Part 24

244K 4.3K 188
                                    

Gulat na gulat si Yolly nang mahimasmasan siya mula sa pag-iyak. May nakapa kasi siyang malapad na likod. Luh, Sino 'tong kayakap niya?!

"Are you okay now?" At lumuwa talaga ang mga mata niya nang marinig niya ang boses na iyon. Bigla siyang kumawala sa pagkakayakap. Naitulak niya pati ang lalaking kanyang kayapak.

And capital! O! M! at G!

Isa pang capital O!M! at G!

Si Andy! Si Andy pala ang kayakap niya! Waaahhh!

Paanong? Natutop ni Yolly ang kanyang bunganga. Oo nga pala. Naalala niya na nalaman niyang buntis siya kanina at namoblema siya kung paano sasabihin sa lahat. Nawawala siya sa kanyang sarili kaya siguro nang makita niya ang binata ay nahibang na siya.

Pero bakit naman yakap agad? Naman, oh!

"Okay ka na ba?" tanong ulit sa kanya ni Andy na may pag-aalala sa mukha.

Lalo siyang nawala sa sarili. OMG ulit! OMG dahil niyakap niya ang heartthrob ng school nila! Niyakap niya ang crush ng campus! Halla ka! Bitay na 'to!

"No! No! No!" hiyaw niya sa isip niya na pinunas-punas ang damit ng binata. Pinunas-punas niya ang ebidensya na niyakap niya ito. Walang dapat makaalam.

"Hey!" Nagtataka tuloy si Andy na napapaatras. "What are you doing?"

No. Ayaw niyang ma-bully ulit kaya kailangan niyang mabura talaga ang ebidensya.

"Aisst!" Nang hindi pa rin tumitigil sa ginagawa ang dalaga ay hinuli na lang ni Andy ang dalawang kamay nito. "Nababaliw ka na bang talaga, ha, Yolly?"

Napagiwi si Yolly. Hindi na siya makakilos. At siguro nga, nababaliw na siya. Sana mabaliw na siya.

"Yolly! Hoy!" untag pa sa kanya ng binata.

Nanlalaki pa rin ang mga mata ni Yolly na nakatitig sa guwapong mukha ni Andy. Daig na niya ang nahipan ng masamang hangin. Juskolord naman kasi! Ano na naman 'tong nagawa niya?

"Umayos ka nga!" Binitawan na ni Andy ang kamay ng dalaga. "Ano ba'ng problema mo, ha?"

Sunod-sunod na iling ang isinagot ni Yolly. Napapakagat-labi nga lang pa rin siya. Diyos ko, ang ama ng anak niya nasa harapan niya at napakaguwapo namang talaga!

"Yolly, isa! Tatawag na talaga ako sa mental kung hindi ka aayos!" babala na ni Andy sa dalagang nawawala pa rin sa sarili. Ikinampay-kampay niya kamay nito sa harap ng mukha ng dalaga.

"Huh!" Sa wakas ay nakawala rin si Yolly mula sa pagkakatulala. Umayos na ang utak niya. Bumalik na sa tamang puwesto.

"Okay ka lang ba talaga, ha? Namamaligno ka ba, ha?" mga tanong pa ni Andy.

"Hindi! Hindi ako okay! Yay!" sagot naman na niya pero sinabayan na niya iyon ng takbo papasok sa gate ng bahay nila. Mabilis niya iyong isinarado at ikinandado tapos pikit-mata't animo'y hinang-hina na napasandal doon. Diyos ko lord! Hindi! Hindi talaga dapat malaman ni Andy na buntis siya!

Kahit siya man ay nakokonsensya na. Iisipin pa lang niya na papanagutan ni Andy ang anak niya ay kinukotkot na ang kanyang konsensya.

Paano ito magiging ama ng anak ng isang pangit na katulad niya gayong ang guwapo-guwapo nito. Hindi puwede. Hindi bagay.

"At kailan pa naging bagay at hindi bagay na maging mag-ama ang isang lalaki at ang isang bata?" himutok ng kanyang konsensya.

Nga naman.

"Hey, Yolly!" Marahas ang naging katok ni Andy sa gate nila na umuntag sa kanya. Para ba'y wawarakin nito anumang oras. "Lumabas ka nga diyan! Mag-usap tayo!"

Napapikit nang mariin si Yolly. At bago pa siya mademonyo ay kumaripas na siya ng takbo papasok sa bahay nila. Baliw na kung baliw siya pero nakapagpasya na siya. Hindi na niya sasabihin talaga kay Andy na buntis siya.

Kaso ay nakasalubong niya ang nanay niya.

"May tao yata sa labas, ah?" anang nanay niya na patingin-tingin sa labas.

Tarantang itinulak si Yolly ang nanay niya papasok ng bahay. "Wala po 'yun, Nay!"

"Eh, bakit mo ako itinutulak?"

"Uhm... kasi po 'yung bombay. Opo. Ang bombay niyo po 'yun. Hinahanap niya kayo."

"Huh?! Ay, bakit ang aga naman ng bombay na 'yan? Wala pa akong pambayad."

"Kaya nga po siniraduhan ko agad ng gate kasi alam kong wala kayong pambayad. Dali na, 'Nay, pasok na tayo sa loob at baka makita niya pa kayo."

"Sige! Sige!" At si nanay pa niya talaga na ang nagsara ng pinto nila. Lol!

Nakahinga na ng maluwag si Yolly.

"Grabe naman sa aga ng bombay na 'yun! Hindi makatarungan! Ang laki na nga ng interes nila ang aga-aga pa maningil!" Na-highblood na nga lang ang nanay niya.

Hinayaan na lang niya ito. Pumasok na siya sa kuwarto niya at doon ipinagpatuloy ang pag-e-emote. Para siyang hinang-hina na humiga sa kanyang kama. Pagkuwa'y wala sa sarili na nakapa niya ang manipis na tiyan.

Hindi na naman niya mapigilan ang hindi umiyak. Paano na siya ngayon? Paano na sila ng baby niya?

Wala siyang nakuhang sagot kaya iyak na lang siya nang iyak. Hanggang sa nakatulugan na niya ang pag-iyak.

Hindi na niya namalayan ang nanay niya na pumasok sa silid niya dahil naghahanap ito ng ballpen. Sa inis sa bombay ay naisipan ng ginang na i-compute ang utang nito kaya kailangan nito ng ballpen.

Hindi na inistorbo pa ng ginang ang natutulog na anak. Ito ang naghagilap ng ballpen sa bag ni Yolly. Nga lang ay hindi ballpen ang nakita ni Aling Yolanda sa bag kundi 'yung PT. Iyong PT na may dalawang red na guhit.

Shock na shock ang ginang, naninikip ang dibdib, at nahimatay.

ANG NABUNTIS KONG PANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon