Chapter 8

9.8K 226 36
                                    

Kung galit na daw po kayo sabi ni Sofia? Belat daw. :P

Chapter 8

Mag-iisang buwan nang nakatira sa iisang bubong si Kathryn at Daniel kasama ang dalawang bata. Nag-uusap na sila minsan pero tungkol lang sa mga bata o sa bahay. Kahit kailan hindi pa nila napapag-usapan ang tungkol sa pagka-wala ni Daniel ng limang taon. Sa tuwing susubukan niya ay pinipigilan siya ni Kathryn. Naisip niyang hindi pa ito handang makinig kaya't hinayaan niya na lang muna.

Sa nakalipas namang isang buwan, naging malapit sa isa't isa si Jordan at Sofia. Unti-unting lumalabas ang pagiging kuya niya. Si Kathryn naman ay unti-unti na ding napapalapit sa batang babae. Noong una ay hirap siyang makita ang bata lalo na 'nung laman niyang parehas sila ng kaarawan. Pakiramdam niya ay naisulto siya. Pero gaya ng sina-sabi niya. Walang kasalanan ang bata.

Wala pa namang nagiging problema.

"Kuya, tawagan mo na 'yung tatay mo. We'll eat na po." utos ni Kathryn kay Jordan habang hinahanda ang agahan nila.

Agad namang sumunod sa utos ng ina. Simula nang dumating si Daniel at Sofia sa bahay ay madalas sa bahay lang si Jordan kapag walang pasok para makipag-laro dito.

Kapansin-pansin din ang pagiging palangiti ni Kathryn na para bang walang problema. Madalas niyang bihisan at ayusan si Sofia dahil para daw itong manika. Giliw na gilw din naman sa kanya ang bata dahil likas dito ang pagiging fashionista. Kung titignan ay muka talaga silang mag-ina dahil palagi silang parehas ng suot na damit kapag umaalis sila.

Mayamaya ay bumaba na si Daniel akay-akay si Sofia at Jordan sa magkabilang kamay.

"Good Morning." bati ng dalaga sa mga ito.

Umupo na silang lahat para masimulan na ang dasal saka sila nag-agahan.

Nagku-kwentuhan ang mag-aama habang si Kathryn ay nanood lang sa kanila. Sabado ngayon at si Kathryn lang ang may trabaho. Pwede naman siyang lumiban dahil hawak naman niya ang oras niya pero gusto niyang matutukan ang negosyo.

"Mommy, mag-lalaro po kami ng basket mamaya nila Troy. Pwede po? Kasama naman si Daddy eh." paalam ni Jordan kay Kathryn.

"Sure. 'Wag lang kayong magpapagod ng sobra. Ayy pag talaga hinika kayong dalawa, hindi kayo makakaulit." sabi ni Kathryn at nag-hi five naman ang dalawang mag-ama.

"Iwan ako?" biglang salita ni Sofia.

"Hindi ka pwede, puro kami lalaki 'dun. Dito ka na lang sa bahay kasama ni Nanay." sagot ni Jordan.

Hindi sumagot si Sofia dahil paiyak na ito. Naawa naman si Kathryn, palagi nga naman kasi siyang iwan sa bahay.

"Oyy. Ang prinsesa, stop na. Sasama na lang kita sa shop. Tapos pupunta tayong mall. Finish your food muna para maka-ligo ka na." alo ni Kathryn sa bata.

Likas talaga sa kanya ang pagiging mapag-mahal. Hindi niya iniisip kung anak nga ito ni Daniel sa iba. Ang kanya lang pag-aalinlangan ay baka biglang ilayo sila ni Daniel sa kanya. Kung mangyayari man iyon ay paniguradong ika-babaliw niya.

"Thank you, Mommy." sabi ni Sofia ay hinalikan sa pisngi ang dalaga.

Dati ay bigla na lang siyang tinawag ng bata ng 'Mommy' matapos nitong managinip ng masama. Hinayaan niya na lang. Hindi naman siya naiilang sa bata dahil hindi ito kamuka ni Daniel. May naaalala siyang muka ng isang tao sa muka ng bata pero hindi niya matukoy kung sino 'yun.

Pagka-tapos nilang kumain ay pumanhik na sina Kathryn at Sofia. Parehas na naman sila ng suot na floral dress at sapatos.

"We look so beautiful, Mommy." komento ng bata habang pinupuyudan siya ni Kathryn ng one sided braid kagaya ng ginawa niya sa buhok.

A Mother & A Wife (SM-Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon