausap si Nanay Sol.

"Lolo! My Mommy's here na po!" tawag ni Jordan kaya napalingon si Tito sa gawi namin.

Lumapit ako at nag-mano. Hindi talaga ako nasanay sa beso-beso na 'yan. Hindi naman kasi ako lumaking mayaman.

"Oh, ginabi ka yata. Muka ka pang pahod na pagod." umupo ako sa tabi ni Nanay, ang anak ko naman ay lumapit muli sa Lolo niya at umupo sa kandungan nito.

"Nag-hanap po ako ng trabaho, Tito." sagot ko at ibinaba ang bag at folder ko sa bag.

"Bakit hindi ka dumiretso sa Kompanya? Welcome na welcome ka doon. Nabanggit na din sa akin ni Ate Sol ang problema mo. Hindi ka nag-sasabi." napa tingin ako kay Nanay at nag-peace sign. "Bukas iintayin kita sa opisina. Tutulungan kita. Alam kong tatanggi ka, pero para sa apo ko 'to." papano pa ako tatanggi kung may rason na para tanggapin ko.

"Opo, salamat." sabi ko.

Alam kong mabait si Tito, pero hindi ko mapigilang hindi isipin na dahil iniwan ako ni Daniel kaya binigyan niya kaagad niya ako ng trabaho.

"Ako nga ang dapat magpa-salamat sa iyo. Dahil sa pag-aalaga sa apo ko. Napaka laking utang na loob ko ito sa'yo." sabi sa akin ni Tito.

Ngumiti ako.

"Gusto ko naman po 'yung ginagawa ko. Sumasaya din naman po ako dahil kay Jordan."

Kung hindi din naman talaga dahil kay Jordan baka hanggang ngayon, nag-iiiyak pa rin ako dahil sa ama niya.

Hindi na din nag-tagal si Tito dahil may mga trabaho pa daw siyang gagawin. Matapos naming kumain ay nag-handa na kaming lahat sa pag-tulog.

Gaya nga sinabi ni Tito, kinabukasan ay pumunta nga ako sa kompanya. Dumaan naman ako sa normal na routine kapag naga-apply. Pero hindi din nag-tagal tinanggap din ako. Medyo hindi lang ako convinced na dahil sa talagang nag-apply ako kaya ako na-hire. Iba pa rin talaga kapag pinag-hihirapan.

"Sila 'yung makakasama mo sa trabaho. Pumasok ka na at inaantay ka na nilang lahat." sabi ni Ms. Belle.

Napa tingin ako sa pinto. Ito din 'yung pinagdalhan sa akin ni Daniel dati eh. Hinila ko na ang pinto at tuluyang pumasok.

"Welcome to Team!!" napa ngiti ako dahil hindi ko na kailangang mag-adjust sa mga bagong kakilala.

Kilala ko na ang mga ugok na 'to eh.

Parang nagulat din ata sila na akong ang pumasok sa pinto.

"Really?! Sissy? Ikaw ang newbie?" tanong ni Jasmine.

Dahan-dahan akong tumango. Agad naman silang lumapit sa akin at niyakap ako. Mabuti naman at welcome talaga ako dito.

Simula na 'to, ng bagong Kathryn San Jose.

Itutuloy....

-ALYSSA

A Mother & A Wife (SM-Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon