Buong araw na hindi nag-imikan ang dalawa. Paano ay sinasadya ni Yolly na iwasan si Andy. Ewan pero dahil sa nangyari kanina ay nahihiya siya sa binata. Kahit na kung tutuusin ay wala naman dapat siyang ikahiya dahil kung meron mang dapat mahiya ay dapat si Cindy 'yon at hindi siya. Kaya lang kasi ay...
Ah, basta, hindi niya ma-explain. Saka wala naman siyang sasabihin kay Andy, eh.
Buti na lang at matagal din na nag-car wash sa sasakyan si Andy kaya hindi siya nahirapan sa pag-iwas dito. Halos buong maghapon yata sa kakalinis si Andy sa kotse nito.
Good luck na lang sa nanay niya sa bill sa tubig. Ha-ha!
Noong hapunan na lang sila parang nagkita na dalawa gayong ang liit ng bahay nila. Siguro ay iniiwasan din talaga siya ni Andy.
"Eh, ano nang balak niyo ngayon?" untag sa kanila ni Aling Yolanda dahil parehas silang tahimik.
Si Andy ang nag-angat ng ulo. Ibinaba muna nito ang kutsara at isang mabilis na sulyap ito sa kanya bago nagsalita.
"'Nay..." panimula nito sa sasabihin. Nakiki-NANAY na talaga at hayaan na nga lang niya. "Kung okay lang po sana sa 'yo, eh, gusto ko po sana na ipagpapatuloy namin ni Yolly ang pag-aaral namin kahit magkakaanak na kami."
Umaliwalas ang mukha ng ginang dahil iyon naman talaga ang gusto nila ni Yolly, nagkabukingan lang kasi. "Narinig mo 'yon, 'Nak?"
Oo narinig 'yon ni Yolly, pero hindi siya nagkomento. Tumango lang siya. At ang totoo ay hindi siya sang-ayon, lalo na ngayon na doon pa nga lang sa mismo nilang bahay ay nagawa na siyang sugurin ni Cindy, doon pa kaya sa school nila na hari at reyna ang mga magaganda at guwapo?
Ayaw lang niyang kumontra kay Andy sa harap ng kanyang nanay kaya tumango siya. Tutal ay magiging ama ito ng kanyang magiging anak ay dapat siguro ay maglaan na siya ng kaunting respeto rito kahit sa harap lang ng isa o maraming tao.
"Mabuti naman at matitino kahit paano ang pag-iisip niyo. Alam niyo kung paano bumawi sa pagkakamali niyo. Hindi tulad ng ibang kabataan. At huwag kayong mag-alala susuportahan ko kayo," nakangiting saad ni Aling Yolanda. Malaki talaga ang ipinagpapasalamat nito sa Diyos dahil matinong lalaki ang nakabuntis sa kanyang anak. Mabait pa't magalang kahit anak ng mayaman.
"Eh, di kung gano'n papasok na kayong dalawa sa school bukas? Nakadalawang araw na kayong absent, eh."
Sumulyap ulit si Andy kay Yolly. "Kung gusto na pong pumasok ba ni Yolly, eh, opo sana."
"Huh?!" naibulalas ni Yolly nang marinig niya ang kanyang pangalan. Bahagyang nagulat siya na naglipat-lipat ang tingin sa dalawang nag-uusap.
"Sabi ni Andy, Anak, eh papasok na raw kayo bukas. Okay lang ba sa 'yo?" ulit ni Aling Yolanda sa kanya.
Tumingin siya kay Andy. Tumango naman ito sa kanya at tipid na ngumiti.
"I-ikaw?" kiming aniya na lamang na nauutal.
Sa silid nila, bago matulog na lang niya balak kausapin si Andy tungkol doon. Doon na lang sila mag-uusap ng masinsinan mamaya.
"'Nay, sa silid na ako. Inaantok na ako, eh," sabi niya agad nang matapos siyang kumain. Style niya lang dahil ang nais niya ay makapunta agad sila ni Andy sa kuwarto. Sana nga lang ay susunod agad sa kanya si Andy para makapag-usap na sila, dahil kung tatanungin talaga siya ay ayaw na niyang pumasok pa sana sa school. Hindi lang siya makatanggi ngayon o makapagsalita dahil sa nanay niya. Ayaw niyang malaman ng nanay niya na sobra-sobra na ang pambu-bully sa kanya ng mga kapwa niya studyante sa Sanchi College. Ayaw niyang mag-alala ang nanay niya at mas ayaw na niyang manugod ulit ito sa school tulad noon.
BINABASA MO ANG
ANG NABUNTIS KONG PANGIT
Romance*Highest Rank: #1* Si ANDY... guwapo pero hindi raw gago. SI YOLLY... pangit na binu-bully ng kapwa nila estudyante. ANG 'DI INAASAHAN, AY KAY YOLLY MAHAHANAP NI ANDY ANG ISANG MASAYANG KAIBIGAN. PERO ANO ANG MANGYAYARI KUNG BIGLANG MABUNTIS SI YOL...