Chapter One

385 23 12
                                    


Chapter One

What are you?

LOKI'S POV

"Psyche (Psyché in French) is the Greek term for "soul" or "spirit (ψυχή)."


The person sitting beside me seems a bit engaged with our discussion in English subject. This guy beside me is really weird. I thought he just loves to watch supernatural films and now he's really into mythology? Whoa. This dork is really weird. Bigla syang lumingon sa akin and I really thought that he heard my mind! Crap! What am I thinking?

"Hey dude! Didn't you know it's rude to stare at someone? Bading ka na ba ngayon Loki?"

Okay, sabi ko na nga ba hindi nya nabasa o narinig yung iniisip ko kanina. Umayos ako ng upo at tumingin sa teacher na nagdi-discuss sa harapan ngayon. Ganun na ata ako kabored para pagtuunan ng pansin itong katabi ko. "Feeling ko kasi may nakita akong katabi mo kanina", walang ganang sagot ko. Lumingon s'ya sa gilid n'ya only to find out that there's no one beside him. I thought he will be afraid but it turns out the opposite.


"Talaga Loki? May third eye ka?". Ugh! Paano ko ba talaga natagalang kasama ang isang 'to for about 5 freakin' years? That dork is none other than Eldric Croft. Well, he has his own world, I also have mine and so I guess we're uhm- friends. Guess lang, pinag-iisipan ko pa rin kasi.


"Tss". Hindi ko na s'ya sinagot at kinuha ko na ang bag ko dahil tumunog na ang bell bago pa kami masaway ng teacher na nasa harap ngayon. I checked my watch and it's almost 3:30 pm. I rushed to the P.E Building. Hindi na ako nagpaalam pa dun kay stupid Croft. Magpaalam? That's so fvckin gay! Magkaibang way na ang tinahak namin ni Croft. Kahit weird ang isang yun, you won't believe that he's the captain of the soccer team. Nandu'n sila sa field, nasa court naman kaming varsity ng basketball.


I have this weird habit that before I play basketball, I make sure to take a quick shower first. Pagpasok ko sa shower room ng gym, nandun na yung iba kong ka-team. Tinanguhan ako ng iba sa kanila while the others greeted me "Captain!" habang dire-diretso ako sa isang cubicle. May rule ba na kapag binati ka, kailangan mo ding bumati?


Ipinihit ko na pabukas yung shower at unti unti ko ng naramdaman ang pagdausdos ng tubig sa katawan ko. So mukhang nagpractice na sila kanina pa habang wala ako. Masayang masaya siguro silang magpractice habang wala pa ako. Tss. Mabilis lang akong naligo at nung kukunin ko na yung towel ko na nakasabit sa pinto.

"WHO THE FVCKIN HELL ARE YOU?!"


UNKNOWN'S POV


Urgh! Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang sakit nito. Teka, nasaan ba ako? Inikot ko ang aking paningin sa lugar na kinalalagyan ko. Paano ako napunta rito? May mga locker sa paligid at parang shower area or whatsoever yung lugar na napuntahan ko. Pinipilit kong alalahanin kung bakit ako nasa lugar na 'to pero wala talaga akong maalala. Naglasing ba ako kagabi at nakatulog kung saan? Narinig kong may nagtatawanan malapit sa akin at parang galing sa itaas? Huh? Itaas? Ngayon ko lang napansin na nasa ilalim pala ako ng table, nakaupo. Ganoon ba talaga ako kaliit para magkasya rito? May mga nakita akong ilang pares ng paa at kahit hindi ko man tignan sa labas ay alam kong pagmamay-ari ng mga lalaki yun.


Ano ba 'tong napasukan ko? Humanap ako ng tamang timing para lumabas sa lugar na 'to ng hindi napapansin ng mga lalaking nandito. Dahan-dahan akong lumabas nung makita kong lumayo na ang mga pares ng paa na nasa harapan ko kanina. Paglabas ko, nagmamadali akong humanap ng pupwede kong labasan. Thank God nakita ko rin ang pintuan pero nung pahakbang palang ako papunta dun, naramdaman ko agad ang mga yabag ng mga paparating kaya nagmamadali akong humanap ng pagtataguan. Pumasok ako sa unang pinto ng cubicle na nakita ko at sa sobrang taranta ko, hindi ko na alam kung paano ako nakapasok sa cubicle na 'yun. Ang alam ko lang, may lalaking nasa loob ng cubicle na nakatingin sa'kin ngayon.


"WHO THE FVCKIN HELL ARE YOU?!"

"Ah ano-" Hindi ko na natuloy pa yung sasabihin ko dahil nagsalita agad yung lalaking nasa harapan ko. Mabuti na lang at nakaboxers s'ya maligo kungdi nakita ko na ang hindi dapat makita. Bukod sa distracted ako sa katawan nya na well, maganda ang built e mas distracted talaga ako sa lakas ng sigaw ng baritono nyang boses. At hindi ko alam kung ano'ng meron sa mga tingin n'ya pero parang nangatog ako sa takot.


"I see. So you're one of those girls, huh?" One of those girls? Hindi ko s'ya maintindihan kaya naman hindi ako nakakibo sa kanya. Nakatitig lang ako sa kanya na puno ng pagtataka. He crossed his arms. Mas lalong nadepina ang biceps n'ya.


"Playing innocent type, slut?" dagdag niya pa nung hindi ako nakasagot sa kanya. At ewan ko ba naman kung anong katangahan ang pumasok sa isip ko at sinigawan ko rin siya.


"SLUT? Ako? Wow kuya ah! Dahan-dahan ka sa pananalita mo at-"


"Get out." There he goes again! Pinutol na naman n'ya yung sasabihin ko! Sasagot pa sana ako pero umakma s'yang itutulak ako palabas kaya napapikit na lang ako dahil feeling ko masasaktan talaga ako ng todo-or not.


LOKI'S POV

This girl is really testing my patience. Sad to say, that word doesn't exist for me. Gano'n na ba kadesperado ang mga babae sa panahon ngayon at talagang sinundan n'ya pa ako sa shower room? Ewan ko ba at hindi na ako nasanay-sanay sa mga pagpapapansing ginagawa ng karamihan ng babae dito sa school. Sa limang taong pananatili ko dito, ngayon pa lang may nangahas na pasukin ako habang naliligo. God, nakarating ako ng grade 11 at ngayon lang ako na-harass ng ganito.


"Get out." Wala akong oras para makipagtalo pa sa babaeng 'to. Nakuha n'ya na ang gusto n'ya. Nakausap n'ya na ako kaya dapat makuntento na s'ya. Pero mukhang nagkamali ako dahil balak n'ya pang sumagot kaya itinulak ko na s'ya palabas pero laking gulat ko nung.. nung fvck I can't say it! How the hell is this possible? Fine, I fell on the floor. Hindi 'yun dahil sa lampa ako! Tumagos ako sa babaeng kaharap ko kanina. Fvck! Tumagos ako sa katawan n'ya!


Dahan-dahan akong napatingin sa babaeng nasa may pinto pa rin ng shower room.


AAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!




Know it by Heart and Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon