Part 55

182K 3.3K 46
                                    

Napakurap si Leandro mula sa pagkakatitig sa tinakbuhang banda ni Yolly. May bigla kasing tumikhim mula sa likuran niya, at nang lingunin niya ay si Cindy pala iyon.

Nakangising nakatingin sa kanya ang dalaga habang nakahalukipkip. "What happened?" tapos ay pangkontrabidang tanong nito.

Napapikit si Leandro at napamaywang. Ngayon siya nagsisisi kung bakit nagpademonyo siya sa babaeng kaharap niya ngayon. Nakagawa tuloy siya ng ikakagulo na naman ng lahat.

"What's wrong?" pilyang tanong pa ni Cindy.

Nagngitngitan ang mga ngipin ni Leandro na titigan ang dalaga. Nakuyom din niya ang mga kamao. Kung puwede lang pumatol sa babae ay ginawa na niya.

"Oh, why? What kind of look is that? May ginawa ba akong mali?"

"Puwede ba, Cindy! Tantanan mo na si Yolly!"

Sarkastikong natawa si Cindy. "Wait lang, ha? Ano bang ginawa ko? Wala naman, 'di ba? Ikaw nga yata itong may ginawa riyan, eh, kaya nagwalk-out ang panget na iyon na umiiyak."

Napatiim-bagang si Leandro. Kundi lang babae si Cindy ay baka nakwelyuhan na niya ang dalaga ng wala sa oras or worse ay nasuntok pa dahil naningkit talaga ang mga mata niya at nakuyom ang mga palad niya.

"Magkuwento ka naman. Ano'ng nangyari?" nakangisi pang mga tanong ni Cindy. Halatang tuwang-tuwa talaga ito sa nangyari.

Sinundan nito si Leandro kanina at hindi tinantanan kaya nakita nito ang amazing na nangyaring iyon. Sayang lang at hindi nito narinig ang usapan ng dalawa. Pero hindi bale at mukhang maganda naman ang nangyari

"Ewan ko sa 'yo!" singhal ni Leandro at malalaking hakbang na iniwan na lang ang dalaga bago pa man siya makagawa ulit ng pagsisisihan niya.

Napahalakhak si Cindy. Hindi man niya kasi nalaman ang totoong dahilan ng pagwalk-out ni Yolly ay sigurado naman siyang tungkol iyon kay Andy.

Well, wala siyang dapat ika-stress dahil sooner or later naman ay sigurado siya na malalaman din niya kung ano ang iniyakan na iyon at ikinagalit ni Yolly kanina. Siya pa?

Ngising-ngisi pa rin si Cindy habang may idinadayal na siya sa cellphone.

"Hello, Karen?"

"Oh, bakit?"

"I think we need to celebrate, girl."

"Ano'ng sinasabi mo?"

"I'll tell you later. Let's meet in the bar?"

"Shoot. Wala naman akong pasok bukas."

"Good dahil may ikukuwento ako sa 'yo na siguradong ikakatuwa mo rin about kay panget na Yolly."

"Ay, bet!" Tulad nang inasahan ni Cindy ay natuwa nga si Karen.


MAY PAGMAMADALI naman si Yolly na pumasok sa bahay nila nang sandali na iyon.

"Andy?!" tawag agad ni Yolly sa pangalan ng binata, kasabay niyon ang marahas at nagmamadali niyang pagbukas ng pinto ng silid nila.

Agad namang nagtama ang tingin nila ni Andy nang makita niya ito. Pero kahindik-hindik ngayon ang mga tingin sa kanya ni Andy. Parang papatay ito kapag hahawakan o kakalabitin man lang.

Gayunman, kahit may alinlangan at may takot ay lumapit pa rin siya rito. Kahit pa dumadagundong ang matindi niyang kaba sa dibdib at kahit pa nagbabadya na naman ang pagtulo ng kanyang mga luha.

"M-magpapaliwanag ako," garalgal na lakas-loob niyang sabi.

Napasabunot sa buhok si Andy. Kitang-kita ang panginginig nito sa pigil na pigil na matinding galit. Lumalaki-laki ang butas ng ilong, nakatiim-bagang at nagdudugtong ang mga kilay. Tumataas-baba ang dibdib nito sa pilit na pagkontrol na sarili.

ANG NABUNTIS KONG PANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon