Part 20

296K 4.6K 218
                                    

"Waaahhh!" ngawa pa rin ni Cristine na sinasabayan ni Yolly. Nagyayakapan silang dalawa, tapos maghihiwalay, tapos magyayakapan na naman tapos maghihiwalay rin ulit. Parehas na silang parang tanga na nag-iiyakan sa isa't isa na hindi naman alam ang dahilan kung anong iniiyakan nila.

Si Cristine dahil buntis nga ito.

At si Yolly dahil sa virginity niyang nawala na hindi man lang niya namalayan, tapos ay may posibilidad pang mabuntis siya.

"Bakit ka ba grabe kung makaiyak?" tanong niya sa pinsan sa gitna ng paghahagulgol.

"Eh, ikaw bakit ka rin umiiyak?" ngunit balik-tanong ni Cristine sa kaniya.

Natigilan silang magpinsan. Makikita sa mukha nila na may gusto silang sabihin sa isa't isa kaya lang ay parehas din naman nilang hindi masabi kung ano ang mga iyon. Siguro dahil sa takot o hiya kaya naman iyakan na lang ulit silang dalawa.

Sa isip-isip ni Cristine. "Paano na ang kinabukasan ko?"

At sa isip-isip naman ni Yolly. "Paano na ang virginity ko?"

"Okay ka na ba?" tanong ni Yolly habang winawalisan niya sa sahig ang nagkalat na pagkadami-daming tissue na naubos nila ni Cristine kakaiyak.

Tapos na sila sa pag-e-emote nila. Gayunman, malungkot pa rin na tumango si Cristine sa kaniya.

"Ano ba kasi 'yang mabigat na problema mo?" sinubukan pa ring tanong niya sa pinsan.

Subalit iling pa rin ang isinagot ni Cristine.

Napabuntong-hininga na lang siya na itinuloy ang pagwawalis. Hindi na niya pipilitin kung ayaw talagang sabihin ni Cristine ang problema nito.

"Iyan ba ang dahilan bakit ka laging absent sa school?" Iniba na lang niya ang tanong.

Tumango si Cristine pagkuwa'y tumayo na ito.

"Teka, aalis ka na?"

"Oo. Uwi na ako."

Madaling itinabi niya ang walis tambo. "Ihahatid na kita baka kung saan ka mapunta," aniya dahil pansin niyang nawawala talaga sa sarili ang pinsan.

Hindi umimik si Cristine. Nakaaalalay siya hanggang sa paglabas ng bahay.

"Okay ka lang ba talaga?" paninigurong tanong niya ulit dito habang naglalakad sila pauwi sa bahay nina Cristine. Sa tingin niya ay mas malalala ang pinagdadaanan nito kaysa sa kanya.

"Yolly, 'pag pinatay ako nina Mama. Iburol mo ako sa bahay niyo, ha?"

Gulat na gulat siya sa sinabing iyon ni Cristine. Kinilabutan siya pati. "Ano bang sinasabi mo?"

"Seryoso ako."

"Ay, ewan ko sa 'yo. Kung anuman 'yang problema mo ay may mareresolba 'yan. Sabihin mo kasi kung ano 'yan nang matulungan kita "

Nag-isip si Cristine. At akala niya ay mag-o-open na ito ng problema pero hindi pa rin pala dahil umiling lang ulit ito.

Napakibit-balikat na siya. "Sige, hihintayin ko na lang kung kailan mo sasabihin."

Ipinagpatuloy nila ang paglakad. Nang biglang may humintong motor sa tapat nila. Natigil sila sa paglakad.

"Yolly," tawag sa kanya ng nakasakay roon na lalaki.

Kunot-noo na inaninag niya ang mukha ng lalaking nakatago sa helmet.

"Kilala mo?" Kalabit sa kanya ni Cristine.

"Hindi, eh."

Nang mag-alis ng helmet ang lalaking iyon ay si Leandro pala.

"Leandro, ikaw pala." Umaliwalas ang mukha niya.

ANG NABUNTIS KONG PANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon