SA OSPITAL, dinalaw din ni Cindy si Sir Delfin. Nahuli lang ito konti kina Yolly at Andy kaya hindi sila nagpang-abot.
"Hello po, Tito Delfin." Yakap at beso agad si Cindy nang makapasok siya sa silid ng ospital ng daddy ni Andy. Nabalitaan niya kahapon ang nangyari kaya dumalaw siya agad.
"Salamat sa pagbisita, Cindy."
"How are you, Tito?"
"I'm fine, hija. Don't worry."
"Sorry for what happened, Tito. Kung hindi ko sana sinabi 'yong tungkol kay Yolly sa 'yo, eh, sana hin—"
Hindi naituloy ni Cindy ang sinasabi dahil ikinampay ni Sir Delfin ang kamay. "Hija, it's okay. You don't need to apologize. Actually, I want to thank you for it."
"What do you mean, Tito?"
"Kasi dahil sa mga sinabi mo ay nakita ko ang totoong ugali ni Yolly, hija."
Nagliwanag ang mukha ni Cindy. Sa isip niya ay kung gano'n ay umayon sa kanya ang pagkakataon. Siguro ay may nakita si Sir Delfin na masamang ugali si Yolly.
"So, what can you say about her, Tito? Tama ako, 'di ba? She's ugly and—" Naputol ulit ang sasabihin ni Cindy dahil um-interrupt agad si Sir Delfin.
"Don't say that to her, Cindy. Mabait siyang bata."
"What?! Paanong mabait, Tito?!" malakas ng naibulalas ni Cindy. Agad na na-upset dahil hindi iyon ang inaasahan niya.
"Mabait siya dahil kung masama siyang babae ay hindi sana niya ako tutulungan noong na-mild heart attack ako kahapon."
"No, Tito! You're wrong! I'm pretty sure she's just putting on a show!" Nanggigil na sa inis si Cindy. Nakuyom niya ang dalawang palad niya. "Siguro ay nakilala niya kayo kaya nagbait-baitan siya."
"No, Cindy, dahil hindi pa niya ako kilala that time kaya alam ko na mabuti ang kalooban niya. Now I know why Andy likes her so much. It's because she's a different kind of woman."
Naningkit ang mga mata ni Cindy. Tumaas-baba rin ang dibdib niya. Nabwisit na siyang talaga. Bwisit na bwisit kaya walang anu-ano siyang tumalikod na at nilisan ang silid na iyon.
Sa labas ay galit na galit siyang napamura. "Kainis ka, Yolly! M*matay ka na sana nang mawala ka na sa landas naman ni Andy!"
Nawala na ang pagiging class niya. Hindi siya papayag na lahat na lang ay mapunta kay Yolly. Si Andy! Tapos si Tita Angie niya at ngayon ay si Tito Delfin niya! Hindi siya magpapatalo! Babawiin niya sila!
Natigil lang si Cindy sa pagngingitngit, nang may lumampas sa kanya na bulto ng isang lalaki na pamilyar sa kanya. Napatitig siya sa lalaki. At nang makilala na talaga niya ito ay muli siyang napangisi at nabuhayan ng loob.
Well, may chance pa pala siya para sirain ang dalawa.
Nagmadali ang dalaga na humakbang. Hinabol na niya ang lalaki.
"Excuse me," agaw-pansin niya rito nang matapatan niya.
Lumingon ang lalaking may hawak ng envelope. "Yes?"
"Hi"
"May kailangan ka?"
"Wala naman. It's just that, nakilala kita. Ikaw? Hindi mo ba ako nakikilala? Kasi ako hindi kailanman kita makakalimutan," ngiting-ngiting sabi niya.
Napakunot-noo ang lalaki na minukhaan ang dalaga. "Ah, oo. Isa ka sa mga studyante sa Sanchi College na pinagtrabahuan ko noon, 'di ba? Sorry hindi kita nakilala agad. Iba kasi hitsura niyo kapag hindi kayo naka-uniform."
BINABASA MO ANG
ANG NABUNTIS KONG PANGIT
Romance*Highest Rank: #1* Si ANDY... guwapo pero hindi raw gago. SI YOLLY... pangit na binu-bully ng kapwa nila estudyante. ANG 'DI INAASAHAN, AY KAY YOLLY MAHAHANAP NI ANDY ANG ISANG MASAYANG KAIBIGAN. PERO ANO ANG MANGYAYARI KUNG BIGLANG MABUNTIS SI YOL...