Chapter 17

10.1K 212 14
                                    

Bago matapos ang gabi. Gusto ko muna pong batiin ng HAPPY BIRTHDAY ang boyfriend ko. Babe, happy birthday!! Kahit hindi tayo nag-kikita mahal pa din kita. Kahit wala kang time sa akin, OK lang. Hahaha. Nag-tweet ako sa'yo ng iloveyou, finavorite mo lang! XD KATSUMI KABE!! Happy Birthday my love. 😂😂 🎉🎂❤❤

Pinilit kong isiksik ito para lang mabati si Kats sa Chapter na ito. Hahaha. Wala eh, mahal ko! 😜

❌Not Edited❌

Chapter 17

Kathryn's Point Of View

Pagkatapos naming kumain ng agahan, pinag-bihis kami ni Daniel. May pupuntahan daw kasi kami at 'wag daw akong made-dress. Kaya nag-shorts na lang ako. Hindi masyadong maikli dahil magagalit ang isa. Kakatapos ko lang mag-bihis, nakita kong binibihisan ni Nanay si Sophia, si Jordan nag-lalaro sa phone ng Daddy niya.

"Jordan, done ka na ba? Wala ka nang dadalhin?" tanong ko habang sinusuklay ang buhok ko.

Tumigil siya saglit saka sumagot sa akin.

"Wala na po." sagot niya. At naglaro maulit kaya ayaw ko silang ibili ng tablet eh, magiging isang tanong isang sagot lang ang magiging sistema kapag kausap mo sila.

Lumapit naman ako kina Nanay at Sophia.

"Nay, ako na po." sabi ko at kinuha ang pulbos sa may side table.

Matapos kong maayos si Sophia sinuot ko na 'yung flat shoes niya. Ayoko kasing pagsuotin siya kaagad ng heels kasi magkaka-muscle agad 'yung binti niya. Ayaw din ni Daniel pakiramdam daw kasi niya dalaga na ang prinsesa niya. Pumunta na si Sophia sa Kuya niya, ako naman sa harap ng salamin para ayusan ang sarili ko.
Simula 'nung nagka-business ako natuto akong mag-lagay ng make up at pumostura. Kailangan ko kasi maging presentable sa mga tao at sa mga impleyado ko.

Biglang bumukas ang pinto.

"Ok na kayo?" sabi ni Daniel na nakadungaw sa may pinto.

"Yes, Dad!" sagot ng dalawang bata.

Tumingin ako sa repleksyon niya sa salamin at nginitian siya. Pumasok siya at tinabihan ang mga bata. Ang gwapo talaga niya, dati ang itim niya pero ngayon mas maputi pa siya sa akin. Ahuhu.

Tinapos ko na ang paglalagay ng cream sa muka ko at nag-apply ng light pink na lipstick sa labi ko para hindi naman ako mukang putlain. Saka para na din hindi ako mapagmalang yaya lang ng mga bata. Napagkamalan na ba akong yaya? Ang pagkakatanda ko ay asawa ng tatay nila? Hahaha.

*click*

Napatingin ako sa may gilid ko, nakatutok sa akin ang DSLR ni Daniel sa akin.

"Ganda." sabi niya habang nire-review ng picture.

Binato ko siya ng tissue na pinag-punasan ko ng kamay ko kanina. Tumawa lang siya at tumayo sa may likod ko at inayos din ang buhok niya.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Basta, wait. Picture tayong dalawa." tinanggal niya sa pagkakasabit ng lace ng DSLR, nakakulong ako sa braso niya at itinapat ang lens sa salamin. Kalahati lang ng muka ang kita kasi nagtago siya sa buhok ko. Bigla niyan isinandal 'yung likod ko sa kanya. Tumingin ako sa kanya para sawayin pero kasabay noon ang pag-click niya sa camera.

"Ang daya! Patingin, ang pangit ko dun." sabi ko at kinurot pa siya kasi naiinis ako.

"Hindi ah! Ang ganda ng kuha ko eh, parang inlove na inlove ka sa akin dito. Hahaha! Aray! Basta id-DP ko 'to." sabi niya kaya hinampas ko siya habang nakatingin sa picture namin.

A Mother & A Wife (SM-Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon