Isang himala na masasabi sa pagkakaligtas pa ni Andy sa banggaang naganap dahil nakapagtatakang mga sugat at galos lang ang natamo ng binata sa kabila ng pagkakayupi ng kotse nito.
"Andy, lumaban ka." Iyak nang iyak si Madam Angie na unang dumating sa ospital kung saan itinakbo si Andy ng mga taong nagtulungan mailigtas lang ang buhay ng binata.
Kinabukasan na iyong nalaman ng lahat dahil kinabukasan lang kumalma si Madam Angie. Kinabukasan na nito naipalam sa lahat ang aksidenteng nangyari sa anak kasama na kina Yolly at Aling Yolanda.
"Andy, Diyos ko!" Iyak nang iyak din si Yolly nang malaman niya iyon. Agad niyang sinisi ang sarili sa nangyari kay Andy.
"Anak, kumalma ka lang." Lakad-takbo sila ni Aling Yolanda.
"Dito po." Nang sa wakas ay turo ng nurse sa kanila sa isang private room ng hospital.
Nagbukas iyon at iniluwa ng pinto si Madam Angie. "I'm glad you're here, Yolly." Niyakap agad nito si Yolly.
Nag-iyakan na silang dalawa.
"Balae, kumusta si Andy?" tanong ni Aling Yolanda na labis-labis din ang pag-aalala para kay Andy.
Kumawala sa pagkakayakap si Madam Angie kay Yolly bago sumagot. "Ayos naman na siya, balae."
"Mabuti naman kung gano'n." Naginhawan si Aling Yolanda.
"Come in," anyaya na sa kanila ni Madam Angie.
Sa loob ng magarang silid ng ospital ay hindi napigilan na naman ni Yolly ang hindi mapaiyak. Kawawa ang hitsura ni Andy. Puro ito pasa. Nadudurog ang puso niya na makita si Andy sa ganoong kalagayan.
"Don't worry, sabi naman ng doktor ay okay na siya. Let's just wait for him to wake up." Hinagud-hagod ni Madam Angie ang likod ni Yolly.
"Ka... kasalanan ko po ang lahat, Tita," umiiyak na sabi ni Yolly kasabay nang dahan-dahan niyang paglapit sa kama.
"Don't say that, hija. Aksidente ang nangyari," alo pa rin sa kanya ni Madam Angie.
"Pero totoo po na kasalanan ko ba't nangyari ito sa kanya. Sana sinabi ko po sa kanya agad ang totoo," giit ni Yolly sa gitna pa rin ng pag-iyak.
Natahimik si Madam Angie. Naguluhan ito sa ipinagpipilitan ni Yolly.
"Uhm.... Balae, puwede ba tayong mag-usap? May dapat kang malaman tungkol sa mga bata," paniningit na ni Aling Yolanda. Ito na ang magsasabi sa nanay ni Andy ang katotohanan. Ayaw na nilang patagalin pa ang pagsisinungaling. Nag-usap na silang mag-ina na aaminin na sa kahit na sino na hindi totoong buntis si Yolly.
"Okay, sige," naguguluhan man ay pagpayag ni Madam Angie.
"Sa labas tayo, balae." Maingat na inalalayan palabas ni Aling Yolanda si Madam Angie.
Nagpatianod naman ang mayamang ginang.
Sa isang café ng ospital nagpasyang kausapin ni Aling Yolanda ang mayamang ginang. At sana maiintindihan sila nito.
"Andy, sorry," iyak naman nang umpisa ni Yolly sa pag-e-emote niya nang mag-isa na lang siya kuwarto ni Andy. Hihingi na siya kapatawaran dahil baka ito na ang huling pagkakataon niya, kahit pa hindi siya sigurado kung naririnig ba siya ng binata.
Nanginginig niyang lakas-loob na hinawakan ang isang kamay ni Andy saka ilang minuto munang tinitigan ang guwapo pa ring mukha nito kahit pa puro iyon pasa.
"God knows, Andy, hindi ko talaga ginusto na ilihim ito sa 'yo. Humahanap lang ako ng tyempo at saka natakot lang din ako na—" Natigil siya sa sinasabi dahil napahagulgol na naman siya. Feeling niya ay pinipiga ang kanyang puso.
BINABASA MO ANG
ANG NABUNTIS KONG PANGIT
Romance*Highest Rank: #1* Si ANDY... guwapo pero hindi raw gago. SI YOLLY... pangit na binu-bully ng kapwa nila estudyante. ANG 'DI INAASAHAN, AY KAY YOLLY MAHAHANAP NI ANDY ANG ISANG MASAYANG KAIBIGAN. PERO ANO ANG MANGYAYARI KUNG BIGLANG MABUNTIS SI YOL...