NAPILITAN lamang si Yolly sa pag-iiyak nang makarinig siya ng huni ng motor na tumigil.
"Yolly, ayos ka lang?" Mabilis na ipinarada ni Leandro ang motor, at dali-daling umibis. Pero nang makalapit ito ay isang sampal ang natikman nito mula sa dalaga. Tila ba nagtigil ang pag-ikot ng mundo ang naging pakiramdam ni Leandro. Hindi ito makapaniwala na sinampal ito ni Yolly. Nangilid ang mga luha nito habang nakabaling pa rin ang mukha.
Muntik nang mapaluha si Leandro. Hindi masakit ang sampal ni Yolly. Ang masakit para kay Leandro ay iyong iisipin nitong matindi talaga ang galit ni Yolly dahil sa nagawa nito.
"Masaya ka na?! Ayan na, wala na si Andy! Umalis na siya! Iniwan na niya ako!" madiin na madiin ang boses na sumbat ni Yolly kay Leandro sa gitna ng kanyang pag-iyak. Nanginginig din ang kamay niya na itinuturo ang papalayong sasakyan ni Andy.
Sapo ang pisngi ay dahan-dahang ibinalik ni Leandro ang tingin kay Yolly. Namumula ang mga mata nito na napatitig sa dalaga.
"Umalis na siya! Iniwan na niya ako na galit na galit sa akin dahil sa kagagawan mo! Dahil sa pakikialam mo!" paninisi pa sa kanya ni Yolly.
"S-sorry, Yolly. Hindi ko sinasadya. Babawi ako," buong pagsisisi na sumamo ni Leandro sa mahinang-mahina na tinig. Nahihiya siya dahil kasalanan naman talaga niya ang lahat. Napangunahan niya si Yolly. Nalaman ni Andy ang sekreto ng kaibigan na wala sa oras dahil sa katangahan niya, dahil sa kagaguhan niya, dahil sa pagseselos niya na wala naman sa lugar.
Hindi naman mailarawan ang titig ni Yolly sa binata. Galit na galit talaga siya kay Leandro. Nanginginig ang tikom na tikom na labi niya. Rumaragasa ang mga luha niya sa kanyang pisngi. At pigil na pigil niya ang kanyang matinding paghinga. Ni hindi na rin niya magawang magsalita kaya naman tinalikuran na lang niya ang itinuring na kaibigan at walang anumang iniwanan ito sa labas ng bahay.
*******
SA MAY KOTSE ni Andy.
"Damn you, Yolly! Damn you!" Nasuntok-suntok ni Andy ang manibela. Parang sasabog na kasi ang kanyang dibdib sa sobrang sakit na kanyang nadarama.
Pinili niyang umalis sa bahay nina Yolly dahil baka kung ano pa ang magawa niya. Iniwasan din niya niya na maging bastos sa harapan ni Aling Yolanda dahil totoong itinuring na niyang ina ang ginang.
Nagtiwala siya kay Yolly. Naging mabait siya pero niloloko pala siya ng babaeng 'yon.
Ang sama ni Yolly! Hindi niya ito mapapatawad! Hinding-hindi!
Sa inis at galit ay diniinan pa ni Andy ang pagkakaapak sa silinyador, hanggang sa hindi niya namalalayan na sobrang bilis na ng kanyang pagpapatakbo. Mabilis na mabilis, at wala siyang pakialam. Buti na lang at gabi na kaya medyo konti na lang ang mga sasakyan sa kalsada.
Hindi siya nagpapakamatay pero galit talaga siya. Galit siya sa mundo.
Niloko siya!
Ginawa siyang tanga ni Yolly!
"Aaaaaaaahhh!" hiyaw ni Andy ng malakas habang pagewang-gewang ang takbo ng kotse niya. Paraan niya upang maibsan man lang ang sakit na nadarama niya kahit konti.
Ang hindi niya inaasahan ay ang maaalala na ng utak niya ang nangyari noong gabing iyon. Lumangitngit ang gulong ng kanyang sasakyan sa bigla-bigla niyang pagpreno sa may gilid ng kalsada. Pagkatapos ay natulala na siya't agaw niya ang hininga nang parang nag-rewind ang lahat sa isip niya...
"Alak talaga?" Kamot ulo si Yolly noon dahil pinabibili niya ito ng alak para i-celebrate nila ang pagkakaibigan nila ni Cristine. Iyon 'yong araw na nahuli kasi sila noon ni Cristine na magkaibigan na sila ni Yolly.
BINABASA MO ANG
ANG NABUNTIS KONG PANGIT
Romance*Highest Rank: #1* Si ANDY... guwapo pero hindi raw gago. SI YOLLY... pangit na binu-bully ng kapwa nila estudyante. ANG 'DI INAASAHAN, AY KAY YOLLY MAHAHANAP NI ANDY ANG ISANG MASAYANG KAIBIGAN. PERO ANO ANG MANGYAYARI KUNG BIGLANG MABUNTIS SI YOL...