Part 62

210K 3.7K 144
                                    

HINDI alam ni Yolly kung ilang oras na siyang nakatitig sa singsing na nakasuot sa daliri niya. Iniikot-ikot niya iyon habang pinagmamasdan. Halu-halong emosyon ang kanyang nararamdaman.

Tapos ay sa bote ng gatorade naman siya napatingin. Saka sa lagayan ng jollibee fries.

Ang lungkot niya, pero napapangiti siya habang pinagmamasdan ang mga iyon. Naalala niya kasi ang mga araw na... na ang gulo nila ni Andy pero masaya naman. 'Yung daig pa nila ang aso't pusa, pero sa huli ay nagngingitian naman sila.

"Andy..." Ang hindi niya namalayan ay tumutulo na pala ang mga luha niya. Hanggang sa suminghot-singhot na siya, na nagtuloy-tuloy sa pahagulgol.

Bakit ba kasi? Bakit ba kasi hindi na lang nagtutuloy-tuloy ang lahat?

Kainis naman, eh!

Sana pala nag-END na lang ang kuwento nilang ito ni Andy noon pa. Noong hindi pa niya alam na hindi siya buntis. Kung bakit kasi kailangang may TO BE CONTINUE pa, eh? Tuloy nabago na ang kuwento nila. At masakit, masakit na masakit ito para sa kanya.

Umasa na kasi siya na may happy ending ang story nilang ito ni Andy. Ang kaso sa tingin niya ngayon, mukhang wala ng ending dahil wala naman talagang love story rito na naganap kundi puros kasinungalin na story. Walang katotohanan. Parang nanaginip lang siya na isang lalaki ang nagpahalaga sa kanya, pero nang magising siya, wala pala.

Parang sasabog ang kanyang puso. Gustong magpira-piraso. Ang sakit. Ang saklap.

Sana hindi na lang nangyari ang lahat. Sana hindi na lang sila naging close ni Andy. Sana... sana mabura na lang ang kuwento nilang ito para mabura na rin ang sakit na kanyang dinidibdib.

Parang hindi niya kasi kakayanin. Parang echo kasi na paulit-ulit sa pandinig niya ang mga narinig niyang masasakit na salitang binitawan sa kanya ni Andy.

"Whatever her reason is, panloloko pa rin iyon! I despise her! Katulad lamang ng pangit niyang hitsura ang ugali niya!"

"But it's true, Mom! 'Yung akala kong nabuntis kong pangit na iyon! Walang kuwenta siyang tao! Manloloko siya! She's a b*tch! Mamatay na siya!"

Mga parang kutsilyo ang mga iyon na sumasaksak sa puso niya. Paulit-ulit.

Narinig pa lang niya ang mga iyon pero ang sakit-sakit na para sa kanya. Paano na lang kung sa mismong mukha na niya iyon sabihin ni Andy? Ghad, parang gugustuhin na lang niyang mamatay ngayon kaysa mangyari iyon.

Iba na lang ang magsabi niyon sa kaniya, na panget siya. Huwag lang si Andy.

"Yolly?" napaigtad siya sa biglang boses ng nanay niya. "Okay ka lang, 'Nak?"

Hindi niya namalayan ang pagpasok ng ina dahil sa pagsesemyento niya.

"Kanina ka pa pala gising pero bakit hindi ka pa lumalabas?"

Pasimpleng pinunas muna niya ang kanyang mga luha bago hinarap ang kanyang nanay. Kaso ay napansin pa rin iyon ni Aling Yolanda. "Umiiyak ka na naman ba?"

"Hindi po."

Kahit si Aling Yolanda ay hindi magawang magbiro sa sandaling iyon. Niyakap nito ang anak dahil alam nitong hindi ngayon madali ang pinagdadaanan nito. "Huwag kang mag-alala, maayos din 'to. Mapapatawad ka rin niya. Babalik si Andy rito sa bahay."

Hindi umimik si Yolly. Alam naman kasi niyang pinapagaan lang ng nanay niya ang kalooban niya.

Saglit lang ay kumawala rin ito sa pagkakayakap sa kanya. "Gusto mo dalawin natin siya?"

"Ayoko, 'Nay. Galit na galit 'yon sa akin."

"Eh, normal lang 'yon kasi may kasalanan ka rin naman talaga sa kanya. Dapat ay humingi ka ng tawad sa kanya."

ANG NABUNTIS KONG PANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon