Part 18

267K 5.1K 121
                                    

"Buti dumating ka na. Kumusta ang school?" salubong na tanong ni Yaya Chadeng sa alagang si Andy.

"Okay lang po. Sina Mom at Dad dumating na, 'Ya?" walang ganang sagot at tanong din ni Andy.

"Ayun, lasing na dumating kanina ang Mommy mo at nang magising ay umalis na naman. Si Daddy mo naman ay hindi pa bumabalik simula umalis."

Tumango-tango si Andy habang napapahimas-batok. Inasahan na niya iyon kaya hindi na siya nagtaka. Gayunman, kahit ayaw man niya ay sobrang apektado talaga siya sa mga nangyayari ngayon sa relasyon ng kanyang mga magulang.

"Bakit hindi mo sila kausapin?"

He shook his head. Ayaw niya. Wala rin naman siyang magagawa. He is aware that no matter what he says to them, their decision will remain unchanged. Ni hindi na nga nila naisip kung ano ang nararamdaman niya ngayon bilang anak nila, eh.

"Oh, siya. Hayaan mo na sila. Matatanda na sila," pagsuko ni Yaya Chadeng.

Malungkot niyang nginitian ang matanda.

"Siya nga pala tumawag si Cindy kanina. Tinatanong kung puwede ba raw siyang dumalaw rito ngayon. Alam niya raw kasing nalulungkot ka. Gusto ka raw niyang damayan."

Napakagat-labi si Andy. Nag-isip ng ilang sandali at pagkuwa'y napabuntong-hininga. "Sabihin niyo po na ako na lang ang pupunta sa bahay nila, 'Ya."

Nagulat si Yaya Chadeng. "Huh? Sigurado ka?"

Tumango siya sa mabait niyang tagapag-alaga. Alam niyang nagtataka ito dahil ni ayaw nga niyang makausap dito sa bahay nila ang dalagang iyon na habol nang habol sa kanya tapos ngayon ay siya pa ang pupunta. Nakapagtataka naman talaga. Pero kasi ay ayaw niyang magtagal pa sa bahay nilang iyon. Mababaliw lang siya sa kakaisip sa nangyayari sa mga magulang niya, na ni sa hinagap ay hindi niya naisip na mangyayari dahil akala niya ay mahal na mahal ng mga magulang niya ang isa't isa. Isang malaking pagkakamali pala.

"Pakitawagan na lang po si Cindy, 'Yaya. I'm just going to change my clothes," aniya bago patakbo nang umakyat sa marangya at paikot-ikot nilang hagdanan.

"Sigurado ka ba?"

"Yes po."

Hindi nakakilos agad at nakapag-react si Yaya Chadeng. Sunod-tingin na lang ito kay Andy. Takang-taka ang hitsura nito dahil unang pagkakataon na hindi umiwas ang alaga sa Cindy na iyon.

"Hay naku, pati si Andy ay napapariwara na sa pag-aaway ng mga magulang niya. Kawawang alaga ko," mayamaya ay usal ng matanda sa sarili habang patungo sa telepono.

Mabilis namang nagbihis si Andy. He wore a simple black T-shirt, denim pants, and rubber shoes. Pupunta talaga siya kina Cindy. May mapuntahan lang siya. Para lang hindi siya magtagal sa bahay nilang iyon na itinuturing na niyang impyerno.

"'Ya, I'm leaving," paalam niya sa Yaya Chadeng niya na nadaanan niyang naglilinis sa living room nila.

"Andy," pero tawag sa kanya nito.

"Po?"

"Akala ko ba hindi mo iyon gusto? Ang ibig kong sabihin ay si Cindy."

"Haaan niyo na po," sagot niya na ikinampay ang kamay. "Mag-uusap lang naman po kami."

"Sige, mag-iingat ka na lang."

"Opo."

Madaling sumakay siya sa kotse niya pagkalabas saka pinaharurot paalis. Nagmamadali siya na ewan. Gustong-gusto niya talagang makaalis agad ulit sa bahay nila.

Masamang-masama ang loob niya dahil ayaw niya talagang maging broken family sila sana. Ngunit wala na yatang makakapigil pa sa paghihiwalay ng magulang niya kahit siya man.

"Bahala sila sa buhay nila," mapait ang tinig niyang naisatinig sabay suntok sa manibela. Pakiramdam din niya ay parang napakawalang kuwenta niyang anak.

Hanggang sa hindi na niya namalayan kung paano siya nakarating sa bahay nina Cindy ng ligtas dahil lumilipad talaga ang isip niya.

Isinuot muna niya ang kanyang sunglass na itim bago bumaba ng kotse. Lumapit siya sa pinto at nag-doorbell. Saglit lang naman ay may nagbukas niyon. Anong gulat nga lang niya nang bumungad sa harapan niya ang isang babaeng baduy. Ka-style ni Yolly.

Speaking of Yolly. Napangiwi siya dahil naalala niyang may problema rin pala siya sa babaeng iyon. Tsk.

"Kayo po siguro si Sir Andy. Pasok po." Ngiting-ngiti sa kanya ang babae. Parehas na parehas talaga ito ni Yolly. Mula sa buhok na buhaghag at may bangs hanggang sa pananamit. Wala lang itong salamin sa mata.

And speaking of Yolly again. Nakauwi na kaya ang babaeng iyon? May padate-date pang nalalaman sa guwardya. Hindi naman sila bagay. Pfft!

"Sir? Pasok na po kayo?" Nagtataka na yata sa kanya ng babae.

"Uhm, yeah..." aniyang napahiya. Sinikap niyang iwala sa pagkukumpara niya kay Yolly rito.

"Hinihintay na po kayo ni Ma'am Cindy sa loob, Sir," sabi ng babae ulit.

Sa pagkakataong iyon ay tuluyang natauhan si Andy. Luminga-linga siya paligid. "What the hell I am doing here? Nababaliw na ba ako?" at piping naisaloob niya nang mapagtanto niyang nasa bahay siya ni Cindy.

"Sir, okay lang kayo?" tanong na naman sa kanya ng babae. Napapangiwi rin ito kasi napapangiwi na pala siya sa mga itinatakbo ng isip niya. Mukhang pinag-iisipan na siya nitong baliw.

"Of course, I'm fine. Pero puwede pakitawag na lang si Cindy dito, please?"

"Ayaw niyong pumasok na lang, Sir?"

"Hindi na siguro. Pakitawag na lang siya rito. Dito na lang kami mag-usap."

Tumango ang babaeng kasambahay. "Sige po. Saglit lang po."

Alanganin siyang iniwan ng babae. Palingon-lingon pa ito sa kanya habang papasok ulit ng bahay.

Napabuntong-hininga naman siya nang malalim. Gusto niyang suntokin ang sarili. Kung nagkataon ay panibagong problema na naman sana pala ang nagawa niya.

Nang makita niyang nakapasok na sa bahay ang katulong nina Cindy ay kumaripas na siya ng balik sa kanyang kotse. Agad niyang pinaandar iyon at pinaharurot patakas.

Buti na lang! Buti na lang talaga at nakapag-isip pa siya nang matino! Lagot na sana na naman!

Ang hindi niya namamalayan ay direksyon papuntang bahay na ni Yolly ang tinatahak naman ng kanyang kotse. Namalayan na lang niya nang tumigil siya roon.

"What the f*ck!" Natampal-tampal niya ang sariling noo. Minamaligno na ba siya? Aistt!

Hindi muna siya bumaba. Ang totoo kasi ay hindi pa siya ready harapin si Yolly. At ang mas totoo, nahihiya kasi siya sa dalaga dahil sa nangyari kaya naman iniiwasan niya muna ito. Parang wala na siyang mukhang ihaharap pa kay Yolly. Ang bait ni Yolly tapos gano'n lang ang ginawa niya. He took advantage of her. He's a jerk!

Napakislot siya nang nagbukas ang gate nina Yolly at lumabas doon ang dalaga.

Napalunok siya. Once again, he felt the guilt that had been tormenting him for days. Kung paano mawawala ay hindi niya alam, wala siyang maisip na gawin.

Nakuntento muna siya sa panonood sa dalaga pero nang makita niyang itinapon ni Yolly ang bote ng gatorade sa basurahan ay parang sinibat ang puso niya.

"Aba't!" Nasaktan siya kaya naman wala sa sariling lumabas na siya sa kotse at sinugod ang dalaga.

ANG NABUNTIS KONG PANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon