SC: Kyle

9.9K 172 11
                                    

Kathryn's Point Of View

Umupo ako sa tabi ng dalawang taong gulang kong anak. Natutulog siya ngayon at si DJ naman ay nagdadamit ng uniform para sa liga ng basketball. Palaro nila talaga 'to dito sa baranggay namin sa Nueva Ecija. Taon-taon itong nagaganap, pero ngayon si Daniel ang sumagot sa mga gastusin at premyo.

"Baby, sunod kayo ah. Second game po kami." sabi ni DJ habang nagtatali ng sintas ng sapatos niya.

"Sure, basta magising 'to." sabi ko sa kanya habang inaayos ang kumot ni Baby.

"Oo 'yan, kanina pang natutulog si Kyle eh." sagot niya.

Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Love, she's Sky. Babae ang anak natin." sabi ko.

Baby girl ang naging anak namin ni DJ. Her name is Skyler Elyana. Dapat Elyana lang talaga ang name niya pero pinagsiksikan talaga niya ang Skyler kahit na panglalaki pakinggan. Umoo na lang din ako nang sinabi niyang Sky ang palayaw niya pero nagulat na lang ako isang umaga. Kyle na ang tawag niya sa anak namin.

"Mahal, gusto ko kasi ako lang ang tatawag sa kanya ng Kyle. Baby girl ko 'yan." sabi niya na nakanguso pa.

"Oh eh di, kayo na ang may codenames." sabi ko at pinaikutan siya ng mata.

Well, gusto niyang itawag sa kanya ni Sky este ni Kyle ay Tatay. Dati pa naman daw niyang gustong Tatay ang tawag sa kanya pero 'yung Daddy daw ang nakalakihan ni Jordan kaya pinabayaan niya na lang. Pero ngayon kahit si Jordan nakiki-Tatay na din. Madalas 'yun kapag nanlalambing. Ako nga din ay tinatawag na nilang Nanay at hindi na Mommy eh.

"Ayst! Selos na naman eh." sabi ni Daniel at bigla akong hinalikan ng mabilis sa labi.

'Yan, ang humalik. Diyan siya magaling, napaka Hokage sabi nga. Aba kahit in public nanghahalik 'yan. Minsan kapag nandiyan ang mga bata sisimple pa din. Pati din sa mga bata kaso ang kay Sky may kasamang kagat kaya nagagalit ako. Si Jordan ay kahit nine na, hinahalikan pa niyan. Walang kaso sa kanya ang mga ganoong bagay dahil ang sabi ko, way lang 'yan ng paglalambing sa kanila.

"Di ah, sige na. Malelate kayo, si Sophia at Jordan ha. Ingat kayo." bilin ko sa kanya.

Tumango naman siya at kaagad na sinukbit ang bag niyang dala. Pamalit na damit at towel ang laman noon.

"Sige po, 'Nay. I love you."

"I love you too."

Lumabas na siya ng pinto at mayamaya ay pumasok ang dalawa. Sina Jordan at Sophia na nakabihis din ng uniform. Sila ang muse at escort ng Team nila DJ.

"Bye, Nanay. Bye, Sky." sabi ni Sophia at isa-isa kaming hinalikan sa pisngi.

Si Sophia ay ipinagpaalam namin sa magulang niya. Gusto kasing sumama ng bata dahil bakasyon na din naman. Ang anak ni Steph na bunso ay lalake, si Steven na sobra ding gwapo. Ang masaya pa nito, same day kaming nanganak ni Steph. Siya ala una ng madaling araw at ako naman ay ala una ng hapon. Nagpunta kami noon dahil dadalawin nga namin, hindi ko akalain na pagdating ko sa kwarto niya ay humilab ang tiyan ko. Napaaga ako ng two days pero normal lang naman daw iyon. Kaya ngayon ang tawag ni Sof sa mga kapatid niya ay kambal.

"Ingat kayo ah, I prepared food kapag nagutom kayo. Kiss." sabi ko at kaagad naman akong hinalikan ng dalawang bata sa pisngi.

"Kuya, 'yang kapatid mo." bilin ko kay Jordan bago lumabas ng pinto.

Dapat mamaya pa sila kasabay ko dahil si Jordan ay may pagkamalikot kaya mabilis madumihan. Pero sabi ni DJ hayaan ko daw ang mga bata, mas tumitibay nga daw ang resistensya ng mga batang sanay sa labas. Laking kalye daw siya kaya alam niya 'yun, hindi daw siya madalas magkasakit noong bata pa siya.

A Mother & A Wife (SM-Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon