Part 81

208K 3.5K 279
                                    

Pakiramdam nina Yolly at Andy ay sila lang ang tao sa mundo ng mga sandaling iyon. Ang sandali na magkalapat ang kanilang mga labi at nakapikit ang kanilang mga mata.

Pakiramdam din nila ay nasa isang magandang hardin sila, na may mga falling stars na nagsibabaan mula sa kalangitan at mga paru-paro na nagliliparan sa paligid. Tapos ay may mga nagpuputukang fireworks din sa di-kalayuan. Idagdag pa ang mga petal rose na nahuhulog mula sa kung saan na humahalimuyak ang bango sa hangin.

Hindi mailarawan ang kanilang pakiramdam. Basta masarap, magaan at napakasaya sa damdamin. Ni ayaw na nilang maghiwalay, kahit pa ang hirap ng kanilang mga posisyon dahil nangangawit na si Andy at ang sakit naman na ng likod ni Yolly. Natatalo ang lahat ng iyon sa hindi maipaliwanag na kanilang mga damdamin.

Wala silang kamalay-malay na sa mga sandali ring iyon ay may puso ring nadudurog, nasasaktan at parang gusto na lang tumigil sa pagtibok. At iyon ay ang puso ni Leandro.

Awang ang labi ni Leandro na nakatingin sa kanila. Naestatwa ito sa kinatatayuan habang namumula ang mga mata sa nagbabadya nitong mga luha. Sa loob-loob ni Leandro ay sakit naman dahil talagang sa harap pa nito nangyari ang ganoong eksena nina Yolly at Andy. Animo'y napupunit ang kaniyang puso.

Hindi naman sinayang ni Andy ang napakagandang sandali na iyon. Gumalaw ang mga labi niya. Sinakop niya ang bibig ni Yolly. Nilasahan niya ang bawat detalye ng mga labi ng dalaga.

At si Yolly, wala man lang ni katiting na pagtutol. Sa halip ay tinugon niya ang halik na iyon ni Andy. Lumaban ng kusa ang nga labi niya sa utos ng nagdidiwang na puso niya.

"I love you, Yolly," napakahinang naisatinig ni Andy. Pinapakawalan na niya ang kay tagal na niyang tinitikis na damdamin para sa dalaga.

Subalit hindi iyon umabot sa pandinig ni Yolly.

"Sunog! May sunog!" sapagkat mga malakas nang sigaw ni Yaya Chadeng mula sa loob ng bahay. Natatarantang nagtatakbo ang matanda palabas.

Napamulat sina Yolly at Andy ng mga mata at nahihiyang nagkakatitigan. Na parang tinatanong nila sa isa't isa na totoo ba 'to? Totoo bang nag-kiss sila?

"Yolly?! Andy?! Leandro?! Ano ba?! Sabing may sunog! Bakit nakatunganga lang kayo?!" sigaw na sa kanila ni Yaya Chadeng.

Hindi iyon mga naririnig ulit nina Yolly at Andy. Patuloy lang siya sa pagtitigan.

Si Leandro, ang sa wakas ay gumalaw na sa tila pagkakaestatwa niya. Subalit kinailangan pa niyang lumanghap ng hangin bago nagawa niyang kumilos ng normal. Sa sobrang sakit ng nararamdaman niya ay para kasing kakapusin na siya ng hininga.

"Yaya, sa'n po ang sunog?"

"Doon! Doon sa kusina!" hestirikal ni Yaya Chadeng. "Nakalimutan ko may pinapainit pa pala akong ulam kanina! Diyos ko!" At totoo 'yon dahil lumalakas na nga ang apoy sa kusina ng malaking bahay ng mga Pagdatu.

Habang kumakaripas ng takbo papasok ng bahay sina Leandro at Yaya Chadeng para apulahin ang apoy, wala man lang pagmamadali ang kilos nina Andy at Yolly na bumangon na.

Masuyong tinulungan ni Andy si Yolly na makatayo. Matamis ang ngitian nilang dalawa na magkaharap na nakatayo. Kapwa nila ayaw nang ibaling ang mga tingin nila sa iba.

Natatakot sila na baka kapag ibaling nila sa iba ay mawala na 'yung sparks, na baka mawala ang napakagandang moment. Ayaw nilang mangyari 'yon. Gusto nilang namnamin pa ang matamis nilang pagtitinginan na sa wakas ay naamin din nila sa isa't isa.

"Okay ka lang?" masuyong tanong pa nga ni Andy.

"Oo," kiming sagot naman ni Yolly.

Kabaliktaran nila ang mga nasa loob ng mansyon. Hindi na alam nina Yaya Chadeng at Leandro kung paano apulahin ang lumalakas na apoy sa kusina. Tarantang-taranta ang dalawa.

"Yaya, nasa'n ang fire extinguisher?!" malakas na tanong ni Leandro.

"Nandoon! Nando'n sa gilid!" Natatarantang mabilis na turo ni Yaya Chadeng sa tinatanong ng binata.

Patakbong kinuha iyon ni Leandro at ginamit iyon sa pagpatay ng apoy. Apoy na nasa kalan pa lang naman kaya kayang-kaya pa rin ng binata.

Sina Yolly at Andy, nagkakangitian pa rin habang nakatitig sa isa't isa. Wala na talaga silang pakialam sa mundo. Si Andy may pahawak-hawak na siyang nalalaman sa pisngi ni Yolly. Habang si Yolly ay nagpapabebe naman. At sa pagpapabebe niya ay nakalimutan na niyang tuluyan na nakatayo na siya na dapat ay nakaupo lang sa wheelchair. Nawala na siya sa matinong pag-iisip gawa ng kilig. Nakalimutan na niya na nagpapanggap siyang pilay.

Hindi naman masisisi ang dalaga, dahil ngayon lang niya napagtanto na may special na nga siya talagang nararamdaman para kay Andy, na mahal na pala niya ang binata.

Mahal na mahal!

At sa wakas, naapula rin ni Leandro ang apoy sa kusina. Buti na lang at naagapan niya. Nakahinga sila nang maluwag ni Yaya Chadeng.

"Diyos ko, buti na lang!" Napahawak si Yaya Chadeng sa dibdib. Pasalamat talaga nito sa Diyos at nakaramdam siya ng uhaw kanina bago humimbing ang tulog niya kundi naku, hindi na niya alam ang nangyari.

"Mabuti na lang at malakas ang loob mo, Leandro. Pero teka—" Bigla ay natigilan si Yaya Chadeng nang naisip niya na bakit si Leandro nga lang pala ang pumatay sa apoy?

"Nasa'n nga pala sina Andy at Yolly?" naibigkas ni Yaya Chadeng na tanong nang mapagtantong mag-isa lang si Leandro pala na kasama niya sa kusina.

Sa halip na sumagot, malungkot ang naging mukha ni Leandro na ibinaba ang hawak na fire extinguisher.

Napatingin si Yaya Chadeng sa labas ng bahay tapos ay takang-taka na lumabas. Sa isip-isip ng matanda ay, ano bang ginagawa ng alaga niya?! Mapapagalitan na talaga niya ito dahil wala na ba talaga itong pakialam sa mundo?!

Subalit awtomatikong nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Yaya Chadeng nang makita na niya ang pinagkakaabalahan ni Andy sa labas. Napangiti at kinilig na siya ng bonggang-bongga.

Iyon naman pala, si Yolly lang naman pala ang pinagkakaabalahan ng alaga. Na kahit siguro masunog pa ang buong mansyon kung makikita ito ngayon ni Madam Angie ay okay lang.

Tuwang-tuwa nang kinilig ang matanda.

Kabaliktaran ang pagbusangot naman ng mukha ni Leandro na nasa likuran nito.

"Naku, bagay na bagay talaga sila," hindi napigilan na nasambit pa ni Yaya Chadeng. Nga lang ay natigilan at nahintakutan din ang Yaya nang mapansin nitong nakatayo si Yolly

Paktay!

Gusto sana ni Yaya Chadeng na sabihan o senyasan si Yolly. Pero pa'no?

"Sorry sa mga nagawa ko. Sana mapatawad mo na ako ngayon, Andy," seryoso at mahinang tinig ni Yolly habang nakatingala siya bahagya sa guwapong mukha ni Andy.

Ngumiti si Andy. "Okay lang—"

'Okay lang 'yon' sana, as in sana ang sasabihin ni Andy. Kaya nga lang ay may dumaan pa kasing pusa sa may wheelchair na siyang umagaw sa pansin ng binata. Napakunot-noo si Andy na napatingin sa wheelchair,  tapos ay kay Yolly, tapos ay sa paa ni Yolly.

Sa puntong iyon ay napangiwi na rin si Yolly nang ma-realize niyang nakatayo pala siya. Animo'y bumaba ang lahat ng dugo niya sa mukha. Nakagat niya pati ang pang-ibabang labi niya. Oo nga pala, pilay nga pala siya dapat.

"What's the meaning of this?! Bakit ka nakatayo?! Hindi ba pilay ka?!" sumbat na ni Andy.

Napangiwi si Yolly. Back to high blood na naman kasi si Andy. Walley, eh! Pahamak na pusa, eh!

ANG NABUNTIS KONG PANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon