Part 80

232K 4K 261
                                    

Nagulat si Andy nang madatnan niya sa apartment ni Patrick si Cindy. Galit na galit ang dalaga kay Patrick. Umiiyak din ito.

"Ano'ng nangyayari?" tanong niya sa dalawa na halatang nagulat din sa biglaang pagsulpot niya.

"Andy?!" Lumaki ang mga mata ni Cindy. Para itong nakakita ng multo.

"Yeah? Ako nga?! Bakit kayo nag-aaway? What's wrong?"

Cindy's facial expression suddenly changed. Mula sa galit na galit ay naging maamo na at nahihiya pa. Pero nang ibalik nito ang tingin kay Patrick at hinampas nito ang binata sa dibdib.

"Mag-uusap tayo ulit! Isusumbong kita sa mommy ko!" At pagkasabi n'on ay malalaki ang hakbang na iniwan na sila ng dalaga.

"Cindy, No! 'Wag kang umalis! Nag-uusap pa tayo!" Hahabulin sana ni Patrick ang dalaga.

"Don't dare follow me! At 'wag na 'wag mong sasabihin kay Andy 'yon kundi I'll f*cking kill you!" pero bulyaw dito ng dalaga at nagtatakbo nang umalis.

"Aisst! Ano ba 'yan!" Kamot sa sariling ulo si Parick, hindi na nga ito sumunod sa dalaga. Takot lang nito kasi kay Cindy.

Maang naman na palipat-lipat lang ng tingin si Andy sa dalawa. Takang-taka siya. Parang may issue ang dalawa, eh. Dahil tuloy do'n ay nakalimutan niya ang highblood niya.

Doon siya dumiretso sa apatment ni Patrick nang umalis siya ng bahay nila. Wala kasi siyang maisip na mapuntahan.

"What was that? Bakit nag-aaway kayo ni Cindy? At ano 'yung sinasabi niyang isusumbong ka niya sa mommy niya? What did you do?!" sunod-sunod na tanong niya sa kaibigan nang hindi na nila matanawan si Cindy.

"Problema, Dude," sagot sa kanya ni Patrick na pabagsak na umupo sa sofa.

Maang pa rin siya na umupo rin. "Anong problema?"

"Narinig mo naman, 'di ba? Hindi ko raw sasabihin sa 'yo!" Makikita sa mukha ni Patrick ang malaking problema. Nagulo-gulo nito ang sariling buhok. "Kainis naman kasi! Bakit kasi ako nalasing?! I'm so stupid!" pero hindi rin nito namalayan na naisambit.

Andy's lips curved into a smile. He immediately understood what his friend's significant problem was. "Wait, don't tell me—" Hindi niya naituloy ang sinasabi dahil iniharang ni Patrick ang isang palad nito sa kanyang mukha.

"Huwag mo nang ituloy dahil nasusuka ako, Dude."

Ang sumunod ay ang malakas na tawa niya. Akalain mo nga naman, oh. Hindi niya lubos maisip na si Patrick at Cindy pala ang magiging love team sa huli. Ayos!

"Sige, tawa pa!" inis na busangot sa kanya ng kaibigan.

Pinilit ni Andy na pigilin ang tawa. "Sorry, sorry. I just can't imagine kasi na kayo pala ang—"

"Huwag mo nang ituloy dahil hindi 'yon mangyayari," interrupt na naman ni Patrick sa sinasabi niya kaya hindi niya natapos ulit.

Sumeryoso na siya. "Pero ano bang nangyari?"

Maasim ang mukha ni Patrick na nagkuwento. "Naalala mo 'yung galing kami sa bahay niyo? Pagkaalis namin doon ay nag-inuman kami rito. Kasama si Karen. Then ayun bigla na lang nangyari ang hindi dapat mangyari. Badtrip!"

Natawa ulit siya ng malutong. Kaya naman pala hindi na siya kinukulit ni Cindy.

"What will I do now? Patay ako nito," maktol ni Patrick. Nagpapadyak ito sa kinauupuan at ginulo-gulo ulit ang buhok.

"Chill! Ano naman ngayon kung nagalaw mo siya? Normal lang 'yon?"

"Dude, she's virgin, dude! Ako ang nakauna kaya galit na galit siya! At ang masaklap wala akong proteksyon no'ng ginalaw ko siya! What if mabuntis ko siya?!"

ANG NABUNTIS KONG PANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon