Part 13

305K 5.4K 190
                                    

Pinamaywangan ni Yolly si Andy. "Ano na naman? Anong magulong lugar na sinasabi mo?"

"Basta samahan mo na lang ako. Gusto kong magwala. Parang sasabog ako, eh. Baka makapatay ako ng tao nito."

"Kumalma ka nga."

"Tara na kasi?"

"Hindi ako puwede."

"Bakit naman? I thought we were already friends?"

Kamot-ulo si Yolly. Kinokonsensya pa talaga siya, ay naku.

"Anak, bakit hindi mo papasukin ang bisita mo?" Ang nanay niya.

"Tama. Mabuti pa ay pumasok ka muna."

Yumukod si Andy kay Aling Yolanda. "Magandang hapon po."

"Magandang hapon naman. Sige na doon na kayo ni Yolly mag-usap sa loob. Ang init dito sa labas, oh."

Tiningnan siya ni Andy. "Tara sa loob," kaya alok niya ulit dito.

"Huwag na. Aalis na tayo," ngunit ay bulong sa kanya nito.

Napakagat-labi siya na tumingin sa nanay niya. Doon niya napansin na bihis ito. "Nay, may pupuntahan ka?"

"Ay, oo." Nagpupulbo ang ginang. "Kaya ikaw muna ang bahala rito sa bahay. Baka madaling araw na akong makauwi. Huwag kang aalis ng bahay, ha?"

Sinulyapan niya si Andy. Lumabi siya rito. Nagkibit-balikat naman ang huli.

"Saan ka ba pupunta, 'Nay?"

"Kina Tita Salve mo. Tutulungan ko sila sa pagpe-prepare ng handa bukas ng anak niya."

"Ah, para sa birthday po ni Farah?"

"Oo. Siya, sige na. Aalis na ako." Hinalikan siya ng ina sa pisngi saka binalingan nito ang binatang bisita. "Pasensiya ka na, iho. Feel at home na lang, ha?"

"S-sige po. Salamat po." Pilit na pilit ang ngiti ni Andy kay Aling Yolanda.

"Pano 'yan? Hindi talaga ako puwede?" sabi rito ni Yolly nang wala na ang nanay niya.

Napahalukipkip si Andy. Parang nag-isip ito.

"Halika nga." Wala na siyang choice kundi ang hilahin ito papasok sa loob ng bahay. Ang arte, eh!

At katulad ng bagong bisita ay naging malikot ang mga mata ni Anyd sa pagtingin-tingin sa loob ng bahay nila.

"Pasensya ka na sa bahay namin. Maliit lang," kiming aniya. "Umupo ka muna. Pag-usapan na lang natin ang problema mo. Ano bang nangyari pag-uwi mo?" saka sabi rito. Umupo siya sa mahabang sofa nila at itinuro naman niya ang pang-isahang sofa sa binata.

Pabagsak na umupo roon si Andy. "Wala ba kayong kahit anong wine?"

"Wine talaga? Ano kami mayaman?"

"Kahit beer? Wala?"

"Wala po. Kasi dalawang babae lang naman kami ni Nanay ko rito sa bahay."

Tumayo si Andy. "Bili na lang ako."

"Umayos ka nga!" Hinila niya ito sa damit. "Alalahanin mo kagagaling lang natin sa simbahan kanina."

Animo'y pagod na pagod na napasandal si Andy sa upuan. Gusto nito talagang maglasing.

"Ano ba kasing nangyari?" amo niya rito.

"Nothing."

"Eh, bakit ganyan ka?"

Hindi nasagot iyon ni Andy dahil may biglang bumagsak na bagay sa likuran nila. Gulat na gulat silang dalawa. Nang lingunin nila ay si Cristine pala, at mga notebook ng dalaga ang bumagsak sa sahig.

ANG NABUNTIS KONG PANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon