SC: The Kitchen Apprentice (Jordan's Story)

7.9K 141 11
                                    

Konting pasilip sa TKA. I'll post it soon, iniba ko po kasi ng konti ang story. Tapos plano kong gawing series, Adison Series 1.

Jordan's Point Of View

Pabalya kong inihagis ang bag ko sa kama. Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis. Sino ba namang matutuwa kapag nalaman mong pinapabantayan ka? Tangna lang! High school na ako, hindi na ako elementary student na dumihin. Ang nakakainis pa, ako ang nagmumukang nagbabantay sa kanya. Well, babae lang naman siya at napaka lampa.

"Jordan, ano ba?! Kinakausap kita nilayasan mo ako!" sigaw ni Nanay mula sa labas at mukang papasok ng kwarto ko.

"Mom ano ba?" tanong ko pagpasok niya. Hinubad ko ang polo ko pati na din ang sapatos habang nagsasalita siya.

"Anak naman kasi, 'wag mong takasan ng takasan si Sunshine! Sa kakahanap sa'yo, hinika pag-uwi. Tanggapin mo na lang kasi, mabuting bata si Sunshine. Matalino, maganda, mabait din. Ligawan mo kaya, 'Nak." napakamot ako ng ulo ko sa mga sinabi ng Nanay ko.

"Nay naman! Ayoko! Basta Mom, mag-aaral pa ako." sabi ko.

Anytime dadating na si Tatay, baka maabutan pa niyang ganito bengga na naman ako. Hindi naman matapang si Dad, he's cool. Kaso lang, kapag nagagalit si Mommy nagiging seryoso.

"Ay, ha Jordan. Nakakatampo ka na. Pinagbigyan ka na namin ng Tatay mo na sa public school ka mag-aaral. Bakit kami hindi mo mapag-bigyan?" tumunghay ako at hinarap si Nanay. Malungkot ang muka niya. Hayy.

Tumayo ako at niyakap siya patagilid.

"Nay, malaki na po ako. Kaya ko na naman mag-isa." sabi ko.

Nagtataka kayo kung bakit sa public school ako? Sabi kasi nila Nanay at Tatay, mas masaya daw sa public eh. Noong grade 8 ako, may kaklase akong galing public. Palagi siyang nao-OP sa klase. Dahil mabait ako, in-interview ko siya ng in-interview. Mas masaya nga daw talaga sa public, nandoon daw 'yung mga totoong tao. Tinanong ko siya kung alien ang tingin niya sa amin, natawa lang siya.

Kaso 'yung nilipatan ko, pagmamay-ari ng lolo ko. Kaya safe naman ako. Talagang pinagawa ni lolo para talaga sa mga di kayang mag-bayad sa private school. Isa din sa dahilan kaya ako pinayagan ay kung maganda ang pamamalakad doon. Hindi alam ng marami na apo ako ng may-ari, tanging si Sunshine at kaibigan kong si Troy. May dalawa pa akong kaibigan, sina Zeij at Gael. Ang alam lang nila may kaya ang pamilya ko. Hanggat maaari ayaw kong malaman ng marami.

"Alam ko, ang akin lang. Minomonitor ko lang kung maayos 'yung lagay mo. At si Sunshine, scholar ko siya. Dapat nga sa KSJ siya, sabi ko bantayan ka na lang. Hayaan mo na, sa loob lang siya ng school eh. Gawin mo na lang for me, and for Sunshine. Please?" sabi niya. Hindi ako makatingin kay Mommy sa ginagawa niya. Hayy, wala mahal ko talaga.

Huminga ako ng malalim at itinaas ang dalawang kamay ko na para bang sumusuko na.

"Fine, Mom. Nanalo ka na." sabi ko at kagaad naman akong niyakap ni Mommy.

"Thanks, baby boy. You study na, I'll cook." sabi niya pero kaagad akong sumunod sa kanya sa kusina pagkatapos kong mag-bihis.

◾◾◾

Kinabukasan maaga akong pumasok para mag-linis. Cleaners ngayon ang group ko. Sa bahay hindi ako naglilinis, ayaw ni Nanay eh. Dito na lang ako natuto sa school, madalas ako ang nagpo-floorwax. May janitor pero hindi sila sa loob ng mga room.

Habang nag-bubuli ako ng sabihig ay nakita kong padating na si Sunshine. Marahang naglalakad at pinong kumilos. Siya 'yung hindi makabasag pingan. Dalagang pilipina talaga. Aaminin ko, maganda naman talaga siya kaso ang haba ng buhok niya. Tumatabon na nga sa muka niya.

A Mother & A Wife (SM-Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon