Chapter 9

10K 321 24
                                    

Chapter 9

Matapos ang nangyari sa bahay ni Kathryn ay dinala ni Daniel ang mga bata sa tahanan ng kanyang ina. Ito ang una nilang pinuntahan noong umuwi siya.

"Aba! Daniel John! Papatayin mo ba talaga si Kathryn?!"galit na sigaw ng kanyang ina.

Napa-tulog na ni Daniel ang mga bata. Nag-uusap sila ngayong mag-ina sa kusina.

Hinilot ni Daniel ang kanyang sentido.

"Ma, ilalayo sa akin ni Kathryn ang anak ko. Hindi naman ako papayag 'dun." seryosong sagot niya.

Ngunit mas lalong nag-galit ang ina.

"Manang-mana ka sa tatay mo sa kakapalan ng muka! Ginawa mo 'yung ginawa ni Rommel sa'yo! Mahiya ka naman kay Kathryn! Siya ang nag-alaga sa anak mo!" sabi ng ina.

"Hindi kami babalik Ma, nakita ko kung gaano siya kagalit kanina. Baka masaktan niya lang ang mga anak ko." sagot ni Daniel.

"Kahit kailan hindi sinaktan ni Kathryn si Jordan! Mas mahal pa nga niya ang bata kaysa sa sarili niya. Alam mo ba sa ginagawa mo, pinapakita mo lang na hindi ka karapatdapat balikan?" tumunghay si Daniel sa ina. "Hindi sumubok si Kathryn na mag-paligaw sa iba dahil tutok siya sa anak mo. Pero kung ganyan ka ng ganyan? Hindi ko hahayaang mapunta siya sa'yo. Ako pa mismo ang mago-organize ng kasal ni Kathryn at Aiken." sabi ng ina.

Hindi naka-imik si Daniel sa sinabi ng ina. Nakaramdam siya ng takot, takot na baka mawala ang babaeng mahal niya. Tinanggap na nga siya nito sa bahay ay nagawa niya pa ding saktan si Kathryn.

"Talaga bang ipagpapalit mo 'yang Stephanie na 'yan kay Kathryn?" tanong ng ina.

Umiling si Daniel.

"Hindi ko kailaman ipagpapalit si Kathryn. Mahal ko siya." sagot niya.

Bumuntong hininga si Karla sa naging sagot nito.

"Eh anong ginagawa mo ngayon? Malamang sa oras na 'to iyak ng iyak si Kathryn." marahas siyang napakamot sa tainga niya dahil sa sinabi ng ina. "Sinasabi ko sa'yo Daniel, prinsesa ng mga San Jose 'yan. Humanda ka dahil baka mamaya ambangan ka sa labas." sabi ng ina at iniwan siyang nakatulala doon.

Gumawa na naman siya ng gulo. Hindi pa nga ayos 'ying nauna, dinagdagan pa niya. Gusto na niyang matapos lahat. Pero dahil nga sa katangahan niya. Lalong gumulo.

"Daddy." lumingon siya sa kanyang likod, nakita niya ang panganay na nakatayo doon.

"Oh? Gabi na, bakit hindi ka pa natutulog? Gusto mo, tabihan kita?" tanong niya dito. Lumpit ang bata sa kanya.

"Hindi pa po ba tayo uuwi? Nami-miss ko na si Mommy." tanong nito.

Ginulo ni Daniel ang buhok nito at tipid ma ngumiti.

"Hindi pa pwede anak eh. Sige na, matulog ka na kasi gabi na eh." tumayo na si Daniel para buhatin ang anak pero natigilan siya sa tanong nito.

"Kaya ba iniwan mo kami ni Mommy kasi may bago ka ng pamilya?" hindi niya inasahang itatanong sa kanya ng anak, muling umupo si Daniel at hinawakan ang balikat ng bata.

"Anak, wala akong ibang pamilya. Hindi mo pa naman maiintindihan sa ngayon. Matulog ka nga." sambit ng ama. Tumayo na siya para buhatin si Jordan.

Ngunit bigla siyang itinulak palayo ng anak na kanyang ikinabigla.

"'Yun naman 'yung totoo eh! Ayaw ko na sa'yo! Akala ko binakilan mo kami ni Mommy! Ibalik mo na ako sa Mommy ko! Bad ka! Bad ka! I hate you!" sigaw ng bata habang umiiyak.

A Mother & A Wife (SM-Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon