Nanlilisik ang mga mata ni Andy na palipat-lipat ang tingin kina Madam Angie at sa hindi niya kilalang babae. Hindi naman mga ito makatingin sa kanya ng diretso.
Nakikilala niya ang singsing na dinampot at ngayon ay hawak-hawak na niya. Kay Yolly ang singsing dahil iyon ang ibinigay niyang singsing noon sa dalaga.
"Pero bakit nandito?" Naningkit pa ang mga mata niyang inalisa ang nangyayari, habang palipat-lipat pa rin kina Madam Angie at sa babae ang kaniyang tingin. "Ah, alam ko na! Siguro inutusan ni Yolly ang babaeng ito na ibalik sa jewelry shop ang singsing kasi nahihiya! Tama!"
His gaze halted on the woman who was with his mom. Napansin niya agad na maganda ang babae kahit simple lang. But he doesn't care about her.
"Where is she?" instead, he asked the woman with a flat tone.
Napamata sa kanya ang babae. Hindi ito sumagot bagkus ay parang nagtaka ito sa tanong niyang iyon.
"I said, where is Yolly? Bakit hindi siya ang magbalik sa 'kin nito? Nawala na ba ang kakapalan niya ng mukha? O wala siyang lakas-loob na magpakita sa 'kin dahil guilty siya?"
Napamaang sina Madam Angie at Yolly na nagkatinginan sa isat-isa. Parehas sila ng naisip na tulad ng iba ay hindi rin nakikilala ni Andy si Yolly.
"Hindi mo ba ako naririnig o bastos ka lang talaga?!" Nagulat na lang ang dalawa nang ihagis ni Andy ang singsing sa babae.
"Where's your manners, Andy!" saway ni Madam Angie sa anak. Pinandilatan nito ng mata.
Ang kaso ay walang naging pakialam ang binata. "Ibalik mo 'yan sa kanya! At sabihin mo na siya ang magbalik niyan sa 'kin!" sa halip, galit pa ring sabi sa babae.
Kamuntikan namang maiyak na si Yolly na napatingin sa gumulong na singsing sa harapan niya. Animo'y parang may tumarak sa kaniyang puso, at halos hindi niya kayanin ang sakit.
"Pero, Andy, siya si-" Hindi naituloy ni Madam Angie ang sasabihin dahil hinawakan ni Yolly ang isang kamay nito. Sinasabi n'on ng dalaga na ito ang magsasabi kay Andy na siya si Yolly.
Naunawan naman agad ito ni Madam Angie. Bumuntong-hininga ang ginang bilang pagpaparaya.
Dahan-dahan na ngang yumukod si Yolly kasabay nang kusang pagtulo ng kaniyang mga luha. Pinulot niya ang singsing. At bago siya tumayo ay humugot muna siya ng malalim na buntong-hininga. Nang tumingin na siya kay Andy, kahit paano ay may lakas-loob na siya.
Hawak-hawak ng dalawang kamay ni Yolly ang singsing na lumapit kay Andy. Alam niyang hindi siya nakikilala ng binata. Okay na sana 'yon para... para hindi na sila magkakilala na ni Andy, pero ayaw na ni Yolly na dagdagan pa ang kasinungalingan niya, kaya naman magpapakilala siya.
Isang hakbang ang pagitan nila ni Andy nang iabot ni Yolly ang singsing. Ngumiti ang dalaga sa gitna ng pagluha niya.
Hindi naman maalis-alis kay Andy ang pagkakunot-noo. Habang tinititigan niya kasi ang babae ay parang... parang...
"A-Andy, salamat sa lahat at... at sana mapatawad mo rin ako balang araw. Ibinabalik ko na ang singsing," matinding iyak na panimula ni Yolly.
Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Andy, kasabay niyon ay ang pag-awang ng mga labi niya. Marahang napatuwid din siya sa pagkakatayo. Nakilala na niya kung sono ang babae.
"O-oo, Andy, ako 'to. A-ako si Yolly at... at nandito ako para ibalik ang singsing," hirap na hirap ang kaloobang pagpapakilala na nga ni Yolly sa sarili. Pakiramdam niya ay kinakapus siya ng hininga dahil parang pinipiga-piga naman ang puso niya sa sandaling iyon.
Doon parang matatawa na galit na ewan si Andy at napamulsa. Sabi na nga ba niya, eh! Sh*t!
"Andy, huwag kang magalit. Habang tulog ka no'ng naaksidente ka ay pina-make-over ko si Yolly," pamamagitna ni Madam Angie sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
ANG NABUNTIS KONG PANGIT
Romance*Highest Rank: #1* Si ANDY... guwapo pero hindi raw gago. SI YOLLY... pangit na binu-bully ng kapwa nila estudyante. ANG 'DI INAASAHAN, AY KAY YOLLY MAHAHANAP NI ANDY ANG ISANG MASAYANG KAIBIGAN. PERO ANO ANG MANGYAYARI KUNG BIGLANG MABUNTIS SI YOL...