Marahas na hinawakan ni Andy ang magkabilang-balikat ni Yolly. "Niloloko mo na naman ba ako, Yolly, hah?!" tapos ay nagngangalit ang mga ngipin niyang tanong. Ang higpit-higpit ng pagkakahawak niya sa mga balikat ni Yolly.
"Ah... eh..."
"Answer me!" bulyaw na niya nang pagkalakas-lakas nang hindi pa rin naimik si Yolly. Ang dilim-dilim na rin ng mukha niya. Tumataas-baba ang dibdib niya sa matinding galit.
Ngunit mga luha ang sinagot lamang sa kaniya ni Yolly. Luha na nag-unahan sa pagpatak sa makinis na pisngi ng dalaga.
Si Leandro ang akmang pipigil sa ginagawa ni Andy pero pinigilan ito ni Yaya Chadeng. Takang-taka ang binata na napatingin dito
"Hayaan mo silang mag-usap at lutasin ang problema nila," pakiusap ng matanda.
Napabuntong-hininga si Leandro nang ibalik niya ang tingin kina Andy at Yolly. Kay sakit para sa kaniya na makitang nasasaktan ang babaeng mahal niya, subalit tama su Yaya Chadeng, hindi dapat siya nakikialam sa problema ng may problema.
"Dammit, Yolly!" Sa sandaling iyon, makikitang hindi na mailarawan ang nagiging reaksyon ni Andy. Mababakas sa mukha niya ang pait, ang sakit. Maliwanag pa kasi sa sikat ng araw na sa pangalawang pagkakataon ay ginawa siyang tanga ni Yolly.
Naglaban ang tinginan nila ni Yolly. At sa pagkakataong iyon ay wala nang nararamdaman na anuman si Andy kahit pa tigmak na ng luha ang mga mata ni Yolly. Hindi siya naaawa or maaawa.
Galit. Tanging galit na lamang ang nararamdaman niya na paulit-ulit na ipinaparamdam sa kaniya ng dalaga.
"Andy, magpapaliwanag ako," samo ni Yolly sa gitna ng pagluha.
"No! Hindi na ako makikinig sa iyo kahit kailan! You're an absolute liar!" tagos sa puso na bulyaw niya pa sabay patulak na bitaw kay Yolly.
Muntik nang matumba si Yolly pero pinatatag ni Yolly ang sarili. Pagkuwa'y tutop ng dalawang kamay nito ang dibdib na nag-iiyak na nagmamakaawang tumingin kay Andy.
"Hindi tama na nananakit ka ng babae, Andy!" Sa pagkakataong iyon ay napalapit na si Yaya Chadeng kay Andy. "Makinig ka sa akin—" at subok sanang paliwanag nito.
"No!" Marahas na iniiwas ni Andy ang kamay niya sa yaya niya. Ayaw niyang mahawakan dahil pakiramdam niya ay sasabog siya anumang oras sa mga sandaling iyon. 'Andyang mapapamaywang siya, mapapasinghap sa hangin, mapapahilamos sa kaniyang mukha tapos tatalikod pero lilingon din naman kay Yolly nang masama. Iduduro rin niya si Yolly habang habol-habol niya ang hininga. Sobrang naninikip na ang dibdib gawa ng matinding galit.
"S-sorry, hindi ko sinasadya. Hindi ko talaga sinasadya," paulit-ulit naman sinasabi ni Yolly na mas nag-iiyak pa.
"Isa ka talagang dakilang... wala kang kwentang babae!" Hirap na hirap sa pagsasalitang idinuro siya ni Andy.
"Teka! Sobra ka naman na 'ata!" hindi nakatiis na alma na ni Leandro.
Maangas na lumapit si Andy kay Leandro at dito niya ibinunton ang matinding galit. "Isa ka pang shukoy ka!"
"Andy!" hiyaw ni Yaya Chadeng nang suntukin ni Andy si Leandro.
Subsob si Leandro. Natikman na ni Leandro ang napakalakas na suntok ni Andy. Sumargo agad ang dugo sa bibig nito. Pero nang makabawi ng balanse ay ito naman ang ubod ng lakas na sumuntok kay Andy. Tumba rin si Andy. Palibhasa ay nakainom ito at hindi nito inasahan iyon.
"Andy!" hiyaw ni Yolly. "Ayos ka lang ba?" Sa kabila ng lahat ay si Andy pa rin ang nilapitan niya at iniyakan.
"Huwag mo akong hahawakan!" pagtataboy nga lang dito ni Andy.
BINABASA MO ANG
ANG NABUNTIS KONG PANGIT
Romance*Highest Rank: #1* Si ANDY... guwapo pero hindi raw gago. SI YOLLY... pangit na binu-bully ng kapwa nila estudyante. ANG 'DI INAASAHAN, AY KAY YOLLY MAHAHANAP NI ANDY ANG ISANG MASAYANG KAIBIGAN. PERO ANO ANG MANGYAYARI KUNG BIGLANG MABUNTIS SI YOL...