"Andy, sukob ka na sa payong ko," paanyaya ng isang babaeng maganda na isa ring estudyante sa Sanchi College kay Andy.
Subalit kaysa tanggapin ng binatang guwapo ang tulong ay tipid na ngumiti siya't umiling lamang. Ang lakas kasi ng ulan at wala siyang dala na payong kaya inaalok siya nang mga nakakakita sa kanya.
Siya kasi si Andy Pagdatu, ang campus crush ng Sanchi College kahit na first year pa lang siya sa kursong Business Management. Napataob niya noon ang dating campus crush dahil napansin agad ng marami ang kanyang kaguwapuhan. Walang kahirap-hirap na napasakanya ang tronong pagiging campus crush. Iba kasi ang kaguwapuhan niya raw. Nakakakilig o mas tamang salita ay nakakalaglag p*nty raw kaya siya na ang tinitilaan ngayon ng maraming kababaihang estudyante. Isama na ang mga bading na halos mahimatay kapag nakikita siya.
Wala rin ang kanyang motor o kotse dahil naki-ride lang siya kanina sa barkada niyang si Patrick. Hindi naman niya akalaing may biglang lakad ang kabarkadang iyon ngayong uwian kaya napag-iwanan siya, kung kaya wala na siyang magawa kundi ang maghintay na tumila ang ulan.
Hindi nga lang nagtagal ay iilan na lang ang estudyante ng school kaya medyo nag-aalala na siya. Ayaw naman niyang pagbigyan ang mga offer sa kanya ng mga magagandang chiks dahil baka bukas ay laman na naman siya ng tsismis.
Graduate na siya sa pagiging playboy. He had grown weary of that particular image of himself. Iniwan na niya sa kanyang high school life kaya hangga't maaari ay iniiwasan niyang magkaroon na naman siya ng issue about sa ganoon.
"Andy, miryenda muna tayo sa canteen. You want? Patilain na lang natin muna ang ulan," anyaya na naman sa kanya ng isa namang sexy na babae kahit estudyante pa lang. Ang kapal ng make-up.
"Sige lang. Busog pa ako eh," tanggi niya ulit.
"Andy, sabay ka na sa 'kin. Saan ba ang way mo? Hatid na lang kita?" papansin rin ng isa pang sosyalin na nakasakay naman sa kotse at sinadyang tumigil sa tapat niya para alukin siya ng ride.
"Thanks, pero parating na 'yong sundo ko," magalang pa rin niyang tugon kahit naiinis na siya sa mga makukulit na mga babae. Kung luko-luko lang siya ay ewan na lang.
Kunsabagay, kahit pairalin niya ang playboy image niya ay mapili naman siya. He refrains from involving himself with just any woman. Hindi siya katulad ng ibang kapwa niya lalaki na nagpa-cute lang ang isang babae ay sosyotahin na agad. Hindi siya gano'n. Ang mga type lang niya ang pinapatulan niya. Minsan ay nagkasabay-sabay nga lang kaya nabansagan siyang playboy noon.
Hanggang sa tuluyan na yatang naubos ang babae sa campus sa mga oras na iyon. Wala nang nangungulit sa kanya, pero ang ulan parang hindi pa rin maubos-ubos. Ang malas pa, eh, na-low batt na ang cellphone niya kaka-online games niya kanina.
Badtrip talaga ang uwian na ito sa kanya. Hindi na mailarawan ang kanyang mukha na napabuntong-hininga. Paano'y mag-iisang oras na siyang nakatayo roon pero wala pa rin siyang magawa kundi ang maghintay pa na tumigil o humina man lang ang ulan.
Nakaramdam na rin siya ng panlalamig kaya nakasuksok na ang kanyang mga kamay sa kanyang magkabilang bulsa. Kaunti na lang ay gusto na niyang magsisi kung bakit hindi pa siya sumabay sa kahit na sino sa mga babae kanina. Inip na inip na siya.
"Kahit sinong babae na 'pag inalok ako ay sasama na talaga ako," ang kanya nang himutok. Ubos na ang kanyang pasensya.
"Andy?" Nang may bigla ngang nagsalita sa likuran niya. "Wala kang payong? Sumabay ka na sa 'kin?"
Andy smiled broadly. Nilingon niya agad ang nagsalita. Subalit agad ding napawi ang ngiti niyang iyon nang makita niya kung sino ang babae.
Si Yolly pala. Si Yolly Peralta, ang panget nilang kaklase.
BINABASA MO ANG
ANG NABUNTIS KONG PANGIT
Romance*Highest Rank: #1* Si ANDY... guwapo pero hindi raw gago. SI YOLLY... pangit na binu-bully ng kapwa nila estudyante. ANG 'DI INAASAHAN, AY KAY YOLLY MAHAHANAP NI ANDY ANG ISANG MASAYANG KAIBIGAN. PERO ANO ANG MANGYAYARI KUNG BIGLANG MABUNTIS SI YOL...