Part 73

219K 3.9K 254
                                    

"Aray ko naman!" angal ni Yolly dahil parang hindi siya tao na kinarga ni Andy at ipinaupo sa wheelchair. Pabagsak kasi at hindi naman gano'n kalambot ang upuan ng wheelchair.

"Ang arte mo!"

"Palit tayo kaya?! Para alam mong masakit!" irap niya at kunwari ay hamon niya. Naiinis na rin siya.

"Kasi tatanga-tanga ka! Magpapakamatay na nga lang sa hindi naman sigurado! Dapat sa ten-wheeler ka nagpabangga, hindi sa kotse ko!" katwiran ni Andy saka itinulak na walang ingat ang wheelchair.

"Dahan-dahan naman kasi," angal ulit niya. Tiningala niya ang binata at iningusan. Kung hindi lang talaga niya pinaninindigan ang pilay-pilay kunwari na ito ay naglakad na siya. Tss.

"Huwag ka ngang maarte! Ikaw na nga 'tong ginagawan ng pabor, eh!" Lalong nainis naman ang binata.

"Sana kasi hindi ka na lang pumayag na sunduin ako kung ganito naman. Mas babaliin mo pa mga buto ko, eh."

"Wala nga akong choice, 'di ba? Do you really think I like doing this?! Remember, I am extremely furious with you! Pero heto, ako pa magdadala sa 'yo sa bahay namin! Wow! Ang saya-saya, 'di ba?!"

Nakagat ni Yolly ang lower lip niya para hindi siya mapabungisngis. Nga naman.

At nagtataka na siya. Ano kaya ang ginawa ni Madam Angie at nautusan nito si Andy?

"Ano ba?!" angal na naman niya dahil muntik naman siya ngayong mahulog sa wheelchair. May kumalso yata sa isa sa mga gulong. Tiningala niya si Andy at muling inirapan. Nanadya na yata, eh.

"Kumapit ka kasi!" Hinila siya nito sa ulo at marahas na ipinasandal sa wheelchair.

Ang gentleman ng loko. Ugh!

Laking pasalamat na lang niya dahil hindi siya natuluyan habang inilalabas siya ni Andy sa bahay nila. Ligtas naman siya kahit paano at hindi napilay nang tuluyan na nakarating sila sa kotse.

Muli ay binuhat siya ni Andy. "Ang bigat mo naman!" at angal na naman nito.

Napanguso siya at magrereklamo na naman dapat. Ang payat na nga niya, eh. Pfft! Hindi nga lang siya nakaimik kasi ang lapit ng mukha ni Andy sa mukha niya. Pinulupot niya kasi ang dalawang kamay niya sa leeg nito para hindi siya mahulog. Ang hindi sinasadya ay napatingin din sa kanya si Andy. Nagtama ang kanilang mga mata. Matagal. As in ilang segundo rin. Tila ba tumigil ang oras sa mga sandaling iyon sa kanilang mga pakiramdam.

Tumibok din ng mabilis ang kanilang mga puso. At para bang dinuduyan sila ng mga ulap.

Tapos ay bakit gano'n? Mas gumuwapo pa ngayon si Andy sa paningin ni Yolly. Kahit pa may konti pa rin itong mga pasa. Parang kay sarap haplusin ng mukha nito. Ang linis, wala man lang pores.

Gayundin si Andy, parang ngayon lang niya napansin ang kagandahan na ngayon ni Yolly. Ang maamo nitong mukha na hindi na natatakpan ng bangs at salamin. Ang mga mata nitong nangungusap na wala nang makapal na kilay. Ang ilong nito na maliit pero matangos at ang labi nitong pink na parang kay sarap halikan.

Ang sarap sa kanilang pakiramdam habang nagkakatitigan. Pero natapos ang lahat nang biglang may sumigaw.

"Balut! Baluuuuuttttt kayo d'yan?!"

Napangiwi si Yolly. Ang agang balut naman? Panira ng moment!

Sa isang iglap at sa pagkurap nang kanilang mga mata ay nagbalik ang lahat sa normal. Parehas silang napasinghap sa hangin at napasambit ng, "Huh?!"

Si Andy, animoy nagising sa isang panaginip at pabalibag na niyang pinaupo si Yolly sa kotse.

"Aray ko naman!" angil ulit ni Yolly dahil nauntog ang ulo niya.

ANG NABUNTIS KONG PANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon