Part 28

240K 4.3K 318
                                    

Maangas na tumayo si Andy at hinarap si Cindy. Tiningnan niya ito ng masama, as in masamang-masama. Pagkatapos ay nakabukol ang dila sa pisngi niya na inilapit ang mukha niya sa tainga nito saka bumulong.

"If you ever hurt someone here on campus, ako ang makakalaban mo. Don't dare me, Cindy, if you don't want me to forget that you're a woman."

Hindi makapaniwalang napasinghap si Cindy. "Really, Andy? Magpapakagago ka dahil lang sa pangit na iyon?"

Malademonyong ngumisi na lang siya rito. Ang mga kaklase naman nila ang hinarap niya, pero wala siyang sinabi. Tiningnan niya lang din ang mga ito ng masama, lalo na si Patrick na kaibigan pa naman niya. Naiinis siya dahil pati ito ay nakikisali sa walang kuwentang bagay.

"Dude?" tawag sa kanya ni Patrick nang nagpasya siyang huwag na lang um-attend ng klase. Nakapamulsa siya na umalis. Walang lingon-lingon.

Sa hallway ay nakasalubong niya ang prof nila pero parang wala siyang nakita. Nababanas na siya sa lahat ng tao sa school na iyon. Lahat na lang ay nakikita sa kanya. F*ck!

What's wrong if he's making friends with Yolly? Buti nga si Yolly totoong tao, eh. Walang kaarte-arte sa katawan. Hindi tulad nila na kaguwapuhan at kasikatan lang niya ang inaasam.

Napapailing na sumakay siya sa kotse niya. Uuwi na lang siya.

"Andy?" Pero nagulat siya nang madatnan niya sa bahay nila ang mommy niya. May dala kasi itong maleta at parang paalis. Iiwan na siya.

Nakangising napabuga siya ng hangin. What a life! Grabe! Ang saya-saya!

"Son, let me explain." Subok sana ng Mommy niya na kausapin siya pero para ano pa?

Mabilis siyang pumasok sa silid niya at doon nagkulong. Ibinagsak niya ang katawan niya sa malambot niyang kama. Kinatok siya ng ina pero nag-headset siya. Wala na siyang pakialam, dahil wala ngang pakialam ang mga ito sa nararamdaman niya. Umalis sila kung gusto nilang umalis.

Blangko ang utak niyang napatitig sa kisame.

Ang hindi niya alam ay parehas niya si Yolly na nakatitig din sa kisame ng silid nito sa mga oras din na 'yon. Parehas silang dalawa pero kabaliktaran ni Andy ay ang dami namang iniisip ng dalaga. Iniisip ni Yolly kung paano niya palalakihin ang anak. Kung masakit ba ang manganak. Kung sino ang magiging kamukha ng bata, pero sana si Andy. At madami pang iba.

"Hay!" Ang haba ng naging buntong-hininga ni Yolly. Sana lang makayanan niya kahit mag-isa lang siya na buhayin ang anak niya balang-araw dahil ang totoo ay wala talaga siyang balak sabihin pa kay Andy ang pagbubuntis niya. Kahit pa nangako siya sa nanay niya ay wala talaga. Bahala na siguro.

KINABUKASAN ay maagang nagising si Yolly na parang walang pinuproblema. Tulad ng nakasanayan ay ligo, kain, bihis at papasok na siya sa school. Sinabi niya sa sarili niya na back to normal na muna siya. Hindi na muna siya mag-iisip ng kung anu-ano dahil bawal ma-stress ang buntis. Sa ngayon ay ipagpapatuloy niya muna ang kanyang pag-aaral habang hindi pa lumalaki ang tiyan niya.

"'Nay, pasok na ako," paalam niya sa ina.

"Teka! Teka!"

"Bakit po?"

"Ito dalhin mo 'tong white flower at baka biglang sumama ang pakiramdam mo."

Umasim ang mukha niya. "Wala pa pong isang buwan ang tiyan ko, 'Nay, kaya huwag muna kayong mag-isip ng kung anu-ano."

"Mainam na 'yung naghahanda ka sa mga mararamdaman mo. Ganoon ang nagbubuntis. Maselan," pero giiit ng ina.

Kahit OA ay napangiti si Yolly sa nanay niya. Buti na lang at binigyan siya ni Lord ng inang maunawin. Mabunganga man ay mabait naman. Laging nakasuporta sa kanya.

ANG NABUNTIS KONG PANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon